Pagtalon namin ay kasabay ng pagkawala ng lahat ng sakit na nararamdaman ko sa katawan. Nanlalaki ang mga mata ay napalingon ako pabalik sa kama ko. It was there, unscathed. Napatingin din ako sa kamay ko, ni kahit anong galos wala roon.
"What the hell?" I muttered in disbelief.
"Okay ka lang?"
"Y-yes," I answered still a bit rattled. Umupo ako sa kama nito. Being alright doesn't change the fact that fire is the thing I feared the most.
"Takot ka ba sa apoy?" anito bigla. Napatingala ako sa kanya.
"Bakit mo natanong?"
"Hula ko lang. You see, I hate secluded places. No'ng mahawakan ko 'yong harang kanina, I thought nasa loob ako ng isang box. I just thought that this room just showed us what we feared the most."
Gusto kong matawa. Another of Ms. Anna's lesson I bet.
"Anyway, thank you for trusting me. I guessed that's asking a lot from you and yet you did. Thank you," he smiled.
Nahawa ako sa ngiti niya. "Thank you for saving me. Kahit mahirap para sa 'yo ang paniwalaan ang bagay na hindi mo nakikita." Dahil bigla akong na-awkward sa ngiti niya ay nag-iwas ako ng tingin at nahagip noon ang palakol na nasa sahig. "Wait, saan mo nakuha ang palakol na 'yan?"
"Iyan ba? Sabi mo 'di ba, ibibigay ng mga pinto ang mga bagay na kailangan mo. So, lumabas ako at pumasok sa isa sa mga pinto at nakita ko 'yan sa loob."
"Pero paano?"
"Anong paano? Inisip ko lang tulad ng sabi mo."
"What I meant is, hindi mo 'ko kasama. Paano ka nakalabas ng kuwarto natin?"
Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. Siguro ngayon lang din nito na-realize ang nangyari.
"Yes, that's right." Mula sa pinto ay pumasok si Ms. Anna. "The trust you placed in each other collapsed the bond I put in you. You two did a great job." Mababakas ang galak sa mukha nito.
Napatayo ako. "All of that just for your lesson? What if I died?"
"You won't. And it is not just a lesson, Den. You should have known by now the importance of the things I'm—no, rather, the institute—is instilling in you. Those are life lessons. Those are lessons created to help you, not me, not anyone, but you."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, because again, she was right.
"You may return to your sleep." Bumukas ang bibig ko maging ni Kian para magprotesta, pero naunahan na kami nito. "Don't worry. No more fire and seclusion for tonight, just a good night sleep."
How can she expect us to have a good night sleep after everything we've been through? Nagpapatawa ba siya?
Pero huli na nang makita ko ang paglapat ng mga kamay niya sa balikat ko. The chill that seemed to almost always take my strength away, went through my body again. Tiredness took over my being, and my eyelids fought to close.
I fell asleep.
---¦---
Umaga na nang magising akong muli, at kahit nakakainis ang ginawa ni Ms. Anna ay natuwa naman ako dahil naging masarap ang tulog ko. It was one of those rare sleeps without any of my usual nightmares.
Bumangon na 'ko upang mag-ayos nang mapansin kong wala ng laman ang higaan ni Kian. Maaga sigurong nagising ang lalaking iyon. Tiningnan ko ang orasan na nasa pader, alas otso pa lang naman, maaga pa kung tutuusin pero gusto ko na munang maligo. Nanglalagkit na 'ko at ngayon ko lang naalala na dahil sa rami ng mga nangyari kahapon ay nakalimutan ko pa lang maligo. Nakakahiya naman.
BINABASA MO ANG
Institute of Happy Thoughts [1ST PLACE, NNWC]
Fantasía#PNYBattle2 1st place winner. Special award includes: Most Loved, Publish-Worthy and Most Memorable ---- To learn the value of life one must first learn what death is, but what if that's what Denice ever wanted? Due to a series of failed suicide att...