Story #1 I Hate You, Father

676 18 7
                                    

Umiiyak na naman si Mama......

Si Papa kasi lasing na naman....

"Papa," sabi ko habang umiiyak. Sinusuntok na naman niya si Mama, si Kuya naman pinipigilan si Papa kaya ayun sinipa ni Papa si Kuya sa tiyan.

"Kuya," sabi ko habang umiiyak. Napahawak nalang si Kuya sa tiyan niya dahil sa sobrang sakit.

"Mimi, dun ka nalang sa kwarto mo ha," sabi ni Kuya at pinipilit na ngumiti. Pero alam kong pilit lang talaga yun. Umiling ako at tumakbo papunta kay Papa.

"Mimi, wag!!" sigaw ni Kuya.

Sinambunutan ko si Papa, "Bad ka!!" sigaw ko.

"Anong sabi mo?!" sigaw ni Papa sa mukha ko at sinampal niya ko ng malakas.

Sa sobrang lakas natumba ako.

°°

Palagi iyon nangyayari gabi-gabi, kaya pinapatulog nalang ako ni kuya sa kwarto niya. 16 yrs old na si Kuya at 8 palang ako. Mas ligtas daw kasi ako kung nasa kwarto niya ako.

"Tulog ka na," sabi sakin ni Kuya at ngumiti tsaka kinumutan ako. Natulog na lang ako kahit palagi akong binabangungot ng mga masasamang ala-ala.

~~~~~~~~

Tulog na si Mimi. Hay sa wakas.

Ang sakit pala no? Na makita mo ung kapatid mo na nasaktan. Sisiguraduhin kong magbabayad ang hayop na gumawa sa kanya nun. Pagkatapos ng isang taong paghihirap, hinding hindi ko siya itatrato bilang isang ama. Kailan ba siya naging matinong kaibigan?

Sisiguraduhin ko talaga.

Kaya tignan nga natin kung totoo ito. Binuksan ko ang laptop ko at inenter ang site.

Hell website...

Pagkabukas ko, walang lumabas.

Takte! Bakit wala? Di naman pala totoo.

Among oras na ba? 11:59:58?

11:59:59

12:00:00

Biglang may lumabas na apoy sa site. Papano? Kanina wala to ah. Bahala na basta masubukan ko lang ito. Wala naman sigurong mawawala.

ㄴEnter the name of the personㄱ

ㄴ *a certain name*ㄱ

ㄴ Press To Send ㄱ

*A/N: Sorry kung walang name Papa nila ha, ayaw ko lang talaga baka kasi magkaroon ng kapangalan, salamat *

Pinindot ko at pagkatapos may lumabas na apoy. O tapos? Wala na? Huminga ako ng malalim at pumikit..

Umaasa ako sa wala.

"Tinawag mo ako...."

Kaninong boses un? Dinilat ko ang mga mata ko at nasa ibang mundo na ako. Kulay pula ang langit.

"Ai Enma ang pangalan ko....."

"Huh?" sabi ko. Napatingin ako sa babaeng nakauniporme ng itim, na may pulang mga mata at mahabang buhok. Biglang nagtaasan mga balahibo ko. Totoo nga pala.

"Ikaw ang babae mula sa impyerno?" tanong ko pero iniwasan niya ang sagot ko.

"Kunin mo to," sabi niya at binigay niya sa akin ang isang doll na gawa sa sticks, isang strawdoll ata, tapos may pulang sinulid na nakaribbon sa doll.

"Kung gusto mo talagang mapunta sa impyerno ang kinamumuhian mo, hilain mo ang pulang sinulid. Kapag hinila mo ang pulang sinulid, tinatanggap mo ang kasunduan sa pagitan nating dalawa, iyon ay kung hihilain mo," sabi niya.

"Hihilain? Yun lang?" sabi ko at akmang hihilain ko na may sinabi pa siya.

"Ngunit," dagdag niya.

"Kapag hinila mo ang pulang sinulid, mapupunta karin sa impyerno, iyon ay kung sumakabilang buhay ka na...." sabi niya na walang emosyon na ipinapakita.

Ano?

Mapupunta rin ako sa impyerno?

~~~~~~~

Special thanks to @thisladyisinlove na gumawa ng cover nito kaya dedicate din xD!

Vote and Comment!

Nga pala I'm a fan of Jigoku Shoujo kaya nagawa ko ito *v*

Girl From Hell (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon