Next

30 1 1
                                        

Chapter 303:

Tekenn's P.O.V

"Anak mamaya na kayo ni Rec pumasok ha! Kasi meron lang kaming little things na aasikasuhin sa lilipatan niyong school. Sasabihin na din naming na half day lang kayo ngayong first day of school." Sabi ni Mama sakin at lumabas na sila Tito Stephen... "Ok.." Yan lang reply ko, di naman ako malapit kay mama. May kapatid ako ang pangalan niya Co Rec, di ko alam kung bakit yan ang naisip ng magulang namin at kapag sasabihin mo ng buo para siyang "Correct". Lalaki kapatid ko obvious naman.

"Ate Kenn! Asa yung deodorant ko?" Sigaw ni Rec sa ikalawang palapag. "Malay ko bang gago ka! Ano tingin mo sakin gumagamit ng deodorant na pang lalaki?!" Sigaw na sagot ko naman.

Palaging wala sa bahay si mama dahil busy sila ni Tito Stephen, at minsan lang umuwi o makakasabay naming kumain. Yung papa naman namin matagal ng patay sa isipan ko, iniwan niya kami nung 10 yearsold ako at 8 naman si Rec dahil lang sa isang babae at ang kasamaang palad ang pinaka matalik na kaibigan ni mama...

Hindi kami close sa mama namin, at may nahanap din si mama ng iba. Si tito Stephen kasal na sila... Sabi ni mama, tanggap naman daw kami ni Tito. Tito tawag ko kay Stephen kasi di ko feel tawagin siyang papa. Ok lang naman daw yun sakanya, kasi nasanay na siya na tinatawag ko siyang tito pati narin si Rec, tito din tawag niya.

Ilang beses nga kaming pinagsabihan ni mama na papa daw ang itawag namin kay tito Stephen but oh well, hindi niya parin kami mapipilit dahil yun na ang nakasanayan naming tawag.

At ngayon meron na kaming isang half sister si Stephy. At 6 yearsold na siya, malapit naman ang loob namin sa kanya.

"Ate Meis! Nakita mo ba brip kong color blue?!" Sigaw na naman ni Rec.

"Putangina Rec! Ano ba ko, maid mo para palaging tanungin kung nasan mga gamit mo?!" Inis kong sagot.

Hindi nila mama nakikita ang side ko nato, na palaging mura at hindi tahimik. Minsan ko lang ito nalalabas pag nagagalit ako sa isang bagay or sa mga taong malapit ang loob ko.

"Maka mura siya oh! Pasalamat ka wala sila mama, kung hindi baka kanina ka pa nagtitimpi ahahah!" Bigalng sabi ni Rec habang pababa sa hagdan. Tangina talaga tong lalaki nato!

"Nako Co! Isa kana lang baka sa labas ng bahay punta mo!" Inis kong sigaw.

Ganito ako sa bahay pag wala ang mga magulang namin. Maingay ako, palaging nagmumura, masayahin, pikon at higit sa lahat hindi cold ang mga mata ko kapag ganito ako sa palagid ko.

"Ahahaha... Oo na, hindi na nga!" Tawa parin ng tawa tong bugok! "Hoy na ulol kana?! Nga pala, san punta mo?" Tanong ko nalang.

"Ahh... Dito lang naman. Maghahanap ng chicks!" Sagot niya at sabay pogi pose daw. Nabuang na talaga tong kapatid ko

"Ahh ganon? Ok." Sabi ko nalang at tumayo sa sofa... "Meis! Alam mo ba kung ano yung pangalan ng bago nating school?" bigalng tanong ni Rec.

Maka Meis siya ah! Feeling close ang puta?! Di man lang nag Ate, sabagay parang di din kami mag kapatid... Ahaha joke lang.

"Malay ko sayo. Ikaw umalam, wala akong pake dun." Sabi ko lang at diresto sa hagdanan... Pumuta ako sa kwarto ni Stephy at kasalukuyang naglalaro siya sa kanyang mga Doll at echos echos.

"Stephy." Tawag ko ng maka pasok ako sa kwarto. "Ate Kenn!!" Tawag niya sakin nung lumingon siya sakin.

"Ate, let's play. Gusto ko maglaro kasama ka." Sabi niya at hinila ako papunta sa mga laruan niya, nga pala TagLish pala tong si Stephy magsalita. Errr... I hate dolls, eversince nakanood ako nung "Chuckie", alam niyo? Hindibyung iniinom ah. Baka magtaka kayo.

Ilong Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon