Chapter 5: The New Kid

1.4K 45 3
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong panaginip lang 'yon. Pero masyadong malinaw ang lahat, masyadong detalyado ang mga pangyayari para maging isang panaginip.

Institute of Happy Thoughts, what a rather odd name for a place where broken people go, but I think oddness is the specialty of this place.

Ano ba kasi talaga ang lugar na ito? Ang alam ko lang nasa isang institusyon ako na humahawak sa mga kaso na tulad ng sa akin. I never bothered to ask kuya Jet about this place—on how he learned of it and from whom—because I never really cared, but now I'm curious; now I wanted to know.

Pero bago ang lahat, siguro ang dapat ko munang alamin ay kung saan ang canteen dito dahil nagugutom na ako. Kaya naman kahit gusto ko pang matulog ay pinilit ko nang bumangon para maghilamos, ngunit isang katok ang pumigil sa akin sa pagpunta sa banyo.

"Sino 'yan?"

"Denice ako 'to, si Rita. Puwede bang pumasok?" Ngunit hindi pa man ako nakaka-oo ay sumilip na ang ulo niya sa ginawa niyang uwang sa pinto. Napairap na lang ako. Sana hindi na siya nagpaalam kung ganoon din naman.

"Nasa loob na 'yong ulo mo alangan namang itaboy pa kita. Sige pasok. Ano'ng kailangan mo?"

Nakangiting tuluyan na siyang pumasok. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa mga ngiting hindi na yata nawawala sa labi ng mga tao rito. Parang lagi silang masaya, parang walang problema.

Malaya, 'yan ang salitang hinahanap ko.

Umupo siya sa gilid ng kama ko habang mataman lang na nakatitig sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata na ikinatawa lang nito.

"Gusto lang kitang kumustahin. Kumusta ang pagkikita n'yo ni Ms. Anna?"

"Ano sa tingin mo?"

Mas lumapad ang ngiti nito, pero bigla iyong nawala nang biglang kumunot ang noo ko. A thought came to mind.

"I'm curious. . ." I trailed. "How come you're here? Mukhang wala ka namang problema. Mukhang okay ka naman. Mukhang masaya ka naman. Hindi ka rin naman mukhang empleyado rito kasi parang halos magkasing-edad lang naman tayo. So how come you're here?"

Natigilan ito, 'tsaka ko lang na-realize na masyado yatang personal 'yong tanong ko. "I do not mean to pry," I added immediately. "Na-curious lang ako. You don't have to answer if you don't want to. It does not matter anyway." I feigned indifference. Inabala ko ang sarili ko sa pagtuloy sa banyo upang maghilamos na, just to prove my point. After a moment of silence she spoke. It halted whatever I was doing, soap in my face and all.

"Hindi lahat ng nakangiti masaya, Den. Katulad ng hindi lahat ng gusto pang magpatuloy sa buhay ay walang problema. Minsan kasi kailangan mo lang mamili. Life is a series of choices. You are what you chose to be."

My eyebrows knotted automatically. Hindi ko alam kung sinasagot niya ba talaga ang tanong ko o pinariringgan niya 'ko. Moreover, the last sentence, that hit a mark. If I am what I chose to be, then I'm nothing more but a mere sore in society.

Dammit! I shouldn't have asked. I just reminded myself of what I amnothing, a shell that is rotting in the inside.

Wala sa loob na nagpatuloy ako sa ginagawa kasi ayaw kong magkomento. Ayaw kong magbigay ng opinyon kasi baka kung saan kami makarating. Tila hindi naman nito naramdaman ang tensiyong bumalot sa akin. Nakangiti pa rin kasi ito paglabas ko.

"Gusto mo ng tour? I can show you around. Malaki ang lugar na ito baka maligaw ka kung balak mong maglibot mag-isa," bigla ay aya nito sa akin.

Sandali kong kinonsidera 'yong suhestiyon niya. Balak ko rin naman kasi talagang maglibot para kahit papaano ay mas madagdagan ang nalalaman ko sa lugar na ito, kaso nagdadalawang-isip ako considering na may kakaiba rito.

Institute of Happy Thoughts [1ST PLACE, NNWC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon