Nathan's POVSa Korea ako nag aral hangang ngayong 3rd year. Pinag aral ako ni Mommy sa artist school at Pinag audition sa isang sikat na company. Natangap ako. May six months hell training bago ipakilala sa public ang grupo. Sa six months na yun mas lalo kong nakilala ang mga kagrupo ko, araw araw wala kaming ibang ginawa kundi magpractice para mas madevelop ang dance and singing skills namin. After ng six months dinebut kami agad at nagclick naman. Sumikat kami bilang Isang grupo. Kilala kami bilang Sherlock. Pero may di inaasahang pangyayari.
Na hack yung SNS ko. Nagleak lahat ng files and pictures ko. Lumaki yung issue hangang sa kung anu-anong kwento na ang naglalabasan, Na naging sanhi para Icancel muna lahat ng activities ng grupo. Pinagpahinga muna kami habang di pa nahuhuli kung sino yung naghack ng account ko at di pa humuhupa yung issue.
Nakiusap ako sa company kung pwedeng sa Pilipinas muna ako habang pinapalamig pa yung issue. Pumayag naman sila kaya ito ako sa Pilipinas. Sobrang excited na kong makita sila tito't tita. Sila mommy at daddy nasa Korea pa din madami daw kasi silang ginagawa sa restaurant business namin kaya ako nalang magisa yung pumunta. Excited na din akong makitang ulit si Hannah kamusta na kaya siya?
"Tantan dito!?" Nakita ko si Tito at Tita may hawak na malaking tarpulin na may nakalagay na 'Welcome back Tantan!'
Napangiti ako at lumapit.
"Kamusta ka na Tantan? Ang laki laki mo na at ang pogi pogi." Sabi ni Tita saka ko sila niyakap. Na miss ko sila.
"Okay lang po." Nakingiti kong sabi.
"Halina kayo bago pa may makakilala kay Tantan." Pabulong na sabi ni Tito.
Pagdating sa bahay Medyo nanibago ako. Malaki na yung pinagbago ng bahay. Naiba yung ayos ng gamit pati yung kulay.
"Namiss mo ba yung pagkaing Filipino?" Tanong ni Tita habang kumakain kami.
"Opo sobra. Halos puro gulay at prutas ang kinakain namin dun eh." Nakangiting sagot ko.
Tahimik kaming kumain. Naisip ko ulit si Hannah. Baka kilala pa siya nila Tito.
"Tito dito pa din po ba nakatira si Hannah sa Village?" Tanong ko
Napatigil sila sa pagkain.
"Sinong Hannah?" Kunot noong tanong niya habang ngumunguya."Yung lagi ko pong kalaro dati" Sabi ko.
"Ahh yung babaeng lagi mong kasamang tumugtog ng gitara? Oo nakikita ko siya minsan diyan kila Mareng Lorna." Sagot ni Tita.
Napangiti ako. Ibig sabihin dito pa din nakatira sila Hannah.
Pagtapos kong kumain, umakyat na ko sa kwarto. Namiss ko tong kwarto ko mula prep hangang grade six. Halos lahat ng part ng bahay nabago pero lang sa kwarto ko. Yung mga posters ko nina superman and batman andito pa din.
Nilibot ko yung mata ko sa buong kwarto saka pabagsak na humiga ako sa kama ko, di namalayang nakatulog.
Kinabukasan maaga akong nagising inayos ko yung gamit ko sa kwarto tapos tumambay ako sa may bintana habang tumutugtog ako. May mga estudyante akong nakita na naglalakad sa labas. Checkered na white and light yellow yung kulay ng pambaba nila abot tuhod lang. Puti lang yung pantaas nila na may ribbon na kulay yellow and white din.
Naagaw ng pansin ko yung Isang Babae na ganun din ang uniform nakahawak siya sa strape ng bag niya na kulay pink pastel.
Si Hannah yun!?
Agad akong lumabas ng kwarto
Lumabas ng bahay at hinabol yung babae."Wait Hannah!" Sabi ko sabay hila sa braso niya paharap sakin Kaso... di pala siya yun.
BINABASA MO ANG
Came Back For You
Teen FictionMahal niya si Hannah, ang kanyang guitar buddy and bestfriend. Kahit bata pa siya alam niya na ito. Kaya mahirap na malaman na iba pala ang magpapasaya dito. Hindi siya, kundi si Renz na kapitbahay niya. Kahit mabigat sa loob nakipagkasundo siya kay...