Crying Girl

56 3 0
                                    

Nathan's POV

Ilang araw pa lumipas matapos ang insidenteng yun. Lalo pa kong nawalan ng pag asa. Nakakahiya kasing lumapit lalo na pag naiisip kong isang pervert ang tingin sakin ni Hannah.

Pero naisip ko din walang mangyayari kung mahihiya ako. Alam ko namang di ako ganun.

Kaya ito sinusundan ko yung dalawa. Si Renz at Hannah. Uwian na, kanina pa actually pero ang tagal nilang maghiwalay para makausap ko na si Hannah. Ganito ba sila palagi paguwian na? Kung saan saan pa sila nagdedate.  Bakit ngayon ko nga lang ba naisip to? Napakamot ako ng marahas.

Hininto ko yung bike nung huminto sila. Mga ilang dipa lang ang layo ko sa kanila.

Napansin ko na parang galit si Renz. Bumababa taas yung balikat ni Hannah parang umiiyak. Iniwan siya ni Renz.

"Aba't baliw yun Ahh! Tama bang iwan ang girlfriend mong umiiyak?" Sabi ko sa sarili ko.

Nung medyo malayo na si Renz saka ko pinaandar yung bike at nilapitan si Hannah.

"Ahmm" nagaalangan akong binigay kay Hannah yung panyo ko.

Tumingin siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin. Nilahad ko lang yung panyo.

Bigla niyang kinuha at pinunasan yung luha niya.

Ilang sigundo pa siyang umiyak.

Nagulat ako nang bigla siyang umangkas sa bike ko.

"Ahh- saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa playground. " sabi niya lang.

Humawak siya sa balikat ko.

Hindi ako makagalaw ng maayos. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

Nung nakarating na kami sa playground sa park. Kung saan kami lagi naglalaro dati o kaya tumutugtog. Tumakbo siya papunta sa swing.

"Kailan pa lumabo yung mata mo?" Biglang tanong niya ng makaupo kami sa swing.

"Ah- Ahh ito ba" sabi ko. Isip! Magisip ka ng magandang dahilan.

"Mahilig kasi ako magbasa. Nagbabasa ako kahit madilim kaya lumabo Haha" ngumiti ako para maconvince siya. 😣 ano ba yan.

"Ahh" sabi niya lang.
Naniwala kaya siya?

Ilang segundo ulit kaming natahimik.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit sila nang away ni Renz, Kaso baka ayaw niyang pag usapan.

"Bat ba kayo biglang umalis?" Bigla niyang tanong

"Nagkasakit kasi si Lola. Kaya nagpunta kami sa kanya sa Korea para maalagaan siya." sagot ko.

"Alam mo bang iyak ako ng iyak nung umalis ka? Wala akong kasamang mag-gitara" sabi niya.

Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa paa niyang nilalaro yung buhangin.

"Hindi ko alam na iiyak ka pag umalis ako. Akala ko nga mas magiging masaya pag si Renz lang ang kalaro mo."

"Nagbibiro ka ba? Syempre mas gusto kong ikaw ang kalaro ko no! Ni hindi nga marunong mag gitara si Renz eh!" Pasigaw na sabi niya.

Nagulat ako.

"Sorry." Napayuko lang ako.

Di ko alam na mas malulungkot siya pag wala ako. Sana di na ko lumayo.

Ilang segundo kaming walang imik.

"Maganda ba sa korea?" Sabi niya

"Oo pero mas maganda dito" sabi ko totoo yun. Hindi ko magawa sa korea yung nagagawa ko sa Pilipinas na paglalaro sa labas ng habulan. Ni hindi ako makalabas sa bahay dun. Ibang iba sa Pilipinas.

"Diba sa art school ka nag aaral? Edi marunong kang sumayaw?" Tanong niya bigla siyang ngumiti sakin parang may balak siyang di maganda. 😓

"Hindi ahh. Hindi ako marunong" Hindi pwede. Nahihiya ako. Usually hindi ako nahihiyang sumayaw. Nakakasayaw ako sa harap ng madaming tao tuwing concert, pero ngayon ewan ko kung bat bigla akong nahiyang sumayaw sa harap ni Hannah.

"Patingin ngaaa! Sayaw ka daliiii !!!" Pamimilit nya habang niyuyugyog ako.

"Ahh-- di nga ko marunong" sabi ko. Wag na pleeaaase!

"Sige na Tantan please!? Please!? Sayaw ka na sige na sige naaaa!?"
Niyuyugyog niya pa din ako.

"Okay okay sige" tumayo ako.

Nagulat ako ng nagpatugtog pa siya ng Gee ng SNSD

Nahihiya ako pero sumayaw pa din ako.

Tawa naman siya ng tawa. Medyo napapangiti na din ako. Nakakahawa kasi yung tawa nya.

"Tinatawanan mo naman ako eh" Sabi ko sabay nguso

"Ang lambot pala ng katawan mo. HAHAHA!! PARA KANG BAKLA HAHAHA " sabi nya habang nakahawak siya sa tiyan niya.

Umupo ako sa tabi niya. Namiss ko yung tawa niyang ganyan.

"Ewan ko sayo" sabi ko habang nakanguso pa din.

"Ahahaha ang cute mo pag nakanguso haha"

Namula ata ako dun
Maya maya tumigil na din siya sa pag tawa sa wakas.

"Bili mo ko ng ice cream." Sabi niya sabay turo sa 7/11 na malapit sa playground. Napangiti ulit ako.

"Nagutom ka ba kakatawa?" Tanong ko.

Tumango lang siya. Habang nakangiti pa din.

Bumili kami ng Cornetto.

"Naalala mo dati lagi mo ko binibilhan ng ---

Napatigil siya ng biglang nagring yung phone niya.

Lumayo siya ng unti saka niya sinagot yung tawag.

"Ahm Tantan una na ko ahh. Pinapauwi na kasi ako ni Renz eh. Kita nalang tayo sa school" paalam niya

Di pa ko nakakasagot tumakbo na siya paalis.

Wala na kong nagawa kundi tignan siya habang palayo.

Did I just have a conversation with Hannah?

Came Back For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon