Nauulit na naman ang mga nangyari kagabi. Kahit ano'ng pilit ko puro closet at storage room na naman ang nabubuksan ko.
Ano na naman bang problema ng mga pinto na ito? Hindi ko naman iniisip umalis ah?
Dammit! I mumbled under my breath. Naiirita na 'ko at napapagod na rin. Must this always happen to me?
"Dammit!" bulalas din ni Kian nang subukan niyang buksan ang katabing pinto na binuksan ko.
Bumuntung-hininga ako. Kailangan kong kumalma para naman kahit papaano makapag-isip-isip ako nang matino. Ano nga bang sinabi ni Ms. Anna kagabi? These doors are magical. It will only lead me to the things I needed the most. Pero bakit ganoon? The thing I needed the most right now is to be alone in my room, and yet every door I opened led to nowhere. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hey!"
Hindi ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. Nakakahalata na 'ko e, puro Hey lang ang tawag niya sa akin. Kala mo naman kay hirap banggitin ng pangalan ko. Simpleng Den na lang kung nahahabaan na siya sa Denice okay na, pero wala, mas gusto niya ang Hey.
"Hey! Bingi ka ba? Tinatawag kita."
'Wag mo ng patulan, Den. Mag-isip ka na lang ng paraan para makaalis sa buwisit na pasilyong ito. Isipin mo na lang hindi mo siya kasama.
Nasaan na nga ba ako? Right, mag-isip ng paraan para makaalis sa parusang ito. Kung makiusap kaya ako sa mga pinto. Magical naman daw sila, baka maawa sa akin. Ang problema nga lang, baka husgahan ako ng lalaking 'to. Nasa itsura pa naman.
"Ano ba? Tinatawag kita." Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng atensiyon ko, pero patuloy lang ako sa paglalakad. Wala pa rin sana akong balak pansinin siya pero humarang na siya sa harapan ko.
"Ano bang problema mo?" inis na hasik ko sa kanya.
"Puwede bang magpahinga naman muna tayo? Hindi ka ba napapagod? Kanina pa tayo lakad nang lakad. Uhaw na uhaw na rin ako at kung hindi mo naitatanong nagugutom na 'ko dahil hindi pa 'ko nag-aalmusal!" reklamo niya.
"At kasalanan kong nag-iinarte ka kanina?" Natatandaan ko pa ilang beses siya niyayang kumain ni Rita pero akala mo hindi niya naririnig. O 'di 'yan ngayon, magtiis siya. Nilampasan ko siya para simulang maglakad ulit pero hindi mawaglit sa isip ko 'yong hapis sa mukha niya, kaya naman huminto na rin ako at sumalampak sa sahig para magpahinga, hindi lang dahil nakakaawa na siyang tingnan kundi dahil sa napapagod na rin ako. Pero. . . nakakaawa na nga talaga siyang tingnan. Mukhang nanghihina na nga ito dahil sa gutom. Wala naman akong maibibigay rito kahit tubig man lang, hindi naman kasi ako girls scout na laging handa.
"Thank you," anito at sumandal sa pinto, pero dahil bukas 'yon ay muntik na siyang matumba. Dahil sa gulat ay napatayo ako para tumulong, buti na lang at mabilis din ang reflexes nito. Napahawak kasi ito agad sa hamba ng pintuan para pigilan ang pagbagsak niya. I let out a sigh of relief. That was close.
Kitang-kita ko ang inis sa mukha niya, ngunit hindi lang 'yon ang nakakuha ng atensiyon ko kundi kung ano ang nasa likuran niya. Nilampasan ko siya at tuluyang pumasok sa loob. The open door led to this room. It looked like a recreational room, complete with table with magazines and books. There were also water and biscuits at the side, but what really caught my attention were the reclining chairs I was just imagining a moment ago.
So, it's true. These doors lead to what you need most. Pero bakit hindi 'yon gumana kanina?
Dumiretso ako sa reclining chair at umupo. I closed my eyes and savored the softness of the seat. Ahhh! This is life.
BINABASA MO ANG
Institute of Happy Thoughts [1ST PLACE, NNWC]
Fantasy#PNYBattle2 1st place winner. Special award includes: Most Loved, Publish-Worthy and Most Memorable ---- To learn the value of life one must first learn what death is, but what if that's what Denice ever wanted? Due to a series of failed suicide att...