Chapter 5
Nicole's POV
"Kumain ka na?" sabi ni Kuya. andito ako ngayon sa bahay namin, since saturday naman ngayon. Iniwan ko muna dun sa dorm si Peter, mabubuhay naman yun ng wala ako eh. Hindi naman niya ako nanay para alagaan siya. :P Nakakatamad din kasi sa dorm, tv,cellphone at laptop lang. Tapos yung wifi.. DE ULING =_=
"Hello? May kausap ba ko?" sabay wagay-way ng kamay niya sa mukha ko, ay! tinatanong nga pala ko ni kuya noh! Nakalimutan ko.
"Ah.. ano! Oo!" tumungo tungo pa ako habang nakangiti ng wagas.
"Ikaw na masaya!" pangaasar niya sakin.
"Bleeh!" sabi ko sakanya. Alam kong naiinis yan si Kuya sakin pagka nakikita akong nagbleeh sa kanya. Kaya lagi kong ginagawa, HAHA!
"Umayos ka nga! Nakakabadtrip yang mukha mo!"
"BLEEH!" inulit ko pa ulit. Ang saya saya saya niyang bwisitin! Hahahahaha
"Bahala ka nga jan-----" tumunog na yung cellphone niya at singot niya yung tumawag. Sino kaya yun? Hmm.. baka girlfriend niya. Yiee, si kuya ko lumalablayp na. Binaba na ni Kuya yung cellphone niya tapos tumingin sakin.
"Anong nginingiti ngiti mo jan? Mukha kang balyenang naasiman"
"Ehhh! Sino yung tumawag sayo? Girlfriend mo? Yieee, lumalablayp!!!" pangaasar ko sa kanya. Hobby ko ang mangasar kay Kuya, nakakatawa kasi siya mainis.
"Tss, tigilan mo nga ko. Girlfriend girlfriend ka jan. Palibhasa ikaw FOREVER ALONE!" Diniinan niya yung pagsabi ng forever alone.
Hay nako kuya kung alam mo lang na may boyfriend na ko.. sabi ko sa utak ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yun, baka patayin ako! Bawal pa kasi ako magboyfriend kasi bata pa 'daw' Bawal pero kung anu-ano na pinagagawa ko. XD Bad girl bad girl
"Osya. Alis na ko, ilock mo tong pinto ah.. Babalik ako mamayang gabi di ko alam kung anong oras. Basta wag kang magbubukas ng pinto pag may kumatok ah! Tanungin mo muna kung sino. Atska yun---------"
"Oo na kuya. Alam ko na gagawin ko, matanda na ko noh. Pero, saan ka ba pupunta?" sabi ko. Wala kong idea kung saan yun pupunta. Wala naman siyang trabaho ngayon kasi saturday.
"Basta.. may tumawag sakin eh. Bye!" kiniss niya yung forehead ko tapos umalis na siya.