Story #2 Plastic Ka! The truth

259 15 7
                                    

~~~~~

"Ahhhh!!!!!" sigaw ko. Luh? Nasan ako??

N-nasan si Kyle?? Bat nasa isang bangka ako???

"Uhmm.... nasan ako??" tanong ko sa isang babaeng naka uuhmm kimono un diba? Pero pula ang mata niya at nagsasagwan siya ng bangka.

"Psst..." may sumisitsit. Sino un??

"Psstt!! Psstt!! Psst!!Pssst!!" may sumisitsit talaga! At ang lakas kaya,

"T-teka," sabi ko. Naalala ko ung hell website at ung straw doll..

Hindi kaya....

nasa impyerno na ako??

"Ahhh!!!!!" sigaw ko.

Pano ba naman kasi may halimaw dun sa may dagat! As in ang panget!!!

At bat ang dami nila??

"Ahhh!!!" sigaw ko na naman. Hinihila nila ako!

"Tulungan mo ko!" sigaw ko sa babae.

Hinihila parin ako..

"Ahhhhh!!!!!!! Wag!! Bitawan niyo ko!! AHHHHH!!!!!" sigaw ko pero hinihila nila ako na may mga matutulis na kuko. Ang sakit! Nararamdaman kong nasusugatan na ako.

"Wag!! Tama na!" sigaw ko. Tapos meron mga halimaw na pinagsasambunutan nila ako.

Masakit! Nararamdaman kong nahahatak na nila buhok ko habang pinaghihila-hila ako.

Tama na, nagsisisi na ako...

"Nagsisisi na ako!!!" sigaw ko pero wala parin.

"Ang bangkang ito...

Ang magdadala sayo sa impyerno...."

~~~~~~~~

"Magkano po lahat?" sabi ko.

"P500 po," sabi nung nagtitinda.

Bumibili ako ng mga flowers, actually orchids na color blue and white nakapangbouquet siya. Ang alam ko kasi ito ung favorite color at flower ni Shimae.

Hay....

5 years na ang nakalipas...

Pero...

hindi pa rin siya nagigising....

Ewan ko ba pero hinihintay ko ung pagkagising niya. Umaasa ako na isang araw imumulat niya ang kanyang mga mata at ngingitian ako ng isang matamis na ngiti.

Hay.. sana malapit na ang araw na yon..

"#Seijakuwo-" tumutunog cp ko.

"He-"

"Kyle!! Dali! Pumunta ka na!! " sabi ng isang boses pero alam ko kung sino un.

Sana gumising na siya sa coma niya...

Sana..

~~

Tumatakbo ako sa hallway ng ospital..

Shimae..

Nakita ko ung pintuan ng kwarto niya na medyo bukas. Nagmamadali akong tumatakbo papunta roon habang hawak ko pa ang mga flowers..

Sa pagmamadali naitulak ko ang pinto...

At nakita ko si Shimae..

nagising narin siya sa coma niya..

sa wakas!

Napangiti ako at di ko namamalayang yakap yakap ko na siya. Sobrang saya ko talaga ngayon! Nagising na siya sa coma niya! Nakita ko ung gulat niyang mukha...

"Uhmmm sigeh iwan na namin kayo," pang-aasar ng mga magulang niya samin. "Sigeh po" sabi ko at natatawa pa.

Tinignan ko uli si Shimae, nagblublush siya..

Hehe ang cute niya...

At niyakap ko uli siya...

Buti naman at nagising na siya...

"Uhmmm ... Kyle, diba?" sabi niya. Huh? " Uhmm konti palang naalala ko eh, sorry pero alam kong isa ka sa malalapit na tao sakin noon," sabi niya at ngumiti.

Wala siyang maalala?

"Wala kang maalala?"

"H-hindi naman sa ganun, pero wala akong maalala bago nangyari to,"

"Ahh ok," sabi ko at ngumiti. Mabuti na iyon, mabuti na na wala siyang alam . Mas mabuti kung ganun.

"Uhm.... Shimae may sasabihin ako sayo," sabi ko.

"Ano yun?" sabi niya.

"Alam mo ba s-simula nung nag-first year tayo, n-naging crush kita eh..."

"Huh?"sabi niya.

"P-pero tinago ko un h-hanggang sa nag 4th year na tayo, at graduate tayo, tinago ko ung paghanga na yun simula pa noon,

kaya s-sorry kung nasaktan kita noon nung nalaman kong crush mo ko, di ko alam kung totoo un pero di ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero sinabi kong hindi kita crush... pero shimae..

Hayaan mo kong bumawi, please...

Babawi ako sa lahat ng kasalanan nagawa ko sayo noon...

Ako ang may kasalanan kung bakit ka nadisgrasya, kaya patawarin mo ko Shimae..

Humingi ako nga tawad at pangako babawi talaga ako..

Kasi mahal kita Shimae...

Matagal ko ng hinintay ang pagkagising mo para sabihin to sayo...

Kaya h-hayaan mo kong bumawi...

Please Shimae...." sabi ko sa kanya.

Gulat lang ang maiipipinta mo sa mukha niya pero hindi ko hahayaang maalala ni Shimae ang bangungot na binigay sa kanya ng mga kaklase namin. 

Nakita ko siyang ngumiti at tumango..

Napayakap nalang ako sa kanya..

Hindi ko ipapaalala sa kanya ang hell website...

Ayaw kong matukso siya at mapunta sa impyerno katulad ko...

Kaya gagawin ko ang lahat para kay Shimae..

Kahit impyerno man ang hahantungan ko....

~~~~~~~~~

Corny no? Sorry (_ _)

salamat po sa mga comments at votes! Naapreciate ko po talaga! *v*

Vote and comment!

Girl From Hell (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon