~~~~~~~
"Ate, kumusta naman si Kuya?" tanong ko kay Ate Jurina na asawa ng Kuya kong si Kevin.
"Ayun sweet padin, hehe" sabi niya at ngumiti.
Kinikilig ako! Ang sweet kasi nila eh! Hay, kailan kaya ako magkakaroon ng ganung lovelife? Haist!! Masyado pang bata! Wag muna ganyan ng ganyan!
"Nandito na ko," sabi ni Kuya. Nakauwi na pala siya. Lumapit si Ate Jurina at nagkiss sila (as husband and wife naman eh).
"Kumusta naman?" tanong ni Ate.
"Ayun, sabi nung boss ko maaring mapromote ako kapag nagawa ko ng maayos ung project," sabi ni Kuya.
"Haha, alam kong kaya mo yan!" sabi ni Ate Jurina. "O, Maeri pwede mo bang ihanda ung lamesa? Pupuntahan ko lang niluluto ko."
Tumango nalang ako at naghanda na. Si Kuya umakyat sa kwarto para makapagpalit.
Kumain kami. Aaminin ko, masaya ako na nakikita si Kuya at Ate na masaya.
Pero sabi nila, walang pamilyang hindi dadaan sa problema.
Kaya ano kaya ung problemang iyon?
Tapos na kaming kumain, at ako ung nakarami! Masarap kasi luto ni Ate eh kaya mas lalong naiinlove si Kuya sa asawa niya.
Haisst tapos na kaming kumain at matutulog na kami. Nakakapagod ang araw ngayon! Naging busy ako dahil sa Archery, Writing at Drama Club. Haisst gusto ko ng matulog! Pero magdadasal muna ako hehe, kailangan kong magthank you kay God sa lahat ng ginawa niya, religious kasi ako.
Geh sleep na ko!
ZZZZzzzzzzz....
"A-ate??" sabi ko.
Hindi..
Bakit??
"Anong problema, Maeri ??" sabi ni Ate Jurina na may masamang ngiti.
Nakita ko siya...
Nakita ko siyang may hinahalikang ibang lalaki..
"Ate? Bakit?" sabi ko na parang naiiyak..
"Hindi ko na mahal ang Kuya mo, masyado siyang mabait!" sabi niya.
"HINDI, MAHAL MO SIYA!! " sigaw ko sa kanya.
"MAHAL MO SIYA!!" napasigaw ako. Hindi ko namalayang nagising na pala ako. Nagising ako sa isang bangungot.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"MAHAL MO SIYA!!!" may narinig akong sigaw. Sigaw ni Maeri un, nagising ako bigla pero wala si Rina(Jurina) sa tabi ko. Ah bahala na!
"Maeri!!" sigaw ko nung nakarating ako sa kwarto niya. Umiiyak siya.
"K-kuya," sabi niya. Niyakap ko nalang siya. Bakit kaya siya sumigaw? At bat siya umiiyak?
"Kuya ang sama ng panaginip ko," sabi niya habang umiiyak.
"Anong nangyari?" narinig kong boses ni Jurina. Nasa may pintuan siya at may hawak na cellphone.
"Nanaginip lang siya," sabi ko kay Jurina. Hawak na naman niya phone niya. May tinawagan ba siya? Masyado na bang madumi isip ko? "T-tahan na Maeri," sabi ko kay Maeri at nararamdaman kong unti-unti na siyang nakakatulog habang umiiyak. Ayaw ko munang tanungin siya sa panaginip niya tsaka ko nalang siya tatanungin.
Nang nakatulog na si Maeri natulog na rin kaming mag-asawa...
~~~~~~~~~~~~
"Hi, Maeri!" narinig kong sumigaw si Jake.
"Hello^^" sabi ko.
"Ako na magdadala niyan," sabi niya. Wow, gentleman , hehe.
"De, wag na, kerry ko to," sabi ko. Hehe nakakahiya naman kasi no, kahit crush ko siya, na crush din ako, basta un, nahihiya parin ako.
"E ayaw ko eh, " sabi niya at pilit na kinuha ung bag. Wala na akong magagawa, mapilit eh.
"Sige na nga, salamat! " sabi ko at pumunta na kami sa classroom.
"Lam mo ba kahapon, diba absent ako, pumunta kami ni Mama sa doktor, kasi ichecheck-up ako," sabi ni Jake.
"Ayos ka lang ba? Diba napaoperahan na ung heart mo nung bata ka pa?"
"Oo pero kailangan pa ng check-up, back na sa topic,"
"haha ok," sabi ko.
"Nakita ko si Ate Jurina, nakaupo siya sa may table na may kasamang lalake, I don't know kung kapatid niya un, o kaibigan pero ang lalim ng pinag-uusapan nila kagabi eh,"
"O talaga? Bakit naman nasa ospital si Ate Jurina?"
"Un din ang di ko alam, pero to be honest, Maeri, biglang dumumi ung isipan ko, akala ko kabet, boyfriend, pero ayaw kong mag-isip ng ganun, kasi mabait si Ate Jurina,"
"Pero sa tingin ko hindi naman, pero tatanungin ko siya mamaya,"
"Sorrykung kailangan ko pa tong sabihin ha,"
"de ayos lang," sabi ko at ngumiti.
~~sa bahay..
Walang tao sa bahay, hmmm baka umalis si Ate. Hay.. nakakapagod ang training ng Girl's scout!
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis
ang tahimik pero narinig ko ung tunog ng pinti na bumukas haisst..
gusto ko munang matulog ..
pero may naririnig akong nagsalita.
"O ano na gagawin natin?? Buntis ako Nick, at ikaw ang ama, "
huh?? a-ano?
"Oo nga, at wala pang nangyari samin ni Kevin.." sabi ni Ate Jurina.
Tumulo lang ung mga luha ko.
Si A-ate may iba??
At buntis siya na hindi si Kuya ang ama??
Nanahimik nalang ako at nagkunwaring tulog..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
sorry po at panget pero comment naman po kayo kung ganun nga hehehe xD
Vote and comment ^^