[Yuki]
Naghanda na ako para sa pag-alis namin mamayang gabi. Mabuti na yong walang makalimutan diba?
Pero naiinis pa rin ako kay C hanggang ngayon.
Pero kahit naiinis ako, tinawagan ko ulit sya. Namimis ko na eh. Habang nakadikit ang cellphone ko sa kaliwang tainga ay tila may naririnig akong nagriring. Tss Yuki, talagang maririnig mo yong pag ri-ring ng cellphone dahil nakadikit sa tenga mo. Tsk! Nakakabobo lang. Pero hindi eh. Para makasiguro na hindi ko lang guni-guni iyon ay lumabas ako ng kwarto at sinundan ang tunog na naririnig ko, habang inire-redial ko ang pagtawag kay C. Hindi ko sya titigilan hanggat hindi nya sinasagot hmmp. Nakarating ako sa kwarto ni Neo dahil doon nanggagaling ang tunog. Nakaawang ang pinto kaya sumilip ako kong naroon sya. Hmm mukhang wala. Kaya naman tuluyan na akong pumasok sa loob. Dinampot ko yong nag-iingay niyang cellphone.
Napakurap-kurap ako. Baka sakaling mali lang ang nakikita ng mga mata ko. Papaanong sya ang tinatawagan ko kong number ni C ang idinayal ko. At sa pagkakatanda ko hindi ko alam ang number ni Neo.
No, it can't be! Hindi sya si C. Hindi, manloloko ang kilala kong Neo.
Hindi nga ba? Sarkastikong ani ng kontrabidang side ko. Hindi ko pa talaga ganoon kakilala si Neo. Naiinis ako sa nalaman ko.
"What are you doing here in my room Yuki?
Nabitawan ko ang cellphone ng marinig ko ang boses niya. Shoot!
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Only to find out na nakatapis lang sya ng tuwalya. Tanging private part nya lang talaga ang tinakpan. Napatitig ako sa bandang tiyan niya. Oh lala, shoot daming abs besh. Pengeng kanin please! Nakalimutan kong galit pala ako sa kanya.
"Yuki? Are you okay? He asked.
Napasimangot ako ng maalala ang nalaman ko.
"No, I'm not okay. In fact I'm mad right now. And it is because of you Cedric!" Talagang idiniin ko yong pangalang ginamit niya bago ako nagdadabog na lumabas ng kwarto nito.
〽〽〽〽〽
[Neo/Cedric]
Shit! Paanong nalaman nya na ako si Cedric! Napatingin ako sa sahig. Naroon ang cellphone ko. Dinampot ko ito at tiningnan. Shit! Ten miscalls from her. Kaya naman pala. Ang tanga mo.
Nagmamadali akong nagbihis upang makapagpaliwanag kay Yuki. Kong bakit ko nagawang magsinungaling sa kanya. Ang torpe mo kasi! Tudyo ng kabilang bahagi ng utak ko. I know. Parang tangang sang ayon ko.
Lumabas ako ng kwarto upang puntahan si Yuki. Pagkarating ko sa tapat ng kanyang kwarto ay nagdadalawang isip ako kung kakatok ba o umatras na lang.
"You can do it kuya."
Nanigas ako mula sa narinig kay Liza.
"Paanong? Nalilito kong tanong sa kanya.
"Paano ko nalaman? Naalala mo 'nong nanghiram ako sayo ng cellphone kasi may importante akong tatawagan?
BINABASA MO ANG
Sweet Messages From: Someone I Know?
Teen FictionThis will be a short story, I guess. Haha ^_^. Date started: November 17, 2016 Date Finished: *****