❤SMFSIK❤ Surprise

90 11 0
                                    



❤Yuki❤


🐰🐰🐰🐰🐰



Patingin-tingin ako sa may bukana ng gate. Inaabangan ko kong darating ba sila Tito Kiel at Tita Angelie. Sana naman hindi nila biguin si Liza. Lord make them come to my bestfriend  graduation. Please!.





Napatalon ako sa saya ng matanaw ko sila Tito at Tita at kasama pa si Neo! Nagpaalam ako saglit kay Liz na magsi-Cr muna ako. Tumango lang siya sa akin. Pero ang totoo sasalubingin ko lang sila Tito at Tita.







"Tito Kiel dito po. Sigaw ko sa kanila kasabay ng pagkaway ng kamay ko. Bahagya na kasi akong makasingit sa dami ng tao. Agad akong nilapitan nila Tito, tita at Neo.


Nang makalapit na sila ng tuluyan sa kinaroroonan ko ay hinalikan ako nina Tito at Tita sa pisngi ko. Si Neo naman ay nginitian lang ako at binati. Inaya ko na sila sa itaas. Doon kasi kami nakaupo. Habang si Liz naman ay walang kamalay-malay sa surpresang dala-dala ko. Tiyak na magiging lubos na ang kanyang kasiyahan. At sana lang tuluyan na silang magkaayos.



Palihim kong sinenyasan sila Tito na huwag maingay ng tuluyan na kaming makalapit kay Liza. Samantalang nanlalaki naman ang mga nina Ross at Anne ng mapansin nila kong sino ang mga kasama ko. Sinenyasan ko din sila na tumahimik. Mukhang nakuha naman agad nila ang ibig kong sabihin. Alam na din kasi nila na hindi rin maganda ang pakikitungo ng mga magulang ni Liz sa kanya.














Kinuhit ko si Liz.




"Ahmm Liz, may itatanong ako sayo. Gusto mo bang makita Mommy at Daddy mo?



"Oo naman. Sino ba ang ayaw makita ang mga magulang sa araw ng pagtatapos nila diba? Pero alam ko naman na hindi sila makakapunta eh. Lagi naman kasi silang busy sa mga negosyo nila. Sana nga kahit si kuya Neo man lang makapunta. Kaya lang panigurado hindi yon pupunta. Lagi ko kayang inaaway yon.  Pero alam mo sa totoo lang kaya ko yon ginagawa kasi gusto ko lang makuha yong atensyon nya. Sila mommy at Daddy kasi laging wala. Si kuya Neo lang ang lagi kong nakakasama sa bahay. Kaya sya ang kinukulit ko. Ay hindi pala, ginagalit ko sya. Para mapansin nya ako.




Mahaba niyang sagot sa akin, sabay  natawa siya ng pagak. At ng mapatingin ako sa likuran nya kong saan nakatayo ang mga magulang nya, napansin kong nagpapahid ng luha si Tita Angelie. Siguro hindi napigilan ni tita yong emosyon nya dahil na rin sa mga narinig nito. Si Neo, ayon nakayuko lang sya. Si tito malungkot ang mukha nya. Tingin ko narealize na nila yong pagkukulang nila kay Liz.


'hmmm. Bestfriend taray, paano ba yan may surprise ako sayo. Huwag kang iiyak ha. Kapag umiyak ka, ililibre mo ko sa  Mcdo sa loob ng isang taon. Bulong ko sa kanya. Nanlaki naman agad ang mga niya. Natawa na lang ako. "Liz, lingon ka sa may likuran mo, now na! Sabi ko ulit. Na agad naman niyang ginawa. Halos lumuwa na ang mga matang  singkit ni Liz dahil sa pagkagulat. Maya-maya lang ay umiiyak na sya. Geez! Nakakaloka talaga ang babaeng to, sinabi na huwag iiyak eh. " Diba sabi ko sayo kanina darating sila. Hindi ka nila matitiis. Kaya be happy na. O sya iwan ko muna kayo. Hahayaan ko kayong mag moment. Enjoy! And dont forget my One year supply of chi-chi-ken Mcdo. Narinig ko silang nagtawanan dahil sa sinabi ko. Ginaya ko kasi yong pagkakasabi nong commercial. Haha ^_^.






Ang sarap sa pakiramdam ng nakakatulong sa kapwa.





*******
Hello sa inyo! Meron pa bang nagbabasa nito? Haha! Sorry po kong ang tagal ng update tapos ang iksi pa. Bawi nalang ako sa susunod. Thank you! Muah <3<3

Ps: unedited

Sweet Messages From: Someone I Know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon