I Love You #5 ~ MRS. CLAVERIA??!
Dahil sa pamumulong ng parents ni Codey sa amin nung isang linggo. Haha! PAMUMULONG TALAGA EH, NOH!? Eto ako ngayon sa Condo ni Codey... Feeling MRS. CLAVERIA! Yiiie, ^//////^ Bakit ako nandito?? Kasi Ganito yan...
FLASHBACK
^SALAS^
"Ano pong sadya nyo Mr. and Mrs. Claveria?" mahinahon na tanong ni Mama.
"The truth is aalis kami ng asawa ko, pupunta kami sa States for some important matters. Iiwan namin dito sa Pilipinas si Khael, kaya gusto naming maikasal na agad ang anak namin sa anak nyo, Mrs. Ynarez..." malinaw na pagpapaliwanag ng Mommy ni Codey. Pero kahit na anong linaw ay naguguluhan pa din ako. Anong kasal? Agad-agad???!
"Hindi ba ang bilis naman ata? Di nga namin alam na may relasyon na pala sila.. Tas ikakasal na agad sila?" mahihimigan mo talaga ang pagkontra ni Papa. Kung overprotective si Mama, MAS si Papa. Prinsesa at Prinsipe kaming mga anak nya sa kanya.
"Di naman kasal agad, Mr. Ynarez. They are still underage pa din naman. Hayaan lang sana natin na magsama sila sa iisang bahay... Long engagement, let's say." tugon ni Mrs. Claveria
"Mom naman!!" singit naman ni Codey. Kahit ako, gusto kong tumutol, gusto kong umangal, totoo. Pero ayokong maging bastos sa harapan nila.
"Pero, Anak. Para rin naman to sayo.." paliwanag naman ng Mommy nya.
"Pasensya na. Pero di kami---"
"Pumapayag ako!" naputol ang pagtanggi ni Papa nang pmayag bigla si Mama.
O______________O
HA???
"Pero, Mahal---" angil ni Papa.
"Mahal, kung gusto nila na may makakasama ang anak nila, ako din naman ganun.."
"Ma, anong ibig mong sabihin? Aalis kayo at pumapayag kayong tumira si Ate sa kanila?" singit naman ng kapatid ko.
Ang totoo nyan, yung binulong ni Mama sa akin kanina eh:
'Pumapayag akong sumama ka sa kanila, Tutal.. Paalis din naman kami ng Papa mo. Alagaan mo ang sarili mo. Maliwanag?? Don't forget to take your medicines, Iah. Okay? At once na pinaiyak ka nyan.. Umuwi ka na agad. Kuha mo??'
Isang Power Hug na lang ang itinugon ko kay Mama.
DREAM COME TRUE yon, kahit man lang bago ako mawala dito, eh nakasama ko sya.. :)
Kahit hindi sabihin nina Mama, alam ko ang pinakang dahilan nya... Mababaw para sakin kung ang iisipin nila ay dahil lang sa aalis sila? Pano naman ang kapatid ko, diba? 15 years old lang yun noh!
Alam ko na ang sakit ko ang pinakang dahilan... Kasama ko si Mama nung sinabihan ako ng doktor ko na i-enjoy ang buhay ko. At mukhang ito ang paraan na nakikita nya para ma-enjoy ko ang buhay ko. Sa totoo lang, wala nang ibinawal sa akin ang doktor, wala nang bawal na pagkaen o emosyon, since hindi na din ako pumayag na magpa-opera. Bakit pa? Magkakaroon din naman ulit ng heart failure once na magpa-opera na naman ako. Oo, tama ka. Nakapagpa-opera na ako noon, pero ewan ba. Hindi tinanggap ng puso ko ang operasyon na yun kaya mas lumala lang ang karamdaman ko. Yung mga iniinom kong gamot ay para ma-lessen lang ang sudden heart attack. Para na lang syang pain reliever once na makaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hindi na nga sya gamot kung tutuusin.
Naalala ko pa na iyak lang nang iyak sina Mama at Papa dahil kahit na may pera kami, wala kaming magawa para madugtungan ang buhay ko. Kung saan-saang bansa na kami nagpunta, at kung sino-sinong doktor na ang nakausap namin, pero wala. Wala talaga. Hanggang kailan ako mabubuhay? Hindi ko alam. Only God knows.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU (I.L.Y)
Genç KurguY.O.L.O - You Only Live Once and I am making my Life the most out of it. NOW. I Love You (On going) Cover by: Guinevere June Author: IAmAyehn