Nathan's POV
Naglalakad ako papunta ng room, maaga ako pumasok kasi di ko nagawa assignment ko. Kahit saglit lang ako dito gusto ko pa din na pagbutihin pag aaral ko.
"Tantan!"
Napalingon ako sa pamilyar na boses.
"Oh Hannah"
Hinawakan niya yung kamay ko.
Biglang tumibok na naman ng mabilis yung puso ko."Please do me a favor. Please please!"
"Ah- ano ba yun?" Sabi ko habang nakatingin sa kamay ko na hawak niya.
"Next week na kasi gaganapin yung foundation week. And we traditionally do the main event by selecting one student to perform in solo " paliwanag niya.
"And?" Napakunot yung noo ko.
"And I want you to do that"
"Wait? A-ako? Why me?" Ako? Magpeperform ng solo for the main event?
"Please Tantan. Wala kasi akong mapili eh. Staka magaling ka naman sumayaw ahh please Tantan please!" pamimilit nya habang niyuyugyog ako.
"S-sige sige" sabi ko nalang. Wait? Um-oo ba ko? 😱
"Yes! Thank you! Thank you! Sige alis na ko ahh dami ko pa kasing gagawin." Sabi niya.
May binigay siyang flyers sakin. Dun nakalagay yung oras at date kung kailan gaganapin yung event.
Pagdating sa room. Napaupo nalang ako at tinignan yung flyers. Bakit ba ko um-oo? Pano pag may nakakilala sakin.
Nakuu! Ano ba tong ginawa ko.
Bat naman kasi hindi ako makatangi pag kaharap ko na siya.Ginulo ko yung buhok ko. Mababaliw na ata ako.
"Uy pre ano yan?" Sabi ni Roy pagupo sa tabi ko.
"Oo nga pala next week na yung foundation no?" Natigilan siya
"Oh bat ganyan itsura mo?""Si Hannah kasi. Gusto niyang ako yung magperform sa main event." Nakangusong sabi ko.
"Weee? Ikaw nakausap si Hannah? Si Hannah De Guzman?" Sabi niya. Oo di siya naniniwala ano bang problema nito sakin? 😒
"Oo nga sabi niya ako daw yung napili niyang magperform para sa main event" sabi ko
"Hahahahaha!? Ikaw? Napili ni Hannah na magperform? Nagjojoke ka ba? Baka nananaginip ka akala mo totoo!" Tumawa siya na para bang may sinabi akong joke.
-_-" hay nako ayan na naman siya. Di ko maiwasang mainsulto sa pinagsasabi nito.
"Bakit ano bang meron dun sa main event?"
"Alam mo bang ang main event ang pinaka inaabangan sa lahat? Yung mga nagpeperform dun mga pogi at magaganda di mga katulad mong Nerd! Last year yung nagperform dun ay si Kent Uy yung MVP ng Basketball. Tapos ngayon ikaw? Kaya di talaga ako naniniwala" sabi niya. Or should I say pang iinsulto niya.
Pero bat nga ba ako yung napili ni Hannah, kung ganitong pinakainaabangan pala ng lahat yung performance na to.
Oo common na sakin ang magperform pero syempre iba to. Ayoko namang mapahiya si Hannah pero ayoko din namang makilala ako ng mga tao. Baka mapadali ang pagbalik ko ng Korea.
-
-
-
"Iyu? Wae gubnu habnikka? "
(Ano? Bat ka pumayag?) Sabi ni Park Suho yung pinaka matanda sa SherlockKasalukuyan kong kausap ang Sherlock sa skype at nakwento ko sa kanila yung gagawin kong pag perform.
"Hindi ko din alam. Eh kasi pagkaharap ko na si Hannah ewan di na ko makatangi."
"Ayan na nga ba, pag dating sa babae hindi na makatangi" sabi ni Soo Min yung pinaka bata.
"Eh kung papangitin mo kaya boses mo tas magsuot ka ng pangit na damit para di ka makilala" suggestion ni Sehun
"Ayoko, ayokong ipahiya si Hannah. Nagtiwala siya sakin kaya nga niya ko pinili. Baka madisappoint siya pag pangit yung performance ko." Sabi ko
"Eh kung mag maskara ka?"
Suho"Oo nga no? Ang galing mo Hyung! " sabi ko
"Naisip ko nga din yun eh" Woomin
"Bat di mo sinabi?" Sehun
Nagkakagulo na sila sa harap ng Camera. Natawa nalang ako sa kakulitan ng mga to. Namiss ko na sila agad.
"Hyung Nun Jin! Umuwi ka na namimiss ka na namin" sabi Soo min
"Ako din namimiss ko na kayo"
"Sabi ni Tita malapit na mahanap yung naghack ng SNS mo" sabi ni Suho
"Kaya malapit ka ng umuwi Hyung" Soo min
"Sige Nun Jin tawag na kami. Video chat uli tayo bukas" Suho
Pinatay ko yung laptop saka ko tumayo at nag patugtog.
Dumaan ang sports at cheerleading competition.
Wala pa rin akong naiisip na ipeperform ko.
Naiistress na ko. Mas nakakastress pa to sa 1st live performance ko noong debut namin.
"Anong ginagawa mo? Kanina ka pa nakaearphone ahh. Parang wala akong kasama kanina pa." Sabi ni Roy pag tangal niya ng earphone ko.
"Sorry bukas na kasi yung main event eh. Pumipili pa ko ng sasayawin ko" sabi ko.
"Ano? Hangang ngayon nagdedaydream ka pa din?" Sabi niya
"Seryoso ako Roy" -_-" napanguso ako.
"Seryoso din ako. Tigilan mo na yan baka di na ko manuod dahil sa ginagawa mo. Nakanguso ka na naman." sabi niya
Tumingin nalang ako sa pagkain ko, at walang ganang tinusok yung tinidor.
"Hi guys!" Napatingin ako sa nagsalita.
"Hi Hannah" nakatayo siya sa harap namin.
"Tantan are you ready? Kailangan ko ng makuha yung music na gagamitin mo bukas" nakangiting sabi niya.
"Ahh Hannah pwede iemail ko nalang sayo? Wala pa kasi akong napipiling kanta" napakamot ako ng batok.
"Ano? Tantan bukas na kaya yun di ka pa nakapag practice?"
"So-sorry " sabi ko sabay nguso
"Basta bigay mo sakin mamaya ahh para maayos ko na, sige good day guys" nakangiting umalis si Hannah.
"Di- did you just talk to Hannah?"
Nauutal na sabi ni Roy habang nakaturo sa naglalakad na si Hannah."Oo bakit?" Napailing ako habang naghahanap ng pwedeng makanta ko sa playlist.
"And i-ikaw nga yung napiling sasayaw sa main event for real?"
"Oo nga sabi ko naman sayo" sabi ko ng hindi pa din inaalis yung tingin sa phone ko.
"Gusto ko na mahimatay" sabi niya na parang nahihilo
Hay nako -_-"
BINABASA MO ANG
Came Back For You
Novela JuvenilMahal niya si Hannah, ang kanyang guitar buddy and bestfriend. Kahit bata pa siya alam niya na ito. Kaya mahirap na malaman na iba pala ang magpapasaya dito. Hindi siya, kundi si Renz na kapitbahay niya. Kahit mabigat sa loob nakipagkasundo siya kay...