Pagdala

565 16 0
                                    

~~~~~~~

Paggising ko, nasa kwarto na ako. Panaginip lang pala yun.

"Kuya, gising na may pasok pa tayo," sabi ni Mimi sakin. "Ano yan Kuya?"

Pagtingin ko, nasa kamay ko ung strawdoll.

Totoo? Totoo ang lahat?

Nilagay ko nalang sa bag ko ang strawdoll kailangan di makita ni Papa to. Naligo at nagbihis na ako ng uniform namin.

"Kuya, dali," sabi ni Mimi. Napatingin ako sa kanya, may pasa siya sa pisngi niya.

"Mimi, may pasa ka, ok ka lang?" sabi ko. Ngumiti siya ng matamis at tumango.

Bumababa na kami ni Mimi at nakita namin si Papa natutulog sa sofa. Hindi ko na ginising si Mama kasi ako na magluluto. Habang kumakain kami ni Mimi, unti-unting nagigising si Papa.

Lumapit lalo sakin si Mimi, alam kong natatakot siya kaya nginitian ko nalang siya.

"Hoy! Mick! Mimi! Anong kinakain-kain niyo diyan?? Late na kayo o!" ito na naman siya.

"Papa, maaga pa," sabi ko kasi totoo naman.

Bigla nalang niya akong hinatak sa kwelyo ng uniform ko at sinigawan," Papasok kayo o hindi?!"

"Hindi pa PO," sabi ko. At dahil sinagot ko siya, isang suntok ang natanggap ko.

Masakit, kahit palagi akong sinusuntok hindi parin ako sanay. Natumba nalang ako sa sahig.

"Bat ba palagi kang ganito? Wala naman kaming ginawang masama ah! Ano bang ginawa naming mali?" sigaw ko sa kanya.

Naiinis na ko! Nagwala siya kaya yung mga gamit sa kusina, nahulog. At ang sumunod na ginawa niya ay di ko inaasahan.

Sinakal niya ako at malakas siya, wala akong magawa. Tumingin nalang ako kay Mimi. Hindi ko alam kung hihingi ba ako ng tulong o hindi. Ayaw ko na siyang masaktan.

Tumakbo siya sa kwarto ni Mama.

~~~~~~~~

"Mama, Mama, si Papa, sinasakal po si Kuya," sabi ko kay Mama na nakahiga sa higaan at nakadapa.

"Ma, tulungan niyo po si Kuya, Ma," sabi ko sabay gising sa kanya.

Bat ayaw gumising ni Mama?

"Ma!" sabi ko. Iniharap ko siya. Namumutla siya at hindi umiimik. Tapos may nakita akong guhit na may dugo sa pulso niya.

Anong ibig sabihin nun?

~~~~~~~~~

"Arghhh.." sabi ko. Nauubusan na ako ng hininga. Hindi to pwede. Paano si Mimi? Hindi ko siya pwedeng iwan sa hayop na to.

Tumingin ako sa paligid ko may nakita akong kutsilyo. Kinuha ko iyon at sinaksak ko si Papa sa kamay niya.

Napasigaw si Papa at binitawan ako. At dahil nanghihina pa ako tinapakan ni Papa ung kamay kong may hawak kutsilyo.

"Papa, tama na!' sigaw ko pero kinuha niya yung kutsilyo at sinaksak ako.

"O ano? Masakit? Masakit diba?!" sigaw niya.

Napahawak ako sa tiyan kong punong-puno ng dugo pero sinipa ko siya gamit ang konting lakas na natitira sakin.

Kailangan ko nang hilain ang straw doll. Pumunta ako sa may bag ko at hinanap kagad ang strawdoll.

Ayun! Kinuha ko ung strawdoll.

Bigla akong sinipa ni Papa. Nanghina na naman ako. Teka, bakit nawawala yung doll? Bakit nasa kamay ni Papa?

Girl From Hell (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon