"Whoa, ang lamig talaga dito sa Baguio" nakataas ang kamay sa ire na sigaw ko. Kailangan ko ng makapal na makapal na jacket para hindi ako masyadong lamigin. Napakislot ako ng may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay si Neo sungit lang pala na may bitbit na tray na naglalaman ng tsaa, kape, at gatas.
"What do you want coffee, tea, or milk? Tanong nito.
"Milk na lang. Salamat" Napangiti ako ng ilapag niya ito sa mismong harap ko bago umalis. Narinig ko pa ang sinabi niyang "Enjoy your milk". Waah kinikilig ako. Dinampot ko ito at tinikman. Hmmm ang sarap!
"hoy!
Shet na malagkit, naibuga ko ang gatas na iniinom ko ng biglang may sumigaw mula sa likuran ko. Arghhh ang aga-aga panira ng mood ang baklitang Ross na ito. Binalingan ko siya at binigyan ng nakamamatay na tingin.
"Bakit ka ba nanggugulat? Bulyaw ko. Kainis, ang sakit ng ilong at lalamunan ko.
"Sorry naman! Nakasimangot na paumanhin nito. Bago ako nilayasan. Tsk! Ipinagpatuloy ko na lamang ang pag inom ng gatas. Tiningnan ko na rin ang itinerary namin ngayong araw kong alin ang unang tourist spot na pupuntahan dito sa Baguio. Hmmm Mines View Park, excited na ako.
🎀🎀🎀🎀🎀
Nang makarating kami sa MVP, natuwa ako ng sobra. Ang ganda ng tanawin sa ibaba at maging sa buong paligid. Nagpapicture rin kami ni Neo na nakasuot ng pang Igorot na kasuotan, mabuti na lang at game si Neo hihi. ☺
Ang sunod na aming pinuntahan ay ang The Mansion, and then Burnham Park and last the Session Road. Gustuhin man naming libutin ang iba pang sikat na tourist spot sa Baguio ay kulang na kulang kami sa oras. 3 days lang pala kami. Aissh, bat kasi may pasok pa si Neo.
Pagkatapos naming maggala ay bumalik kami sa Hotel at nagpahinga. Nasa lanai ako at ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin ng baguio. Napatingin ako sa cellphone ko. Bigla kong naalala si Cedric. Maitext nga, ang tagal ko ng hindi nakakatext ang isang yon. Or better yet, tawag na lang. Tama! Hihi! Para surprise, aba first time na ako ang tatawag sa kanya.
Calling
0999*******
Kainis, bakit kaya hindi sinasagot ni C, ang tawag ko. I-dinial ko ulit ang number nito, pero ganoon pa rin patuloy lang sa pagri-ring. Hmmp kung ayaw nyang sagutin e di h'wag! As if naman! Pero waahh nakakainis, gusto kong marinig ang boses nya, namimis ko na ang tawa at kakulitan niya.
Nagdadabog na pumasok ako sa nakalaang kwarto para sa akin.
Samantalang nakahinga naman ng maluwag si Neo ng tumigil ang pagtawag sa kanya ni Yuki.
I'm sorry Kiyu ko, hindi pa ako handang umamin sayo. Sana lang mapatawad mo'ko sa pagsisinungaling ko.
🐰🐰🐰🐰
#Unedited
#superDuperShortAndSlowUpdate 🐢🐢🐢
BINABASA MO ANG
Sweet Messages From: Someone I Know?
Teen FictionThis will be a short story, I guess. Haha ^_^. Date started: November 17, 2016 Date Finished: *****