Nathan's POV
Dahil isang Linggo nalang ako dito. Sana kahit man lang sa playground kung saan kami lagi magkasama ni Hannah makapag babye ako.
Kaya andito ako ngayon sa Playground. Naglalakad lakad.
Sana katulad din ng reaction ni Roy ang maging reaction ni Hannah pagnalaman na niya lahat.
Sana maintindihan niya din yung side ko. Sana di siya magalit.
Kaso pano ko nga ba masasabi sa kanya lahat kung di ko naman siya malapitan.
Ginulo ko yung buhok ko.
Nakakainis!Bigla akong may narinig na umiiyak. Kinabahan ako. Minumulto na ba ko?
Wag kayong ano. Di ako takot. 😧
Humakbang pa ko palapit ng may nakita akong nakaupo sa swing.
"Ah- mi- miss" hinawakan ko siya sa balikat.
Humarap siya.
"Hannah? Anong ginagawa mo dito? Umiiyak ka ba?"
Bigla siyang tumayo siya at niyakap ako. Ilang segundo akong hindi nakagalaw. Hangang sa gumanti na ako ng yakap.
"Bakit ba? Nagaway na naman ba kayo ni Renz?" Hinawakan ko siya sa likod bilang pagaalo.
"Bat ka ba kasi umalis eh" sabi niya saka mahina akong pinalo sa dibdib habang nakayakap pa din ako sa kanya.
Di ako makapagsalita di ko alam ang sasabihin ko.
Biglang may humatak sakin at sinuntok ako sa may panga. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok niya.
"*ago ka! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko huh?!" Galit na sabi ni Renz habang dinuduro ako. Napahawak ako sa panga ko may nakita akong dugo sa kamay ko.
Bumaling siya kay Hannah na gulat pa din
"Ganito ba huh? Hannah? Ganito ba ginagawa mo pag nakatalikod ako huh? Nakikipaglandian ka sa *agong to!? An
Di ko na napigilan sarili ko.
Sinapak ko din siya sa mukha."Ikaw ang *ago!? Naturingan kang boyfriend niya wala ka namang tiwala sa kanya!?"
"Hoy!? Ikaw *ago ka!? Wala kang alam. Aalis alis ka tapos pagbalik mo akala mo kung sino ka na?! Sumikat ka lang sa Seoul akala mo na lahat ng babae makukuha mong *ago ka!?" Galit na sabi niya sakin
"Si- sikat? Sinong sikat?" Natigilang tanong ni Hannah
Natawa si Renz
"Ay di mo alam? Naglalandian kayo di mo alam? Yang si Nathan ay si Nun Jin ang isa sa member ng sikat daw kunong Sherlock pwe!? "
"A- ano?" Lumapit sakin si Hannah at tinangal ang salamin ko.
"Hannah let me explain sasabi--"
Sinampal niya ko.Napahawak lang ako sa panga ko.
"Kailan mo pa balak sabihin Tantan? Ilang beses na tayong nagkausap pero di mo sinabi!?" Galit na sabi niya.
Hahawakan ko sana si Hannah sa kamay pero pinigilan ako ni Renz
"Per--"
"Wag mo siya hawakan pwede ba" Sabi ni Renz saka sila umalis.
-
-
-
"Ano?! Bukas na? Bukas na agad?bat ang bilis?! Ilang araw palang nung nalaman kong isa kang kpop star aalis ka na agad?" Reklamo na naman ni Roy nung sabihin ko sa kanyang aalis na ko bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/67817886-288-k124842.jpg)
BINABASA MO ANG
Came Back For You
Teen FictionMahal niya si Hannah, ang kanyang guitar buddy and bestfriend. Kahit bata pa siya alam niya na ito. Kaya mahirap na malaman na iba pala ang magpapasaya dito. Hindi siya, kundi si Renz na kapitbahay niya. Kahit mabigat sa loob nakipagkasundo siya kay...