Chapter 17
Someone's POV
"Parang hindi naman nagwork to" sabi ko kay Mushroom.
"Shunga ka kasi" sabi niya sakin. Anong shunga? Ang dami dami na talgang new word ngayon. Binatukan ko si mushroom, kahit taong bahay o malataong gubat ako naiintindihan ko yan no. Medjo updated naman ako kahit papano, hindi naman ako loser. Haha
"Bakit ka namamatok? Ikaw naman may kasalanan jan eh, kung gusto mo mapansin ka edi ipush mo to ng bongga! oh dba nagrarhyme yun! haha" sabi niya sakin.. Loko talga to. Kahit kelan,aishhh.
Huminga ako ng malalim, "Wala naman na ata akong magagawa eh" sabi ko sa kanya.
"Akala ko ba may gusto ka sa kanya?" tanong niya sakin.
"Oo nga. Eh masaya na ata siya eh, tatanggapin ko nalang yun" sabi ko tapos umupo.
"Aba! Nucks naman! Gumaganon ka na ngayon? 'masaya na ata siya eh, tatanggapin ko nalang yun' Ang taray tol! Pero, oo nga! Wala ka namang panama dun sa mayroon siya ngayon eh." sabi niya sakin. Binatukan ko ule siya. "Ano ba kita? Kakampi o ano?" sabi ko sa kanya.
"O! .. hay nako! tara na nga! Ayusin mo nga yan!" sabi niya sakin, ayusin daw tapos ginulo yung buhok ko.
Hay. Pagnakikita ko sila mas lalo akong nawawalan ng pag-asa. Bakit ba kasi sinisiksik ko yung sarili ko dun? Tama naman si mushroom, wala akong panama duon. Isa lang akong taong gubat.
Nicole's POV
"Iyo ba talga to?" tanong ko kay Peter habang iniikot yung mata ko sa may condo niya. Yung totoo? Ang linis kasi dito eh parang hindi bahay ng mokong na 'to. Kung titingnan kasi siya muka siyang makalat na tao, HAHAHAHAHA. Ang sama ko talga, promise :D
"Oo nga. Pangilang tanong mo na yan?" sabi niya sakin. "Hihihihi, hindi kasi ako naniniwala eh" sabi ko sa kanya. HAHAHAHA
"Kagatin ko yang shoulder mo eh" sabi niya sakin. Hinawakan ko naman bigla yung shoulder ko.."YAK! Ayoko nga! babakat pa yung ngipin mo dito! Yaksss"