Chapter 7 ( InLab? )

10 0 0
                                    

Stacey's POV

"Hoy Joshua. Makakalabas pa ba tayo dito? Natatakot na ako eh."

"Wag ka ngang OA diyan. Makakalabas din tayo bukas ng umaga. Tsaka bakit ka naman natatakot?"

"Sabi mo kasi ma multo eh!"

"Tumahimik ka na lang diyan at maghanap ka ng flashlight sa cabinets. Alam ko meron diyan."

Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit madilim, kita ko parin yung smirk sa mukha niya. Sarap tirisin ng lalaking to. -_-
Nanghalungkat ako sa cabinet para maghanap ng flashlight and gladly I found one.

"May ilaw na tayo."

"Edi matulog kana. Matutulog na din ako."

Nag sigh ako nang biglang may bumagsak na kung ano galing sa taas ng shelf. Box na puno ng books. Sa sobrang takot at gulat ko, napa takbo ako kay Joshua at nagtago sa likod niya.

"Hoy! Ano ba Stacey!"

"M-may m-multoo!"

"Anong multo? Eh mga daga lang naman yun eh. Matulog ka na nga doon sa ibang sulok. Ayokong maka tabi ka.''

Tinignan ko ulit siya ng masama at tumayo na ulit at lumakad papalayo. Umupo ako sa sulok malapit sa desk ng teacher habang si Joshua nasa huling sulok ng room. Tapos may biglang kumalabog ulit na malakas galing sa labas. Napa sigaw naman ako at napalundag sa kinauupuan ko. Nakita ko ding nagulat si Joshua at lumapit sakin.

"Panget, tabi na lang tayo."

"Ayoko nga! Akala ko ba hindi ka takot?"

"May sinabi ba ako? Basta tabi tayo."

Umupo naman siya sa place ko. Argh! Sabi pa nga niya ayaw niya akong katabi tapos ngayon gustong gusto nang tumabi sakin? Well, takot din ako and I need some protection kung aatake yung mumu samin.

So, no choice ako. Umupo na lang din ako sa tabi niya. Awkward! >.< Lupa kainin mo na ako pleaseee!

"Goodnight panget."

"Ewan ko sayo."

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako, kami pala. Ang himbing ng tulog ni Joshua. Ngayon ko lang na realize na cute pala siya pag natutulog noh. At.. Nakakapit siya sa braso ko habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ko. Bakit ngayon ko lang napansin yun?

Iaalis ko sana yung kamay niya kaso mas humigpit pa yung pagka hawak niya. Bitaw kana pleasee.

"Don't leave me please. Please stay. Stay with me please."

Sabi ni Joshua na nananaginip. Ang cute niya managinip. Para siyang bata. Wait, what?

"Okay. I'll stay. I won't leave, I swear."

"Love you mommy."

Mommy? Nananaginip siguro siya kasama Mommy niya. Kawawa naman si Joshua. Pag tulog, napaka duwag. Pag gising, mas matibay pa sa cemento.

Ngumiti lang ako at pinatong yung ulo ko sa ulo niya. Bakit kaya siya nananaginip about sa Mommy niya? Di bale na nga..

--------------------------------------------------------

"Hoy mga bata! Gumising nga kayo! Anong ginagawa niyo dito sa lab ng napaka aga?"

Napa kamot ako sa ulo ko. Umaga na pala. Napa tingin ako sa nag salita, yung janitor pala. Naka limutan ko nga pala na nakulong kami dito sa lab kahapon.

"Manong Janitor sorry po. Na lock po kasi kami dito kahapon habang tinatapos yung experiment na ginagawa namin."

Napa laki yung mata ni manong janitor after kong mag salita at nag sign ng cross. Ano naman nangyari dito kay manong janitor?

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon