When I woke up the next morning, mukha ni Kian agad ang nabungaran ko. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.
"She's awake," he announced. The most unexpected sight greeted me. Nag-aalalang mukha ng mga kapatid ko ang tumanghod sa akin. I missed them so much, bigla na lang akong napabangon upang yakapin sila.
"I love you." I mumbled in their ears.
Bumitaw sila sa pagkakayakap sa akin.
"You're back," kuya Jet mumbled as he messed my hair.
Ate Mela held my face and hugged me again. She was so happy to say even a word.
"Bakit pala kayo nandito?" nagtatakang tanong ko maya-maya.
"I called them," mula sa kama ni Kian ay tumayo si Ms. Anna. Sa likod nito si Rita. "Tinawag ko sila para sunduin ka. Makakalabas na kayo ni Kian. You are done with all your lessons. Big Boss also gave His permission. You've learned what you can in here. Everything else is up to you. Out there in the real world are more lessons. You have to learn them one by one. Remember, no short cuts, Den. You came here lost, and now you are found."
Mula sa likod ni Ms. Anna ay lumapit si Rita sa akin at yumakap. "Mami-miss kita. Salamat sa lahat."
"No," I shook my head. "Thank you."
Nang kumalas ito at umalis sa harap ko, nakangiting mukha naman ni Kian ang pumalit dito. "Thank you for everything, Den."
'Tsaka ko lang naalala ang mga nangyari. "W-what happened? Kumusta na ang pakiramdam mo? Are you still gonna die?" Kinapkap ko ang mukha niya upang humanap ng kahit anong galos or kahit anong senyales na may nararamdaman siyang hindi maganda.
When Kian shook his head the relief I felt was too overwhelming that I didn't notice I was crying.
"Bakit ka umiiyak?" natatawang tanong nito habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Masaya lang ako."
Huminto ito sa pagpunas sa luha ko at mahigpit akong niyakap. Naramdaman ko rin ang paghalik nito sa ulo ko, sa noo, sa tungki ng ilong ko at sa labi.
I was having the time of my life when a clearing of throat brought us back to reality. 'Tsaka ko lang naalala na may mga tao sa paligid. It was kuya Jet who cleared his throat. Ipinalibot nito ang kamay sa balikat ni Kian.
"May basbas ka man sa akin. Tandaan mo, 'pag 'yan sinaktan mo. Babalatan kita ng buhay, at hindi ako nagbibiro, Kiro."
"Kian, po."
Isang masigabong tawanan ang pinagsaluhan namin dahil sa dalawang lalaking ito sa buhay ko.
---¦---
"Thank you for everything, Ms. Anna. Thank you for all your help and for not giving up on us. Mami-miss kong talaga ang lugar na ito."
"Ako rin," Kian said as he squished my hand. "Maraming salamat sa lahat ng tulong n'yo sa amin."
Bumitaw ako kay Kian at lumapit kay Ms. Anna upang yumakap dito. Hindi ko alam na mahihirapan akong lisanin ang lugar na ito at magpaalam sa mga taong nakasama ko.
"Babalik po ako rito, dadalaw-dalawin ko po kayo," I whispered.
Bumitaw ito sa pagkakayakap ko at tiningnan akong mabuti. "It doesn't work that way, Hija. We have helped you. We've done our job. There is no point in coming back. Go on with your life and live. Do not look back, just always move forward. That's the best way you could repay us."
"Pero . . ." Malungkot itong ngumiti at mahinang umiling. I sighed. "I understand," malungkot akong lumayo at bumalik sa gilid ni Kian.
"Goodbye," paalam nito sa amin.
"Goodbye, Ms. Anna," sabay naman naming paalam ni Kian.
With heavy steps, we walked away. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang hindi ko na matiis ang hindi lumingon. I turned back, but all I saw was an empty field and nothing more. Nagkatinginan kami ni Kian.
"Let's go," aya nito maya-maya sa akin. Nagsimula na itong maglakad muli, pero napahinto rin ito mga ilang hakbang mula sa akin dahil hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Marahan nitong pinisil ang aking palad.
Napupuno ng kalungkutan ang puso ko habang lalo kong pinagmamasdan ang bakanteng lote sa aking harapan. Pilit itinatanggi ng aking isip na maaaring hindi ko na muling makita pa ang lugar na puno ng mga aral at alaala.
Isang malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa aking pisngi, napapikit ako. Tila bumubulong ang hangin; bumubulong ng mga pangako ng posibilidad ng hinaharap. Napangiti ako.
I turned to Kian and nodded. "Let's go."
No looking back.
Hindi ko malilimutan ang lugar na iyon. Ang lugar na bumago sa mga pananaw ko sa buhay. Ang lugar na nagbalik ng kislap sa aking mga mata at ngiti sa aking labi. Ang lugar kung saan nakita kong muli ang aking sarili.
Institute of Happy Thoughts.
The end.
BINABASA MO ANG
Institute of Happy Thoughts [1ST PLACE, NNWC]
Fantasy#PNYBattle2 1st place winner. Special award includes: Most Loved, Publish-Worthy and Most Memorable ---- To learn the value of life one must first learn what death is, but what if that's what Denice ever wanted? Due to a series of failed suicide att...