I Love You #24 ~ Unsaid Feelings

42 11 1
                                    

I Love You #24 ~ Unsaid Feelings

"Codey.. Please, gusto kong malaman kung bakit, bakit ka naging ganyan? Bakit galit na galit ka sa kanila? I heard Gab's side, now I want to hear YOUR side. Please, just let me know."

"Sa tingin mo ba ganung kadali yun? Kinalimutan ko na yun lahat tas ipapaalala mo ulit sa akin?"

Tumayo sya bigla at unti-unting inayos ang kwarto na sobrang gulo pa din, nakitulong na din ako dahil napansin kong nahihirapan syang kumilos.

"Dyan. Dyan ka magaling, eh. Yung sinasarili mo lang. Codey, pede mo namang sabihin sa akin, makikinig ako. Codey--"

"Sino ka ba para alamin ang lahat ng Issues ko sa buhay? You know what? Go home. I don't need you here."

"Ayoko. Dito lang ako." Nahiga ako bigla sa kama. "I'm staying." Nagtalukbong ako ng kumot at namaluktot. "Hangga't hindi mo ino-Open up ang sarili mo, hindi ako aalis dito."

"Masasaktan ka lang."

Natigilan ako sa huling sinabi ni Codey. Pakiramdam ko maiiyak ako na aatakihin sa puso. Bumangon ako at inalis ang kumot sa mukha ko.

"Anong sabi mo?"

"Do you know the Quotation 'Some things are better left unsaid'? Yun ang gusto ko. Ayokong may iba pang madamay na tao, kung may masasaktan man dito dapat ay ako yun."

"Codey, hindi mo nman kailangang sarilinin ang problema."

"Sarili ko na lang ang maaasahan ko, hindi ikaw, magulang o kaibigan ko ang makakatulong sa akin. Kaya ko na ang sarili ko."

"Sige. Rerespetuhin ko ang desisyon mo pero Codey, sana hayaan mo akong--"

"Pede mo ba muna akong iwan?"

"Ha?"

"Just for this night or even a week? Please. Umuwi ka na muna, aayusin ko muna itong bahay nang mag-isa at pati ang sarili ko."

Hindi naman ako nakaimik sa sinabing yun ni Codey, napatitig nga ako sa kanya. Mukha syang hina-hina.

"Alright. Iiwan na muna kita, uuwi na muna ako sa amin. Dun na din muna ako manggagaling pagpasok ng school bukas. Gusto ko din munang makasama sina Mama, paalis na din sila eh."

Tumango lang sya. Medyo inayos ko lang yung gamit ko at nag-impake na din. Napagpasyahan kong magtagal muna nang pag-uwi. Makakapaghintay pa naman ang Puso ko. Diba Heart? Hehehe

"Magtatagal ka nga?"

"Ah. Oo. Dun na muna ako ulit sa bahay, ito nga pala ang number ko." Iniabot ko sa kanya ang papel na may nakasulat na number ko.

"Ano namang gagawin ko dito?"

"Kainin mo baka mabusog ka. Charot! Baka Naman para i-text o kaya tawagan mo ako, ano? Para lang alam ko pag pwede na ako ulit dito po. Ano po?"

"So babalik ka pa talaga?"

"Oo naman. Paalis na sina Tita bukas, diba? That's why I shoud be here hanggang sa magustuhan ko. Pede?"

"Bahala ka."

"Okay. I'll take that as a yes. See you then."

"Ge."

Nasa pinto na ako nung may naalala ako bigla. Kaya lumapit ako ulit sa kanya.

"What?" Nagtatakang tanong nya.

"Hmmm.. Baka kasi matagalan ka bago mo maayos ang sarili mo kaya.."

Tumingkayad ako at kiniss sya sa Pisngi. Yieee >///////<

"Goodbye and Goodnight, Codey. Ingats!"

Sabay takbo paalis. Mabilis. Sobrang bilis kong narating ang elevator. Napasapo nalang ako sa dibdib ko dahil hinapo ako ng bongga.

"Ssssh... Relax ka lang, Heart. Kailangan pa nating maiparamdam sa kanya na gusto ko sya kaya wag kang magwala dyan. Hindi mo ako pedeng iwan sa laban nating dalawa." Sabi ko sa sarili ko. Nag-iisa ako sa elevator nun nang biglang---

"OH MY GOD!!!"





Black-out.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU (I.L.Y)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon