I Love You #2 ~ She's my Girlfriend!
Matapos kong gawin yung ka-eng-engan ko, ayun! Di na nawala ang masasamang tingin sa akin ng mga tao sa paligid ko. Especially, GIRLS!!
Kaya kami ni Louise? Ayun.. Para kaming nasa Temple Run, tumakbo na lang kami ng tumakbo.
Actually, 1 week nang ganito ang Set-up namin.. Haaay...^CR^
"Luka. Pagod na ako, harapin mo na kasi sila." Hapong-hapong sabi ni Louise..
"Nasisiraan ka na ba? Di mo ba nakita yung ginawa nila sa akin last week? Sinabunutan nila ako. Tapos nung other day, tinapunan nila ako ng juice, kahapon naman binato nila ako ng itlog. Tas sasabihin mo sa akin ngayon na HARAPIN KO SILA?? HELLO? Di pa ako ganung ka-TANG* ANO!??"
"Luka ka kasi! Ang sabi ko magpapansin ka lang, hindi sabihin na girlfriend ka nya at halikan mo sya. Kung di ka ba naman---"
"Oo na. Oo na, eh anong gagawin ko? Eh nangyari na?"
"Ewan ko sayo. Nakaka-imbyerna kang babae ka. Hoy! Basta, pag sumumpong yang sakit mo sa mga pinaggagagawa natin. Nakuu!! Bahala ka..." Eto na naman po sya sa kakabanta nya tungkol sa sakit ko.
"Alam mo, Louise. Bakit di mo i-try mag-Nurse? Mag-shift ka na kaya!!? Haha!" Tas binatukan nya ako.
"Gaga! Ako na nga tong nag-aalala, eeh. Nakakatawa ka pa dyan."
"Haha! Ano ka ba, Luka? Ok lang ako. Kaya ko to! FIGHTING!!"
"Bahala ka. Basta, andito lang ako, okay? Kahit saang ka-lukahan pa yan!"
"Haha! Kaya mahal na mahal kita, eeh. I love you, luka!!"
"Yan ka na naman sa I love you mo, eeh."
"Hayaan mo na. Hangga't walang nag-a-I love you sayo, ako muna. Okay??"
"K, fine! Ikaw bahala. Ikaw pa??"
"Haha! Pa-hug nga ako!"
Kaya nag-hug kami sa isat-isa.
Haaay. Bahala na bukas, siguro naman magsasawa din sila..
Tungkol dun sa girlfriend thingy? Di ko na nabawiin yun, noh!?? ABA NAMAN! CHANCE na kaya yun! HAHA!
MIKHAEL CODEY, MAPAPASAAKIN KA DIN! Bwahaha!
Kinabukasan..
Inaantok akong pumunta sa school, kasi naman! Di ako makatulog, syempre iniisip ko na naman yung kalukahang ginawa ko.. Haaay...
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, ayan na naman yung mga tingin nilang PAMATAY!!
Makapal na kung makapal ang mukha, itinaas ko pa ang noo ko habang naglalakad. MAMATAY SILA SA INGGIT! Tseh!!
"Ang kapal talaga ng mukha.. nakakapasok pa rin sya hanggang ngayon.."
"Tss. Ano na naman kayang hindi magandang mangyayari sa kanya ngayon? Haha!!"
"Truth, girl. Let's wait and see!!"
Psh! Let's wait and see nyo mukha nyo!!!
Di pa ako nakakarating sa room namin nang may humarang sa dadaanan ko..
Tatlong babae, ay hindi! Lima pala, ay siyam pala. Teka nga.. bakit padami sila nang padami? Di ko na mabilang.. Nahihilo na ako, bukod sa wala akong tulog eh ang dami pa nilang nasa harapan ko.. *___*
Tapos nagsimula na naman silang magbulungan. Oh! Scratch that!! Magparinig pala!!
"Look who's here?! Ang pinakang makapal sa pinaka makapal na mukha.."
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU (I.L.Y)
Teen FictionY.O.L.O - You Only Live Once and I am making my Life the most out of it. NOW. I Love You (On going) Cover by: Guinevere June Author: IAmAyehn