Chapter 20 ( Oops, maling akala )

9 0 0
                                    

Stacey's POV

Tahimik lang si Janine sa loob ng hotel room. Habang ako tahimik din. Yung dalawang babae lang yung nag uusap sa room. Close nga ata sila.

"Uhm, hi nga pala sa inyong dalawa." Sabi ko. Finally nakapag salita na din.

"Hi Stacey." Sabi nung babaeng may highlight sa buhok. Wait, kilala niya ako?

"Nagtataka ka siguro kung bakit ko nalaman pangalan mo. Well diba may mga issues na kumakalat sa campus na pinakakalat ng magaling kong ate? I'm Janelle nga pala. Ate ko nga din pala si Johanna." Ah so kapatid siya ni Johanna? Mukhang mabait naman siya di tulad nung bruhang yun eh.

"Hi, ako nga pala si Stella. And former member ako ng group nila Johanna." Sabi naman nung babaeng maikli ang buhok. Stella pala name niya. Narinig kong bumukas yung pinto then sumarado naman ulit. Lumabas pala si Janine.

"Uhm, Janelle? Masama din ba ugali mo tulad ng Ate mo?" Whuut am I doing? Napaka judgmental ko naman.

"Nope. Actually nagtataka nga ako kung bakit bruha yung ate ko eh. Mababait naman parents namin, and ako din. And to be honest ayoko sa kanya. Napagkakamalan nga siyang apon minsan eh. Kasi siya lang ang bruha sa bahay." Sabi ni Janelle then kumain ng chips.

"Ikaw naman Stella, bakit ka umalis sa group nila Johanna?"

"Well di naman ako umalis eh. Pina alis nila ako. Kasi nga akala nila na b*tch ako tulad nila. And hindi kasi nila alam, lahat ng mga taong binubully nila tinutulungan ko kapag wala na sila." Sagot niya sakin. Ang gulo naman. Eh bakit naman siya nasali sa group nila Johanna?

"Ah ganun ba. Eh paano ka naman nasali sa group nila? Sorry naguguluhan kasi ako."

"Ah forgot about that. Kaya pala ako nasali sa group nila kasi isa ako sa mga taong nabubully and dahil nga crush ko si Joshua noon, napilitan akong sumali sa kanila para mapalapit kay Joshua. Pero sila pala ni Johanna nung time na yun. And blah, blah, blah. Long story. Ahaha."

Akala ko masasamang tao din tong mga to. Pero nagkamali ako.

"We can be freinds since we hated the same person. Kahit ate ko siya, hate ko pa din siya noh! Lagi na lang kasi siya ng siya. Minsan nga nagdududa na ako na ampon talaga yung bruhang yun eh." Sabi ni Janelle then nag chuckle. Seriously? Hate niya sariling ate niya? Ahahaha.

"Well ako, hindi ko naman masyadong hate si Johanna eh. Naging kaibigan ko rin kaya siya." Sabi naman ni Stella.

"Nako, alam ko yang ate ko! Plastic kaya yan! Hmpf." Nagtawanan kami after niyang sabihin na plastic si Johanna. Akalain mo, tawagin ba namang plastic ate niya? Jusme.

"Opps, maling akala. Akala ko masasama din ugali niyo, but I was wrong. Mianhae (sorry)!" Sabi ko then nag bow since nasa korea naman kami. XD

"Nako okay lang yun. Sanay na naman akong pagkamalang masamang tao eh. Dahil nga kasi kapatid ko nga yung Queen b*tch, I mean bee ng campus." Then tumawa siya after. Ang kulit niya! XD

"Well ako, hindi naman nila ako tinuring na masamang tao eh. Tinutulungan ko kasi sila. Feel ko kaya sila! Nabully din ako kaya ayokong ibully nila yung iba noh!"

After ng mga ilang oras na kwentuhan, nakaramdam din kami ng antok.

"Inaantok na ako!" Sabi ko sabay yawn.

"Nasaan nga pala si Janine?" Wait, kilala ni Janelle si Janine?

"Wait, paano mo nga pala nakilala si Janine?" Tanong ko.

"Ahh diba nga ex ni ate yung kuya niya? So of course kilala ko siya."

Tumango lang ako then pumunta na sa kama ko. Magkatabi kami ni Janine habang sa kabilang kama, sila Janelle at Stella. Nung naka tulog na sila, lumabas ako ng room para hanapin si Janine. Nasaan na ba yung batang yun?

