|RATED SPG|
Chapter 1
Nicole's POV
Nagaayos ako ng gamit ko ngayon kasi lilipat ako sa dorm. Ayoko naman kasi dito sa bahay eh. Ang layo din kasi ng bahay ko sa school kaya naisipan kong magdorm nalang para masaya,dba?
"Mark Oppa!!!!!!!!!!!!!!!" tawag ko kay kuya.
"Ano?"
"Alis na ko! BYE!"
"Edi umalis ka!" nagcross arms siya.Mukhang nagtatampo ata? Psh! Ang arte! akala mo naman mamamatay na ako! Hello! Ang mga dyosa matagal mamatay.
"Che!" nagpatuloy na ko sa paglalakad papunta sa may pinto. Biglang may yumakap sakin... malamang si Kuya Mark yun. sino pa ba? wala naman sigurong multo dito diba?
"Bye! Baka naman umungol ungol ka nanaman habang tulog ka ah.Matakot sayo ung room mate mo? hahahaha"
WAAAAAAAAAAAAAAAAH!! Ano daw? Umuungol? Sh*t! Umuungol ba ako? Eh kasi naman lagi ako nakakaron ng dream na kasama ko si Chanyeol tapos ano eh. ano.. ung ano, alam niyo naman na kung ano ung tinutukoy ko. KYAAH! Kasalanan ko bang may utak akong byuntae! Sorry ah! Eh kasi ang hot ni Chanyeol. PAKSHET!
"Ungol ka jan?!" tinanggal ko ung kamay ni Kuya. Kunwari wala akong kinalaman sa sinasabi niya. Act innocent Nicole, innocent.
"Huh! Ang ingay ingay mo kaya tuwing gabi! Makaungol kala mo naman....tsk tsk"umiling-iling pa siya.
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ang ano nito! Anohin ko siya jan eh? Ano yung sinasabu nito? Ano ba yan. Puro ako ano! Errr.Knowing na mas berde pa si kuya kesa sa green na panty ni Inday! Nagstart na akong kabahan.
"Inaano?!" nilakihan ko pa siya ng mata, akala mo naman di naman niya kayang sabihin yun, "Ano.." sabi ko na nga ba di niya yun masasabi. Baliw kasi 'to. "Ewan ko sayo! Aalis na nga ko!" sabi ko sa kanya.
.
"BYE Dongsaeng!!!" then he kissed me on my cheek.
*
Finally, andito na ko sa dorm. Yayayayayayay! Excited na ko malaman kung sino room mate ko. Sana naman gwapo parang si Chanyeol. Ayyyy, pero baka girl yung room mate ko. Pero okay lang! Sana korean ung room mate ko. Maganda sana. Tapos magiging bestfriends kami, tapos uutuin ko na pumuntang Korea! Tapos makikita ko si Chanyeol, mainlove siya sa akin tapos papakasal kami! kekeke
"Gooooodafternoon everyone! Excited na ba kayo malaman kung sinong room mate niyo?" sabi nung cheness. Cheness? Si Mr. Lee yung nagsasalita, siya yung princEPAL. Joke! Hindi naman siya epal talga, nakakainis lang minsan. 'lam niyo na kasi medjo matanda na kaya panutin na. Matanda na kapag nakasabay mo sa masikip na hagdan ay aabutin ka ng isang oras para makarating sa baba dahil ang kupad niyang kumilos daig pa ang internet namin.
"YESSSSSS!" sigaw ko. hihi excited eh!
"Okayy.. I will announce the number of your rooms." sabi ni Mr. Lee. "203 blah blah..204 che che ..205 chu chu.." ang dami naman nito, baka hindi ko na abutan yung performance ng exo mamaya ah. Naku! Sasapakin ko talga sila pag di ko napanuod yung mukhang ewan na sayaw ng asawa kong si Chanyeol.