I Love You #8 ~ ANGER
Hindi ako makatingin kay Denyce. Ang sinasabing Ex ni Codey. Naiilang ako. To think na kaharap ko ngayon ang taong minsang naging bahagi ng buhay ng taong gusto ko.
"Khael!! Hanggang ngayon ba, Hindi mo pa din ako napapatawad???" Pagmamakaawa ni Denyce. I wonder kung gaano kalaki ang naging atraso ng babaeng to kay Codey. Maliban sa nagka-anak sya sa iba.
"I already told you to leave." walang emosyong sabi ni Codey. Expert na nya ata to. Yung pagiging cold.
Napatingin ako kay Codey.
Galit sya.
Ramdam ko.. At hindi lang sya galit, nasasaktan din sya.
"Dahil ba sa kanya? HUH??? I can't believe you, Ganan na pala ang mga type mo ngayon!?? Tsk!"
TEKA. ANO BANG SINASABI NITO???
ANONG AKALA NYA SAKIN? ABER!???
"Aba--" sisingit na sana ako pero:
"Yeah. Nagbago na nga siguro ang taste ko, mas gusto ko na yung babaeng totoong nagmamahal sakin, kesa naman sa sayong ginago lang ako!"
Napalingon naman ako kay Codey, hindi ko alam kung bakit nya nasabi yun?
Marahil isinusumbat nya ang ginawang panloloko ng babaeng to sa kanya.
Sa nakikita ko, mukhang anak nya sa ibang lalaki tong bata kahit na magkarelasyon sila noon. Tss, Tss. Tss!!!
ANG CUTE PA NAMAN NUNG BATA!!!!
"Look, umuwi ako ng Pilipinas para makipag-Ayos sayo, Khael. So, Please.."
"No! Get out."
"Pero--"
"I SAID GET OUT!!!!"
Sobrang lakas ng sigaw nya na talagang ikinagulat namin ni Denyce. Pero mas nagulat kaming lahat ng biglang humikbi yung bata.
"Hik. Hik..."
Tas biglang:
"UWAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" T__________T
Ang lakas ng iyak nung bata.
"Ssshh. Shhh, tahan na, baby!" pagpapatahan naman ni Denyce don sa anak nya.
"UWAAAAAAA!! BAD! BAD!!!!"
Masamang tumingin yung bata kay Codey. Na mukhang ito ang tinutukoy na BAD.
"Ssssh. Ssssh," samantalang tuloy naman ang pagpapatahan ni Denyce dun sa cute na cute na bata.
"Just leave. Please."
"Pe-pero Khael, Wala kaming pupuntahan. Hindi pa alam ng parents ko na nakabalik na ako, at isa pa Walang nakakaalam na bumalik na kami dito sa--"
"I don't give a d*mn! Just go!" pagtataboy pa din ni Codey.
"Khael..." Maluha-luhang sabi ni Denyce.
Iniwasan lang naman ni Codey ang tingin nya kay Denyce.
"Co-Codey." Napabigla naman ako sa sarili ko kung bakit ko tinawag si Codey. TEKA, BAKIT NGA BA??
Lumingon naman sya sakin.
Ano nga ba ulit ang sasabihin ko????
Nakatingin pa sila pareho sakin.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU (I.L.Y)
Fiksi RemajaY.O.L.O - You Only Live Once and I am making my Life the most out of it. NOW. I Love You (On going) Cover by: Guinevere June Author: IAmAyehn