Chapter 27 (Jayson's Plan)

5 0 0
                                    

Joshua's POV

Maaga akong nagising at nagbihis agad. Ayokong makita ako ng tatay kong mokong. Nasa bahay niya ako ngayon since he talked to me about business yesterday.

Dumiretso ako sa kotse ko at pumunta sa school. Nung naalala ko yung nangyari kahapon, napa ngiti naman ako. Naging knight in shining armor pa niya ako. And she called me baby? Napangiti ulit ako. Wait, ano tong nangyayari sakin?

"Joshua, it's just a game. It's not for real." Bulong ko sa sarili ko.

Minutes passed by and nakarating na ako sa school. Hindi na ako pumunta sa parking lot, since I can park wherever I want. Pagpasok ko sa campus, ang daming babaeng naka abang sakin. Nagtitilian, nagpapacute at iba pa. Sanay na naman ako, so dinaanan ko lang sila. Nasaan kaya si Panget ngayon? Then nakita ko siyang naka upo sa isang bench, kasama si Vernon. I'll just let Vernon borrow my girl for awhile. Wait, what? So I decided to go to the gym. And there I saw my lads. But wala si Tandang Shawn.

"Ayo guys. What's up?" Sabi ko then napatingin naman sila sakin. Their faces are emotionless.

"What's with the face?"

"Josh, may nalaman kami about kila Jayson. May gagawin silang masama, kay Stacey." Sabi ni Gino.

"Wait, saan niyo naman nalaman yan?" Tanong ko.

"Here, see for yourself." Sabi naman ni Alex at inabutan ako ng isang note. Tinignan ko muna sila bago ko binasa yung sulat.

'Hey Joshua! Since may utang kapa sa amin, may deal kami sayo okay ba? Will you just let your girl pay? Okay, no need for your answer. We already had a plan. Better watch out Joshua. You'll gonna see your girl cry in pain, soon. -J'

"Wait, di ako papayag na saktan nila si Stacey! Wala siyang kinalaman sa away natin! We should protect her." Sabi ko at pinunit yung note.

"We know. Kailangan malaman to ni Shawn as soon as possible." Sabi ni Alex.

"Alam naba ni Vernon to?"

"Hindi pa nga eh. Ipapaalam naman namin sa kanya, pero di siya sumasama sa amin. Lagi siyang nakadikit kay Stacey." Sabi ni Zach.

"I'll tell him." Sabi ko at naglakad palayo.

"Joshua, saan ka pupunta?" Sabi naman ni Alex.

"I'll talk to Vernon about this sh!t." Sabi ko at nagsumulang maglakad ulit.

"Wait Josh. Dapat mag usap tayo about this as a whole team.  Para naman makapaghanda tayo. Hindi natin alam kung kaylan at kung saan sila aatake." Sabi ni Gino. Sabagay may point siya.

"Okay, we will be having a meeting on our club. Magkita tayo doon bukas ng hapon. Doon tayo mag usap." Sabi ko then tuluyan ng umalis. Yep, we also owned a bar. Which is my favorite.

Nakalabas ako ng gym and naisipan kong hanapin si Stacey. I know a place where I can find her. So agad naman akong pumunta sa library. I knew I can find her in this place. Naghahanap siya ng libro na babasahin niya. What a bookworm. So pumunta ako sa kabilang side ng shelf and sinundan siya. Then nung may space, nakita niya ako na ikinagulat naman niya.

"Oh Joshua! Ginulat mo naman ako."

Sabi niya then kukunin na sana yung book na nasa harap niya pero naunahan ko siya at tumakbo sa labas na tawang tawa. Sinundan naman niya ako kaagad.

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon