First Day

69 3 0
                                    

Nathan's POV

Nung nasa korea ako. Lagi kong naiisip kung ano kaya magiging reaksyon ni Hannah pag nagkita kami ulit. Magagalit kaya siya sakin dahil sa bigla kong pag iwas sa kanya nuon, o matutuwa para sakin dahil sa naabot ko na yung pangarap ko na maging sikat sa larangan ng musika? tapos mauuwi lang ang pagiisip ko na yun sa isang "bahala na" kasi naiisip ko nun impossible na na mangyaring magkita kami dahil sa busy ako sa mga oras na yun, hindi ko talaga naisip na magkakaron ako ng ganitong oras na pwede kong ilaan sa paghahanap kay Hannah. Ngayon na andito na ko di ko alam kung anong mangyayari o mga posibleng resulta ng pagpasok ko sa Montessori pero isa lang ang alam ko. Gusto kong makita si Hannah, gusto ko siya makausap, gusto ko maipaliwanag sa kanya lahat. Basta excited na ko!

Tumakbo ako pababa ng hagdan, diretso sa pinto

"Tantan! kumain ka muna bago ka pumasok! Ikaw na bata ka talaga oh!" sigaw ni Tita nung nakita niya kong papunta na ng pinto.

Ay oo nga pala masyado akong excited.

Nagbreakfast muna ko.
Paglabas ko ng pinto tinawag ako ni Tito pinapasakay ako sa sasakyan.

"Hindi na po Tito magbabike nalang po ako papunta ng school. Salamat po." Ngumiti ako kay Tito habang tinatangal yung kadena ng bike.

Tinignan lang ako ni Tito
"Pero Tantan nangako ako kay omma mo na ako maghahatid sundo sayo sa school"

"Tito ako na po bahala. Wag po kayong magalala, magiingat po ako" hinila ako yung bike palabas ng garahe.

"Pero Tantan hinde pwed---

Mabilis akong sumakay sa bike.
"Sige Tito, aalis na po ako byebye poo!!" Kumaway ako kay Tito saka binilisan yung takbo ng bike.

Tumingin ako sa Google map sa phone ko na nakasabit sa bike. Ito yung ginamit ko para makapunta ako sa school mag-isa.
Ayoko namang sa maging rude kayla Tito pero gusto kong sulitin yung pagiging malaya ko dito sa Philippines. Ang tagal kong hindi naramdaman to. Yung nagagamit ko yung oras sa gusto ko. Bukod kay Hannah ito din yung rason kung bat dito ko napili sa Philippines magpalipas ng oras. Hindi ko alam kung kailan mahuhuli yung nanghack ng SNS ko pero hangang di pa bumabalik sa dati ang lahat gusto ko muna maging malaya at makasama si Hannah. Sana mangyari yun bago ako bumalik ng Korea.

~

~

~

"UWWAAAHH!? NUN JIN! Talaga bang ikaw yan? Ohmygod!?" Napapa paypay siya gamit yung kamay niya habang parang naiiyak na nakatingin sakin. Napayuko ako. "Ang cool mo tignan pag ganyan ang ayos mo." Niyakap na naman nya ko.

Di ako makapaniwalang sinabi ni Tito sa Guidance councilor nitong school kung sino talaga ako. Kanina niya pa ko niyayakap.

"Ah mam saan po ba yung magiging room ko?" Tanong ko bigla siyang napakalas ng yakap.

"Ay oo nga pala. Im sorry I just cant believe na nandito ka ngayon sa harap ko. Alam mo bang fan ako ng Sherlock? Baby love me right!~ nagulat ako ng bigla niyang sinayaw yung kanta naming Love me right. (Haha sorry sa mga EXO-L dyan :D EXO lang kasi naiisip ko kanina pa eh . 😘)

Natawa lang ako at napahawak sa batok ko.

Grabe pati Guidance Councilor kpop fan. Sana naman di ganun kadami ang kpop fan dito sa school.

"Pinatawag ko na yung President ng student council para mahatid ka sa magiging room mo." Sabi niya. " Pwede bang selfie tayo?" Tanong niya sabay kuha ng phone niya.

Nagselfie kami.

"Aahh" napayuko ako. "Mam kung okay lang po pwede po bang wag niyo munang ipost yung picture natin sa social media? Baka ko kasi may makaalam kung nasaan ako." pakiusap ko.

Came Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon