CHAPTER SEVEN!

0 0 1
                                    

Matapos ang araw na yon hindi pa ako bumabalik sa hospital ayoko pa syang makita, ayoko pang makita syang naka higa sa kama na sobrang payat at nanghihina. Lahat ng pinag dadaanan namin alam ko kung sino ang dapat kausapin at puntahan, Bukod kay Mommy sya ang pedeng mag pa gaan sa loob ko.

Pumasok ako sa tahanan nya ng naka luhod humahakbang ako gamit ang dalawang tuhod ko hanggang sa maka lapit ako sakanya. Nanatili akong naka luhod habang kinakausap sya.

"Alam ko pong wala akong karapatang humiling sayo, pero, hindi lang naman po ito para saakin e, para rin po ito sa taong mahal ko.... Papa jesus alam ko pong pag subok lamang ito, at hindi kopo alam kung malalagpasan ko to ng hindi sya kasama. Alam ko pong kahit hindi ko sabihin sainyo alam kong alam mo kung gaano ko po sya kamahal. Nag mamaka awa po ako sainyo, dugtungan nyo pa po yung buhay nya. " Nakaka sawa man pero pinahiran kopa rin yung mga pesteng luha sa mata ko

"Pangako ko po, handa po akong magbago para sakanya, handa po akong mabuhay ng walang kayamanan basta kasama ko sya...." Tumayo ako at pinunasan muli ang mga luha sa mata ko. Ng maka labas ako ng simbahan naka kita ako ng isang bata na nag titinda ng rosary.

"Kuya, kuya bili kana po ohh. 100 lang po isang rosary."
Sabi nung batang babae habang naka ngiti. Para syang si Macey kapag ngumi ngiti, alam ko ang itsura nya kapag naka ngiti dahil bata pa lang kilala kona sya, hindi lang talaga kame close.

"Kuya????"

"Bigyan moko nung kulay pink." Pink kase ang paboritong kulay nya

"Salamat po kuya.God bless you po"

Kakausapin kopa sana sya ng biglang tumawag si tito.

"Tito ?"

[Derrick! Pumunta kana dito sa hospital bilis.] Lalo akong nataranta ng naririnig kong humihiyaw si Macey.

"Opo opo!" Nag madali akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa hospital.

Pag dating ko sa pinto ng kwarto ni macey tahimik na.

"Tita." Nakita ko syang umiiyak sa gilid samantalang si tito ayy palabas na ng kawarto tinap nya lang ako sa balikat ko

"Nag wawala sya sa sobrang sakit ng ulo kanina, tinurukan sya ng pampatulog." Niyakap ko si tita kase alam kong, kung meron mang pinaka na sasaktan yun ay si tita.
Tinap nya ko sa balikat at tumayo

"Ikaw na muna ang bahala kay Macey, susunduin ko lang yung best friend nya sa baba." Nag nod lang ako at lumapit kay Macey.

Hawak hawak ko lang yung rosary na binili ko kanina inilagay ko ito sa palad nya. Hawak hawak ko yung kamay nya.

Sobrang awang awa na ako sa itsura nya ilang araw lang akong nawala ganito na agad ang itsura nya she looks pale.

"Be-be, besha." Pag lingon ko sa may pintuan nakita ko yung Best friend nya sabay takbo papunta sa bestfriend nya. Ngayon lang sya naka dalaw kase nasa ibang bansa yan.

Umalis muna ako sa kwarto ni macey gusto ko muna mapag-isa, kaya pumunta ako sa rooftop ng hospital.

Dito kitang kita ko kung gaano kagulo ang mundo. May mga batang nag so-solvent , sobrang traffic , at mga babaeng nag bibigay aliw sa iba.

Bakit sila na biniyayaan ng mahabang buhay hindi nila kayang mag bago ? Si Macey na gustong-gustong mabuhay para sa aming dalawa at sa pamilya nya, sya pa yung binigyan ng maikling buhay.

Naaalala ko pa yung sinabi saken ni mom dati bago sya mamatay.

"Ikaw anak, ano mang problema at pag subok ang ibigay sayo ng diyos, wag na wag mong sasayangin ang buhay mo, wag kang mag papakamatay. Dahil tingnan mo na lang ang mga tao sa hospital, yung iba kulang na lang lumuha ng dugo madugtungan lang ang buhay ng taong mahal nila, kulang na lang ibigay na nila lahat madagdagan lang yung araw na ilalagi nila dito sa mundo. Pero yung iba jan dahil lang sa problema pag papaka matay na. Diyos ang nag bigay ng buhay saatin , diyos din ang may karapatang bawiin ito." Miss na miss kona sya.

"Derrick....*lumingon ako sa nag salita at nakita ko ang bestfriend ni Macey* Hindi derrick ang totoo mong pangalan."

HER DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon