Chapter 21

9.4K 56 8
                                    

Paano ba gawing sad yung chapter na to? Help. kekeke joke langs! neverind. READ!! eto na pala sched ng pagupdate ko. Sunday,Thursday, Saturday. :D ok lang ba? huhu. d ko keri ang everyday. pero sa bakasyon talaga!!!

Chapter 21

Alex Xyrus' POV

Nakatingin ako ngayon kay Nicole. Tulala kasi siya, parang ang lalim ng iniisip. Ano kayang iniisip niya? Ako ba yung iniisip niya? Andito lang naman ako malapit sa kanya eh. De jokessss feeler ako eh noh? Pero di nga? Alam niyo ba kung bakit ganyan yan? Kanina pa kasi nakatulala eh, gusto ko na siya lapitan. Eh bakit kaya hindi ko nalang gawin! Gusto ko itanong sa kanya kung anong iniisip niya, kung may problema ba siya ngayon? Kung okay lang ba siya. Kung kumain na ba siya, kung may problema naman siya pwede siyang lumapit sakin oks lang yun eh.

"Alam ko nasa isip mo" sabi ni Min bigla. Min/Tin iisa lang yun. Kasi diba Minnie din ang name niya eh gusto ni Nicole na tawagin siya ng Min, kaya makiki-Min nadin ako.

"Ha?"

"Ha? Ha? Wag mo nga ko niloloko. Lapitan mo na kasi, torpe ka nanaman eh."

"Ano?"

"Isa pa talga Alex hahambalusin kita ng hawak kong tinidor. "

"Wag mo nga ko tawagin ng Alex, Xyrus nalang para mas lalake"

"Sus. Gumwapo ka lang ng unting unti, andami mo nang arte sa buhay. Pati ba naman pangalan! Tong Alex na 'to"

"Eeeh. Xyrus nga, pero ano nga yung sinabi mo kanina?"

"Kulit mo 'no?" ihahampas niya sana sakin yung hawak-hawak niyang tinidor. "Oooh! Oo na lalapit na nga ako. Hindi ako torpe 'no! Sinong torpe sinasabi mo?" sabi ko.

"U-waaaaa! ... e-.. ehem" nagulat ako bigla ng pagtingin ko sa harapan ko nanduon si Nicole at nakatingin pa sakin. Nakakagulat no! "Ahh.. ehh-- nic--- ahm.. ahhh" nauutal ako bigla.

"Di daw torpe. tsss" bulong ni Min. Manahimik ka jan! Di naman talaga eh! Wag nga kayong epal.

"Ehehehe... Nic, hello'' yun nalang bigla yung nasabi ko. Sa dami ng gusto kong sabihin kanina, isang hello nalang bigla nasabi ng bibig ko. Aysus.

"Hi" matipid niyang sagot. hindi pa siya nagsmile, pansin ko lang. Kanina pa siya hindi ngumingiti, ngayon ko lang siya nakitang ganun. Sad ba talaga siya? But why? Kahapon lang nakita ko siya na naglalakad mag-isa sa may malakas na ulan tapos ngayon naman ang lungkot lungkot ng aura niya. Ano bang nangyayari? Teka, baka kasi wala si Peter. Di niya kasama eh.

Oppa wants me [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon