❤YukiKonPretty❤
🐰🐰🐰🐰🐰
Nagising ako dahil sa
boses ni Mama.Sumisigaw sya sa labas ng pintuan ng kwarto ko habang kumakatok.
"Anak, gising na, male-late ka na sa klase mo".
Nag-unat muna ako ng braso bago sumagot.
'Opo Ma! Ito na po, maliligo na". Kahit ang totoo ay hindi pa. Hihi!
Dali-dali akong bumangon at inayos ang kama ko.
Hindi kasi ako sanay umalis ng bahay ng hindi maayos ang higaan ko.
Ayaw ko ng magulo ang mga gamit ko.
Gusto ko laging nasa ayos. Kaya laging naaasar sa akin ang mga kaklase ko.
Bakit?
Dahil hindi ako nagpapahiram ng gamit ng basta-basta lang.
May kondisyon akong ibinibigay sa kanila, bago ko ipahiram ang gamit ko.
Gusto ko, kong ano ang hitsura ng gamit ko nong hiniram nila, ganun din dapat nila ibalik.
Knowing them, my classmates, napakaburara nila sa gamit. Tsk. Tapos sila pa galit kapag hindi mo pinahiram. Aminin nyo, nakakarelate yong iba dyan sa inyo.
Anyway, I am Yukikon Cross Whirlwind.
Ang weird ng pangalan ko no, wag nyo na lang pansinin. May pagkawerdo din ang nagbigay ng pangalan ko. 16 years old, graduating in high school. Hindi ako matangkad, pero bawing-bawi sa ganda ang kinulang kong 'tangkad'. Wag na kayo kumuntra. ^_^. Suportahan nyo na lang ako.
Nag-aaral ako sa 'Handsome National High School'. Yup! Tama ang nababasa nyo, at hindi kayo namamalikmata lang. Kaya kahit ilang beses kayong kumurap , hindi na magbabago yan hahaha. Lol ^_^. Pero totoo, ang dami talagang gwapo sa paaralang pinapasukan ko. At makikilala nyo yong iba mamaya. At dahil dyan kailangan ko ng kumilos para maligo dahil baka malate na talaga ako ng tuluyan. Ciao <3.
At ang isa pa pala na dapat nyong malaman about me, hindi ako pumapasok sa school ng hindi dala ang pinakamamahal kong cellphone. Mahilig kasi akong magtext. At lagi akong nag papadala ng 'group messages' :-). Kagaya ngayon, male-late na nga nagawa ko pang mag GM.
'Hello, mga magaganda at mga gwapo kong kaibigan, good morning, magandang umaga, maayong buntag, at kong ano pa mang linggwahe ang alam nyo. Lagi kayong mag iingat. And dont forget to Thank Him, for everything.
Love Yuki ❤
Send to:
Liza, Ginny, Mark, Jason, Ann, Leah, Ross, Glenn. And many more!
Pagkatapos kong i-send yon nilagay ko na sa bag, yong cellphone ko. At nagsimula ng maglakad. Medyo malapit lang kasi sa bahay namin yong school ko. Pwede lang syang lakarin. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad.
Tumunog bigla yong phone ko. Kyaah! May nagreply sa GM ko. Hmmm.. Excited kong binuksan yong nag-iisang text message na nareceive ko. Only to find out, na hindi naman pala galing sa mga friends ko. Hindi kasi nakasave sa cp ko yong number nya. Pero kahit ganun binasa ko pa rin.
Hmmmpp" ang werdo din nong nagtext. Ang haba ng spacing nya, kaya scroll down, isa pang scroll down. Kainis. Tapos yong nakalagay na mensahe,
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
I love you, baby ko ❤❤❤
Hala! Na-wrong send yata si Ate/kuya. Nireplayan ko sya.
To: 0999*******
"Kuya/ate, wrong send ka po. Hindi mo po ako baby haha ☺.
From: Love Yuki ❤
Yaahh! Ganyan ako, laging may 'Love Yuki' sa huli. ^_^ peace! ✌ Heart, heart ko kayo ❤❤❤
🐰🐰🐰🐰🐰
Otap Note: Sana magustuhan nyo to. Haha ^_^. Pagpasensyahan nyo na ang mga typos ko. Slow update din. Thank you in advance <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
Sweet Messages From: Someone I Know?
Teen FictionThis will be a short story, I guess. Haha ^_^. Date started: November 17, 2016 Date Finished: *****