Chapter 10 ( Make-Over )

12 0 0
                                    

Stacey's POV

5 am pa lang, naka ready na ako. Excited lang kasi ako kung anong gagawin namin ngayon. Buti na lang gumaling din agad yung sugat sa gilid ng labi ko. Nawala na din yung pasa ko. Galing kasi mag alaga ni Kuya. :)

"Manang?"

May kumatok sa kwarto ko. Agad naman akong tumakbo papunta sa pinto at binuksan. Si Kuya lang pala.

"Bakit Kuya?"

"Nasa baba na sila Josh at Zach. Ready kana ba daw? Saan ba kayo pupunta? Mag ingat ka doon ah."

Napa chuckle lang ako sa mga pinagsasabi ni Kuya. Grabe siya oh. XD

"Kuya naman. Di ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Pero mag iingat naman ako Kuya."

"Oh siya sige na. Bumaba kana at hinihintay kana nila Josh. Kumain ka muna kahit konti lang."

"Di na kuya. Di pa naman ako natunawan sa kinain ko kagabi eh. Alis na ako kuya kong manong na monggoloid!"

Ngumiti lang si Kuya at tumakbo na ako papuntang baba. Nakita ko naman sila Zach at Josh na naghihintay sa sala. Kahit kailan talaga, napaka gwapo ng mga to. Di talaga nawawala yung style nila eh. Hindi nalalaos.

"Oh Stace. Okay kana ba? Nawala na ata pasa at sugat mo ah?"

"Okay na ako. Tsaka oo nawala na nga. Galing kasi mag alaga ni Kuya eh."

"Bakit? Ano ba nangyari sayo panget?"

Naki sabat naman tong si Joshua. -_-

"Nabugbog kasi siya nila Johanna kasi daw napahiya si Lexie sa harap mo at sa crowd. At kasi baka nga nag selos kasi nga gowa mo daw si Stacey."

Nakita ko namang lumaki yung mata ni Joshua. Anyare?

"Ginawa nila sayo yun? Mga walang hiya."

Nag murmur siya sa huling part. Chaar. He cares about me! Feeler ko naman. :3

"Eh oo. Pero okay na ako. Tara na! Excited na ako. May kain ba?"

"Hahahaha kahit kailan talaga Stacey eh noh? TANDA!! ALIS NA KAMI! IIHAWIN NAMIN TONG KAPATID MO!!"

Sumigaw si Zach sa taas para marinig ni Kuya. Nakakatawa nga reaction ni Kuya eh. XD

"SUBUKAN NIYO LANG! ILILIBING KO TALAGA KAYO NG BUHAY! WAG NIYO NGA KASI AKO TAWAGING TANDA! LETSE NAMAN OH!"

"Byee Kuya!"

Nagtawanan lang kami at umalis na. Sumakay kasi sa kotse ni Joshua. Nasa front seat ako, katabi si Joshua na driver namin at sa likod naman si Zach. Ilan ba kotse ng monster na to at iba naman ang ginagamit niya? Well, mayaman nga sila. Pero ilan kaya kotse nito?

"Okay ka na ba talaga panget? Sorry kung nagawa nila sayo to ah."

"Di mo naman kasalanan eh. Tsaka okay na ako oh. Okay na."

Nag smirk lang siya at nag drive na. Bakit ba ang hilig niyang mag smirk? Natutunaw tuloy ako! Wait, whuut?!

Sa loob ng ilang minuto, huminto kami sa isang salon. Ang laki at mukhang mamahalin. Baka pagmamay ari din nila Joshua to. Mayaman nga talaga sila. Bravoo.

"Josh? Sa inyo ba to?"

"Nope. Kay Mommy."

What does he mean? Na kay Mommy daw? Same lang naman yun diba?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Let's not talk about that. Tara na. Naghihintay na si Mommy sa loob."

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon