The Deal

227 7 0
                                    

Nathan's POV

"Hello Nun Jin anak, nasa Manila ka na ba?" Tanong ni Omma

Binaba ko yung facemask ko para makasagot ng maayos.
"Yeah, nasa NAIA na po ako."

"Ingat ka anak, Baka may mga media na nag aantay sayo diyan. Alam mo naman kahit di namin pinaalam na pupunta ka ng Pilipinas may makakaalam at makakaalam pa rin." babala niya

"Omma dont worry." Huminga ako ng malalim "Magiingat po ako. "

"Sana kasi hinayaan mo nalang akong maghatid sayo diyan anak." Halata sa boses ni omma yung pagaalala

"Omma, ayoko pong abalahin pa kayo, alam ko naman pong busy kayo diyan ni appah diyan sa restaurant eh" Narinig ko sa kabilang linya ang pagtawag ni appah kay omma.

"Sige anak, tinatawag na ko ng daddy mo madami kasi kaming ginagawa, i love you"

"Sige po, wag kayo masyadong magpagod diyan omma huh? I love you too omma"

Binaba ko na yung tawag at pinagpatuloy ang paglalakad. Binalik ko yung facemask sa may bibig ko, inayos ko yung cup ko at bahagyang yumukod para walang makakilala sakin.

Excited na ko. Kahit kasi ilang beses na kong nakabalik dito sa Philippines. Di naman ako nakakapag enjoy dahil isa o dalawang araw lang ang tinatagal namin dito. After the concert bumabyahe na ulit kami papunta sa susunod na country para sa concert.

Tatlong taon na simula nung umalis kami dito. Ang dami kong naiwan. Sila Tito, Tita at si Hannah...

Sana naalala niya pa ko. Ako everyday di siya naalis sa isip ko.

Naaalala ko noon.
Nasa playground ako. Hawak hawak ang gitara habang inaantay si Hannah. Ang guitar buddy ko.

We both love making music. Nagkakilala kami sa school simula nung nalaman naming pareho kami ng kinahihiligan di na kami naghiwalay.

"Tantan, kilala mo ba si Renz?" Biglang tanong niya habang inaayos ko yung gitara ko.

"Huh? Sinong Renz?"

"Si Renz yung nakatira sa tabi ng bahay nyo"

"Ahh Oo kaibigan ni Omma yung mommy niya, Bakit?" Tanong ko. Biglang namula yung mga pisnge nya.

Ang cute cute niya.

"Pwede mo bang sabihin sa kanya na crush ko siya?" Sabi niya.

"Oy ang bata bata mo pa nagkakacrush ka na" Sabi ko Napanguso ako sa galit.
Kasi naman tong babaeng to Bakit nag kakacrush na siya sa iba eh crush ko nga siya? dapat sakin lang siya may crush!

"Bakit bawal ba? bakit ikaw? Wala ka pang crush?" Sabi niya sakin.

Sasabihin ko sana na "oo may crush na ko ikaw nga yun eh" kaso bigla siyang tumayo.

"Ayun siya Tantan!" Nakangiting tinuro niya yung isang bata na kasing edad namin

Lumingon ako sa tinuturo niya.

"Tantan sabihin mo na, sabihin mo na crush ko siya. Gusto ko siya makalaro. SIGE naaaaa!?" Sigaw niya habang tinutulak ako sa direksyon ni Renz

Naglakad ako palapit Kay Renz.

"Oy bata." Tawag ko
Lumingon siya.

"Crush ka daw nung kaibigan kong si Hannah, Pwede kayong maglaro?"

"Sinong Hannah?" Tanong niyang nakakunot ang noo.

"Ayun oh!" Tinuro ko si Hannah. Nakaupo siya habang nakangiti ng maluwag.

"Ayoko, di ko siya gusto" nakasimangot niyang Sabi.

"Pero gusto ka niya." Sigaw ko.

"Sige makikipaglaro ako Kay Hannah basta lalayuan mo siya." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako Kay Hannah nakangiti pa din siya.
Baka umiyak siya pag hindi nakipag laro si Renz sa kanya.

"Sige di na ko makikipaglaro sa kanya basta makipaglaro ka lang sa kanya palagi para lagi siyang masaya" Sabi ko

"Sige" masayang sabi niya. Tumakbo siya palapit Kay Hannah.

Nakita kong lalong lumaki yung ngiti ni Hannah.

Kahit naiiyak ako kasi may bago ng kalaro si Hannah. Dala ang gitara ko patakbo akong umalis ng playground.

Simula nun di na ko lumapit kay Hannah o kahit pumunta man lang ng playground. Minsan nakikita ko silang nagbabike sa labas ng bahay pag sumisilip ako ng bintana. Napapanguso nalang ako.

Hangang sa umalis na kami nila Mommy papuntang Korea.

-------------

Came Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon