Nagawa ko kasi may nangyari sa school at banas na banas ako,
ok here it goes!
and dedicated to @JamilleFumah!
Thanks po sa comments at vote!
~~~~~~~~~~~~
Hay...
"Oy, Shimae, napacorrect mo na ba kay maam ung sa exam," tanong ni Tamie sakin.
Nasa harap kami ng girls CR at inaayos ko buhok ko. Kasama ko si Tamie at Marina.
"Bilisan mo Shimae!" sabi ni Tamie.
"Saglit lang nag-iipit ako, ang init kaya," sabi ko.
Tumalikod siya tapos napaharap siya kay Yisa, bestfriend niya. Tapos si Marina nakasandal lang sa pader tinitignan si Tamie.
"Hay, o yan tapos na ako," sabi ko kay Tamie. Ngumiti siya tapos sinabi niya, "Tara na,"
Ayun, ginawa namin ung project na birdhouse. Wew, hirap!
Habang gumagawa kami, tinignan ko si Tamie. Alam kong last year niya pa ako pinaplastic pero hinahayaan ko nalang. Pero hindi ko makalimutan ung ginawa niya sa twitter.
Ansakit, alam kong kami ng mga bestfriend ko pinapatamaan nila.
Di pa naman ako masyadong nagtwitweet kasi wala naman akong followers tsaka di ako masyadong nag-iinternet eh..
Pero nung narinig ko ung balita, napasilip ako..
Tinignan ko ung tweeter ni Tamie...
Nakalagay, "Mas magaling talaga ang L kaysa sa S!"
Ang tinutukoy niya sa L, Lightning name nila..
Ung S- Starry Night...
At ung Starry Night..
Kami un ni Marina, Laureli, Anne, at Tintin...
Kami ung pinapakinggan nila..
At sakit kaya...
Hindi ko nga un makalimutan eh..
Pero hinayaan ko nalang....
Pero napapagod na ako sa pagiging sobrang bait!
Gusto kong maghiganti!
Pero hinahabol talaga ako ng konsensya ko...
Argh! Nakakainis!
"Shimae, ayos ka lang?" sabi ni Marina.
"Oo okay lang," sabi ko at ginawa na ung project. Gusto kong umalis, kaso nga lang kagrupo ko kasi eh...
Buti nalang nandito si Marina..
Natapos din project!!!
"Shimae... may sasabihin ako, " sabi ni Marina nung nakaalis na ung mga Lightning.
"Ano?"
"Alam mo, feeling ko pinaplastic ka ni Tamie,"
"Alam ko na yun, last year pa,"
"eh, kasi kanina, nakita ko syang may sinabi kay Yisa..."
"Ano sabi?"
"Di naman as in totally sinabi, parang binuka lang nya mouth niya tapos,"
"tapos? ano ung words?"
"P*t*ng N* M*" sabi ni Marina.
"Huh? Ano???
"Oo, sinabi niya un kay Yisa, nakalimutan lang niya na nandun ako," sabi ni Marina.
Napatahimik ako,
Kung sa ibang tao, ayos lang yung ganun, sakin hindi.
Ikaw kaya murahin ng isang tao habang nakatalikod ka? Ano mararamdaman mo??
Ang sarap murahin sa mukha, pero hahayaan ko muna to..
Naglibrary nalang ako, ung malapit sa bintana ng hallway..
Dumaan si Gumi at Yisa..
"Nako Gumi for sure matataasan mo si Shimae, bumababa na grades nun eh," rinig ko na sinabi ni Yisa pero di ako nagpahalata.
"Ako pa!" sabi ni Tamie.
"Balita ko crush niya si Kyle."
"Sabihin natin kay Kyle!"
Ano?? Pano nila nalaman??
Hindi pwede!
~~
Nakarating na ako sa bahay.Tama na nga ang problema for sure joke lang yung kanina.Nag-open ako ng facebook.Tingin-tingin. Napatingin ako sa Group ng class namin.
"CRUSH NI SHIMAE SI KYLE!!! AAYIEHH!!!" post ni Yisa.
H-hindi...
B-bkit niya sinabi?
Alam ko namang si Tamie lang gusto ni Kyle..
Pero bat parang naiiyak ako na naiinis ako at di ko alam kung anong gagawin ko..
"SUS, di ko naman crush sya eh , tama na pang-aasar!!!" sabi ng comment ni Kyle.
Bat parang mas lalong sumikip dibdib ko..
Bat ang sasakit ng mga sinasabi niya??
Argh!!! Nag youtube nalang tuloy ako. Ano un?? Hell website?? Kinlick ko ung video. Tapos pinakita kung paano. Hindi natapos ung video dahil sa connection. Kaya sinearch ko nalang..
Pagka search ko... nagtaasan ang balahibo ko at nakaramdam ako ng takot... parang ayaw kong gawin...
ARGH! Hanggang ngayon ba hahabulin pa rin ako ng konsensya ko??
OK Shimae! Tama na! Sumosobra na sila diba? Tsaka di mo pa naman alam kung totoo eh diba??
Inenter ko na name niya
ㄴEnter the name of the personㄱ
ㄴ Tamie Sagaroㄱ
ㄴ Press To Send ㄱ
At ayun sinend ko... at may apoy..
"Shimae! Tulog na 12 na o!" sigaw ni Mama. Di ko nalang pinansin. Pagkaharap ko sa computer, may nakikita akong anino sa may bintana.
S-sino siya????
P-paano siya nakapunta diyan??
"Tinawag mo ko, Ai Enma ang pangalan ko," sabi niya. Gusto kong magsalita pero napapaurong dila ko sa sobrang takot.
"Kunin mo to, kung gusto mo talagang mapunta sa impyerno ang kinamumuhian mo, hilain mo ang pulang sinulid. Kapag hinila mo ang pulang sinulid, tinatanggap mo ang kasunduan sa pagitan nating dalawa, un ay kung hihilain mo," sabi niya habang binigay sakin ung straw doll [?]. "Ngunit kapag hinila mo iyan, mapupunta rin sa impyerno ang kaluluwa mo , un ay kung sumakabilang buhay ka na..."
Napatulala nalang ako, wala akong masabi. Di ko alam na totoo pala ito. Gusto kong magsalita pero umuurong talaga ung dila ko. Natatakot ako...
H-handa na ba ako??
Na magdala ng tao sa impyerno??
Aabutin ba ng konsensya ko?
~~~~~~~~~~
yah sorry kung corny, nilabas ko lang talaga sama ng loob NAMIN.
Pero i'm happy kasi may nagbabasa nito!
pero sa next chap aayusin ko na! pa-ra-mise!
>.<