Story#2- Plastic ka! Pagdala

271 10 5
                                    

Hindi ako makatulog...

Iniisip ko parin ung nangyari kagabi...

Hay....

Sabi na nga ba, hahabulin talaga ako ng konsensya ko. Sabagay di ko talaga kayang gawin iyon. Sana lumipas na ang mga problema ko..

Pumasok ako sa school at pinagtitinginan ako ng mga classmates ko na nadadaanan ko.

"Shi-chan!" sigaw ni Laurelia. Siya ung isip bata kong bestfriend. "Good morning..." sabi niya na parang malungkot. Feeling ko alam na niya.

"Sila Lightnings ba iniisip mo??? Nako, isa lang ako pero kaya ko silang lahat!" sabi ni Anne, ang matapang kong bestfriend.

"Guys, mahirap padin eh, isipin natin ung sitwasyon ni Shimae," sabi ni Tintin, ung caring.

"Hay,, mga palengkera kasi eh," sabi ni Marina actually siya ung mapagbiro pero serious siya ngayon.

"Hayaan niyo na, lilipas din yan," sabi ko at pumunta na sa room. Umuulan kaya wala kaming flag ceremony, sa room ginanap.

Buong first period, nararamdaman ko talagang pinagbubulungan nila ako eh.. Ramdam ko...

"Okay, you may now take your break," sabi ni Mam. At nagsitayuan na lahat para mag-ayos.

"Hi, Shimae, kumusta crush mo??" sabi ni Yisa. Halata ang pangiinsulto niya.

"Nako, wag ka ng umasa," sabi ni Tamie.

"ANO BA PROBLEMA NINYO????" napasigaw ako. "H-hindi ko sinasadya..."

At dahil sa sigaw ko madaming naki-osyoso. Mga "Anyare?" "Ano meron" ang naririnig ko.

Sinambunutan ako ni Tamie. Hindi ko inaasahan yon. Hindi siya ganun noon. Hindi na siya ang Tamie na kilala ko.

"Ano??? LALABAN KA PA??" sabi ni Tamie habang si Yisa tumatawa.

"Huy ano ba tama na!" sabi ni Anne. At naririnig ko pa ung mga bestfriends ko na nang-aawat din pero imbis na may tumulong samin.....

Kami ang pinagtulungan...

Hinawakan ng mga Lightnings ang mga bestfriends ko na para bang bouncer sila at ung mga bestfriends ko ung mga intruders. Alam kong gusto nila akong tulungan pero wala kaming kakampi.

"FIGHT! FIGHT! FIGHT!" sigaw ng lahat.

"WAG! SHIMAE! BWITAWAN NIYO SIYA!" naririnig ko ung mga bestfriends ko na sumisigaw.

Bakit sila ganun?? Bakit ninyo kami pinagtutulungan?? Ano bang ginawa namin??

"Tama na, please naman Tamie," pagmamakaawa ko. Pero ngumiti lang siya. Isang masamang ngiti. Wala akong magawa, naiyak nalang ako.

"HOY! ANO BA YAN!" sigaw ng isang boses.

Boses ni Kyle..

"Pwede ba, tama na yang away nayan??" sabi ni Kyle at sinusumbatan si Tamie. Nagulat si Tamie pero di niya pinahalata.

"Gusto ko lang namang malaman ng basurang to, ang taong dapat na nirerespeto niya," sagot ni Tamie.

"Bakit?? Isa ka ba don??! " sabi ni Kyle. Walang masabi si Tamie. Pero halata na galit na galit sya. Sinenyasan niya ung mga kabarkada niya na hawakan si Kyle.

"HOY! Ano bang ginagawa ninyo??" sabi ni Kyle habang pilit na kumakawala sa hawak ng mga kaklase ko pero di siya makapalag.

"Tamie, ano bang nangyayari sayo??" sabi ko habang umiiyak. Tumawa lang siya.

Binato nila kami sa harap ng classroom at inuntog sa blackboard. ARGH!! ang sakit!! Napatingin ako kay Kyle at alam kong nasaktan din siya.

Ang sumunod na ginawa nila ay hindi namin inaasahan...

Girl From Hell (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon