"Whoa!" Kian exclaimed upon entering the room. Hindi ko siya masisi sa naging reaksiyon niya kasi maging ako nagulat sa nabungaran namin. This was not what I expected. Iniisip ko isang simpleng silid lang na walang laman ang tinutukoy ni Ms. Anna na activity center para makakilos kami nang malaya sa kung ano mang aktibidades ang gagawin, pero parang isang grand hall ng isang malaking palasyo ang tumambad sa amin. Napakataas ng kisame at napakintab ng marmol na sahig. Ang mga tao ay pangkat-pangkat na nakakumpol sa sahig. Maliban sa canteen, ito na yata ang lugar na nakita ko sa buong institusyon na maraming tao.
"Den! Kian!" Mula sa isang kumpol ay tumayo si Rita na nakataas ang kamay. "Dito na kayo sa amin sumama."
Tumingin ako kay Ms. Anna upang humingi ng permiso. Ngumiti naman ito at tumango.
"Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko kay Rita pagkaupo ko sa tabi niya. Si Kian ay umupo naman sa tabi ko. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga taong nakakumpol sa bilog namin. Ang iba sa kanila ay nginitian ako, ang iba naman ay dedma lang. Nakakapanibago.
"Manonood tayo," simpleng sagot niya.
"Like film showing? Bakit kailangan nakagrupo pa?" singit ni Kian.
"Ganito kasi 'yan, panunuorin natin 'yong mga nakaraan natin. Mga alaala ng kahapong gusto na nating takasan. Mga parte ng nakaraang gusto na nating ibaon sa limot. O simpleng alaala lang na hindi mo malimutan. Isa-isa pero random. The rule is you never talk of what you saw."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What for? Isn't it torture to display the very thing you wanted to hide?"
"You're wrong. You see, our memories are what made us who we are. It is the mold that shaped our being."
"Don't you mean, it's what made us broken—the rock that smashed us into pieces? In all of our cases, anyway."
"Poor girl." Isang ngiti ang binigay nito sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang simpatya. "Hindi ka makakatakas sa nakaraan kung patuloy mo lang iyong iiwasan. Dapat matutunan mong harapin ang mga bagay na pilit mong tinatakbuhan upang makalaya ka mula rito. Kung kailangang paulit-ulit mo itong harapin upang balang araw hindi ka na matakot, gawin mo. Para isang araw masabi mo na lang sa sarili mong okay ka na, na hindi ka na muling sisirain ng mga alaalang iyon. 'Wag mong hayaang lamunin ka ng nakaraan, kasi kung hahayaan mo baka balang araw lunurin ka ng takot at hindi ka na makaahon. Habang maaga matuto kang lumangoy kasabay ng agos."
Tila nakagat ko ang dila ko, hindi ako makasagot.
"Bakit kailangan marami tayo?" tanong ni Kian sa tanong na nasa isip ko rin.
"Dahil, Kian, may mga bagay na hindi mo kailangang harapin mag-isa. Minsan kailangan may kasama ka, nakadaragdag kasi iyon ng lakas ng loob, at kung hindi mo na kaya alam mong may masasandalan ka. Isa pa, the best way to know someone is to know what he or she had been through, to delve into his or her core where they hide themselves. The best way to know people is to know what broke them and the things they did to put themselves back together."
"So . . . manonood lang talaga tayo?" hindi pa rin siguradong tanong ko.
"Kung handa ka na, puwede kang magkuwento; puwede mong ipaliwanag. Minsan kasi hindi sapat na napapanood lang."
Pagkasabi niya'y biglang nagliwanag ang sahig sa gitna ng bilog, hudyat ng pagsisimula ng palabas. "Start na."
Pigil ang hiningang hinintay ko ang mga mangyayari.
Mula sa liwanag ay lumabas ang imahe ng isang matandang lalaki na nasa sala ng isang maliit na bahay. Malungkot ang mata nito habang bitbit ang isang malaking bag. Lumapit ito at malungkot na ngumiti.
"Paalam anak," tila may bara sa lalamunang sambit nito sa dalawang salita.
Pagkabigkas ng paalam ng matanda ay isang singhap ang narinig namin sa gilid. The girl beside Kian was on tears and yet she was smiling. The image paused with the man smiling sadly.
"Natatandaan ko 'to. Isa itong mahalagang parte ng nakaraan ko." Isa-isa niya kaming tiningnan. Hindi siya mukhang malungkot, tila natutuwa pa itong mapanood muli ang parteng ito ng kanyang buhay. "This was after my parents got into a fight that almost broke their marriage. My father said goodbye because he thought he was never going to see me again. I remembered saying to him, 'Sa'n ka pupunta? Paano na 'yung gift ko sa birthday ko?'
Hindi ko 'to malimutan kasi it reminded me that I was once so innocent, that I almost lost a father and here I was thinking of material things. It reminded me of what I have and what I had almost lost. Taught me to appreciate everything I have."
Natuwa ako sa istorya niya. Hindi ko nga napansin na napapangiti na 'ko at kahit papaano ay gumagaan na rin ang pakiramdam ko. Ibinalik ko ang mata ko sa imahe sa harap.
Pagkatapos niyang magkuwento ay nagsimula na ulit gumalaw ang mga imahe. Iba't ibang scene ang ipinakita nito sa amin, pero wala ng nagsalita pa. Mabibigat ang mga sumunod na ipinakita ng liwanag, pero may iilan ding magaan lang. Once, I found my throat clogged and my stomach twisting into a knot. Sometimes I'll find myself smiling and the next covering my eyes. Minsan sobrang grabe no'ng mga scenes, hindi ko maapuhap kung paanong natiis 'yon ng kung kanino mang nakaraan ang ipinapakita. It was too painful and too extreme to think someone could survived it, and yet somehow he or she did. Whoever that was earned my respect.
Habang tumatagal mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Habang tumatagal lumalaki ang chance na ang nakaraan ko na ang ipapakita.
Then, the most dreaded scene appeared before me—his daunting face, his bloodcurdling grin. Dammit! I could feel his hands on me as if he was here in this very room . . . at this very moment. I could sense his thirst, his lust, his hunger for my body. The way his eyes moved, I knew he was watching me at that particular scene. I could still recall his smell, the rough floor under me, and the pain in my body.
Make it stop. Make it go faster. Just fucking end it.
Gusto kong pumikit. Gusto kong tumayo at tumakbo. Gusto kong magtago at lumayo, pero parang isang matibay na pandikit ang palabas na unti-unting pumupunit sa aking pagkatao. Hindi man pinapakita kung anong ginagawa sa akin ng hayop na 'yon, sa isip ko paulit-ulit kong nakikita ang mga pambababoy na ginawa niya sa akin. Sa isip ko, malinaw pa sa katotohanan na kahit kailan hindi na mawawala ang ginawa niyang pagdungis sa aking pagkatao.
I wasn't even aware I was shaking. I wasn't aware of the pain in my hands, as my nails cut deep in my skin as I balled my fist. I wasn't aware of anything at all.
Tiisin mo Den, unting tiis na lang. Matatapos din 'yan.
It didn't. It felt as if forever had passed by and yet here I was still watching the tortures this monster had made me go through. Contrary to their belief, it didn't help at all. If anything, it just fueled my hatred, my desire to end everything.
"Hey!"
Dahan-dahan kong nilingon si Kian.
"Are you alright?" he whispered softly against my ears. He was careful not to get anyone's attention, but I guess that wasn't even a problem because they were all engrossed in watching the show.
Napakurap ako at kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang pagbagsak ng mga luha ko. Nanlalabo man ang aking paningin, kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni Kian at ang pagkalito nito sa dapat gawin. Kahit ako nalilito rin, hindi ko alam kung anong punas ba ang gagawin ko sa pisngi ko nang walang nakahahalata. I do not want them to know, I do not want them to pity me. I had enough share of sympathetic glances to last me a lifetime.
Yumuko ako upang magtago ng mukha, lalo na sa mga tao sa harapan ko . . . nang bigla na lang may tumaklob sa ulo ko. Nang tingnan ko ang bagay na iyon ay nagulat akong makitang iyon ang suot na jacket ni Kian.
"Suotin mo," utos nito nang silipin ko siya. "Hindi ka ba nilalamig? Ang nipis ng suot mong damit." He gave me a serious look, conveying to me an entirely different message with his eyes.
Pasimple akong nagpunas ng mukha nang kunin ko sa ulo ko ang jacket niya. Pagbalik ko ng tingin ko sa liwanag iba na ang ipinapakita.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para mapaluwag ang masikip ko pa ring dibdib. I was just glad it was over.
BINABASA MO ANG
Institute of Happy Thoughts [1ST PLACE, NNWC]
Fantasy#PNYBattle2 1st place winner. Special award includes: Most Loved, Publish-Worthy and Most Memorable ---- To learn the value of life one must first learn what death is, but what if that's what Denice ever wanted? Due to a series of failed suicide att...