"Huuy!" Biglang may kumalabit sa balikat ko na ikinagulat ko. Si Vernon lang pala!

"Jusme V ginulat mo ako! Ano pang ginagawa mo sa labas? 11:00 pm na oh."

"Eh ikaw, bakit nasa labas ka pa din?" Sabi niya then sinabayan na akong maglakad.

"Hinahanap ko si Janine. Baka kung saan pa yun nag punta."

"Bakit pa siya lumabas kung alam naman niyang gabi na. Mga bata talaga these days." Sabi niya then umuling.

"Ewan ko doon. Wait, gusto mo mag ice cream muna tayo?" Aya ko since na miss ko ding mag ice cream.

"Aba maganda yan! Libre ko na lang. Okay ba?"

"Sure! Tara!"

Lumabas kami ng hotel and pumunta sa malapit na ice cream parlor na open 24 hours. Umorder ako ng tiramisu and dark chocolate naman sa kanya. Umupo kami sa malapit na bench and nagpahangin.

"Uhm Stacey?" Bigla namang nagsalita si Vernon.

"Hmm?" Sagot ko sabay kain ng ice cream ko.

"Kung liligawan ka ba ni Joshua, papayag ka ba?" Nabulunan naman ako sa tanong niya! Anong ligaw pinagsasabi neto! Nakakasuka!

"Ano ba yang pinagsasabi mo! Tsaka bakit naman ako liligawan nun? Inaantok kana ba? Kung ano ano na lang pumapasok sa isip mo eh!"

"Curious lang, eto naman. Pero paano kung ligawan ka nga, payag ka ba?"

"Huh? Ewan ko nga sayo."

"Kunyare nga lang diba?" Sabi niya then kinain na yung ice cream niya.

"Kunyare lang naman eh. Well, oo. Papayag ako. Crush ko naman kasi yun eh, wag kang maingay ah! Ikaw lang sinabihan ko nun!"

"Okay." Sagot niya lang then tumahimik bigla. Ano naman kasi iniisip ng lalaking to!

____________________________

Vernon's POV

"Kunyare lang naman eh. Well, oo. Papayag ako. Crush ko naman kasi yun eh, wag kang maingay ah! Ikaw lang sinabihan ko nun!" Sabi niya then kinain ice cream niya.

"Okay."

Sagot ko na lang then kinain na din yung ice cream ko. Naitanong ko lang naman yun kasi alam kong liligawan naman talaga siya ni Joshua kasi part ng bet yun. And medyo nasaktan ako, kasi ngayon alam ko na may chance na maging kay Joshua siya. Oo aaminin ko, mahal ko na si Stacey. At alam kong bestfriend lang ang turing niya sakin.
Ngayon na alam ko na crush niya si Joshua, wala na akong pag-asa. Sa tingin ko hanggang mag bestfriend nga lang talaga kami.

"Balik na tayo sa hotel. Malapit nang mag hating gabi oh. May gagawin pa tayong painting bukas." Aya ko sa kanya.

"Tara. Baka nandoon na yun si Janine sa room. Inaantok na din ako eh."

Sabi niya sabay tayo sa kinauupuan. Tumayo na din ako at sumunod sa kanya. Nung nakarating na kami sa tapat ng room niya, nag bye na ako pero pinigilan niya ako.

"Thanks pala sa libre V. See you tomorrow! Good night!" Sabi niya then hinug ako. Hinug ko na lang din siya pabalik. Kahit hug lang okay na ako, kahit as friends yung hug na yun. Ngumiti na lang ako then pumasok na siya sa room niya. Pumunta na din ako sa room namin which is sa tabi lang ng room nila.

"Oh, saan ka galing?" Bungad sakin ni Zach.

"Wala, nagpa hangin lang. Ini enjoy ko na yung stay ko dito sa Korea." Sabi ko then pumunta na sa kama ko, katabi ko naman si Gino.

"Ganun. Oh matulog na tayo! May lakad pa tayo bukas."

Sabi ni Zach then humiga na sa kama niya. Tumabi na din ako kay Gino. Sana naman kahit sa panaginip na lang, maging akin si Stacey. Susulitin ko na lang ang mga oras na magkakasama kami bukas.

Itutuloy...
_________________________________

Miss A

Ouch! Na Friend zoned si Vernon! Pero wala nang mas sasakit pa sa ma Fan zoned!

SARANGHAEYO!! KAMSAHAMNIDA!!

Please vote, comment, and recommend. Kamsarang! <3

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon