I Love You #1 ~ I.L.Y

427 36 25
                                    

[I LOVE YOU]

~>CHARACTERS<~
~Iah Lorenzo-Ynarez
-Iah
~Mikhael Codey Manzano-Claveria
-Khael -Mico
~Denyce Rivera-Austria
-Denyce
~Gabrielle Hernandez-Alcantara
-Gab
~Angel Louise Martinez-Lopez
-Angel
~Ezekiel Dela Vega-Aragon
-Zeke -Mcky
-Ian Lorenzo-Ynarez

Prologue

1 YEAR! My last year. This will be my LAST YEAR on Earth! Haaay...

"This will be your last year, Ms. Ynarez, I'm so sorry! Please make the most out of your life. Excuse me..."

Yan ang huling sinabi sa akin ng aking Cardiologist. Unfortunately, I have a Heart Disease. At kung pagkain lang ako, 1 year na lang at EXPIRED na ako.

Kayo? What if? Last year nyo na? Anong gagawin nyo?
Magpapakamatay na lang o ie-Enjoy ang huling taon nyo?

Kasi ako? Susundin ko ang sinabi sa akin ng aking Doctor.
"MAKE THE MOST OUT OF IT!"

At yun ang gagawin ko!

I Love you #1 ~ I.L.Y

IAH's POV (AYA po yung Pronounce)

Year 2014

"ATEEEEH!!!!"

Yug-yog dito. Yug-yog doon!
Arrgh!

"Uggh! IAN, ANO BA? Natutulog pa ako."

"Pero Ate, pinagigising ka na ni Mama. 6AM na oh? Diba First day mo ngayon?"

"Ha? 6AM pa lang pala, eeh! ---- TEKA! ANO? 6AM na?? PAKSHET! LATE na ako!!!!" Biglang bangon ko.

"Haha!! Ate, first day late ka! Wag ka ng maligo. Babaho ka din naman!" pang-aasar pa ng kapatid ko.

"Shut up! Ian Ynarez! Maliligo na ako sabihin mo kina Mama!! Labas!!" Tas ipinagtulakan ko na yung asar kong kapatid at diretso ligo. Grrr. LAMIG!!!

Well, hi there! Ako nga pala si IAH LORENZO-YNAREZ, Hindi IYA okay? Kundi, AYA!!! A-YA! Haha.

Incoming Second year College na ako, Course ko? Information Technology, 17 y/o na ako, last January, 1! Yeah, New Year po ang aking Birthday! At Next year?? Yiieeeee! DEBU ko na!!!

Kaya lang, ang tanong...

MAKAKAPAG-18 PA KAYA AKO?

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako agad sa dining area para kumaen ng mabilis.

"Anak, ipinagtimpla kita ng milk oh. Ang laki na ng panganay ko.." Lambing sa akin ni Mama. Palagi syang ganan, may pasok man kaming magkapatid o wala, she always make sure na gagawa sya ng paraan para makalambing sa amin, pambawi sa mga araw, linggo o kung minsan ay buwan o taon na wala sila ni Papa.

"Mama, salamat pero baka hindi ko na ito matapos inumin dahil nagmamadali na talaga ako, 6:30 na po eh."

"Anong oras ba ng klase nyo, Iah?" usisa naman sa akin ni Papa. Ayan, ganan naman si Papa pag nandito sya sa bahay, anumanf pede nyang itanong ay itatanong nya, wag lang sya mahuli sa mga balita na about saming mga anak nya.

"7AM po, Papa. Mauuna na po ako kay Ian, tutal 7:30 pa naman po ang time ng secondary."  Si Ian naman, kapatid ko, ay graduating na ng 4th year highschool. Iisang school ang pinapasukan namin, malayo nga lang ang department ng secondary sa tertiary kaya hindi kami madalas magkita.

I LOVE YOU (I.L.Y)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon