Nathan's POV
Dalawang linggo na kong pumapasok. Dalawang linggo na din akong sumusubok na makausap si Hannah pero lagi niyang kasama si Renz. :/
Nakatingin na naman ako sa bintana. Iniisip kung paano ko ba makakausap si Hannah. Medyo nawawalan na nga ko ng pag asa eh.
Lumabas yung teacher.
Umingay yung klase."Hi Nathan." Nagulat ako ng biglang may lumapit sa upuan ko.
"Diba your from Korea?"
Tumango lang ako."Sabihin mo" umupo siya sa table ko "Nakita mo na ba ang Sherlock sa personal?" Kinikilig na sabi sakin nung babae. Palapit ng palapit sakin yung mukha niya. Napayuko ako saka inayos yung salamin ko.
" ahh- di eh hi-- hi- hindi naman ako fans ng mga kpop na yan. Wala akong interes sa mga ganun . E- excuse lang." Tumayo ako at lumabas ng room.
Grabe kinabahan ako dun ha. bakit kailangan niya pang ilapit yung mukha niya sakin? Tatanungin lang naman niya kung nakita ko na ba yung Sherlock? Napahawak ako sa may dibdib ko. Kumakabog pa din ng malakas. Muntik na talaga yun
Lumiko ako para pumunta sa Comfort room ng
*boogs*
Dahil sa impact ng bangga nahulog yung salamin ko.
Natulala yung babaeng nakabangaan ko."UWAAAAA!? IKAW SI sdkoinnhsjjljjsihhgss!?"
Mabilis kong kinuha yung salamin ko at tinakpan ko yung bibig niya para di siya magingay. Napasandal ko siya sa pader.
"Sssshhh wag kang maingay baka may makarinig sayo." Sabi ko sa kaniya kaso ang likot likot niya pa din.
Bigla niyang tinangal yung kamay ko sa bibig niya at niyakap ako.
"I cant believe this! Oppa Kim Nun Jin!? saranghe!? Marry me please!? Pagpipigil niya ng kilig.
"Sshh wag kang maingay. If you are really my fan do me a favor dont tell anyone about this okay?" Tinangal ko yung pagkakayakap niya sakin.
Tumango siya at niyakap ulit ako.
"Okay Oppa! Saranghe saranghe" pinipilit kong tangalin yung pagkakayakap sakin nung babae
"HEY YOU TWO!? WHAT ARE DOING!? nagulat kami ng biglang may sumigaw. Napalingon kami pareho
.
.
.
Si Hannah
.
.
.
wait?
.
Si HANNAH!?
.
.
.
"Mam! I think we have a misunderstanding here! I just saw this two making out at front of comfort room and sasabihin mong pwede na siyang bumalik ng room? Ano? Ganun nalang yun?" Galit na sabi ni Hannah.
Oo nireport niya kami sa Guidance.
"Ms. De Guzman hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mr Kim-- I mean ni Mr. Nathan Kim? Sabi niya wala naman daw silang ginagawang masama nahilo lang daw si Ms. Contes at inalalayan niya I dont think may masama duon and I think we should be thankful na may mga katulad ni Mr. Kim dito sa school. " nakangiting tumimgin sakin yung Guidance councilor.
"Nathan Kim?" Medyo nagulat na sabi ni Hannah.
Nakatingin siya sakin.
Okay. Pwede nakong matunaw.Marahas na umiling siya.
"Mam are you saying na we should be thankful na may estudyante tayong pervert? I cant believe this!" Sabi ni Hannah saka siya nag walk out.
"Nun Jin Oppa are you alright?" Tanong sakin ng babae kanina
Tumango lang ako.
"Mr. Kim sige na makakabalik ka na sa room mo" sabi sakin ng Guidance
Paglabas namin ng office.
Nakita namin si Hannah na nakasandal sa labas ng Guidance office.
"Im the Vice President of student council in case you dont know at hindi ko hahayaang may gagala gala na pervert na tulad mo dito tandaan mo yan" seryosong sabi niya saka siya naglakad palayo.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko na sa wakas napansin na ko ni Hannah.
Napansin niya ko at akala niya isa akong pervert. 😥😥

BINABASA MO ANG
Came Back For You
TeenfikceMahal niya si Hannah, ang kanyang guitar buddy and bestfriend. Kahit bata pa siya alam niya na ito. Kaya mahirap na malaman na iba pala ang magpapasaya dito. Hindi siya, kundi si Renz na kapitbahay niya. Kahit mabigat sa loob nakipagkasundo siya kay...