Chapter 9 ( Maalagang Kuya )

13 0 0
                                    

Stacey's POV

Naka upo ako ngayon sa kama ko at di pa rin maka galaw. While si Kuya naman nandoon sa kusina at kumukuha ng yelo. Ang sakit talaga ng katawan ko. First time kong mabugbog nang ganun. Buti na lang wala dito si Mommy. Dahil kung hindi, patay talaga sila Lexie.

Bumukas yung pinto ng kwarto ko at nakita kong pumasok si Kuya na may dalang yelo at first aid kit. Kahit medyo mapang asar si Kuya, pag ako nasaktan. Daig pa si Mommy kung alagaan ako. Bilang panganay, responsibilidad niya na alagaan ako. And i'm glad that he's doing it.

"Kuya? Tumawag na ba si Mommy?"

"Hindi pa. Tawagan na lang natin kung may time."

Umupo si Kuya sa gilid ko at hinanda yung yelo. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng kuyang tulad ng manong na to. Pala away man, maalaga at sweet naman.

"Stay still lang Stacey ah. Hindi to masakit."

Then dahan dahan niyang nilagay yung yelo sa braso ko.

"Sino ba kasi gumawa sayo nito? Mga walang hiya naman oh. Sino ba kasi sila Stacey ng maupakan ko."

"Sasabihin ko na. Basta wag mo lang silang uupakan."

"Eh kailangan nilang tanggapin yung kapalit ng pagpapasakit sayo. Wala silang karapatang saktan ka. As your older brother, trabaho ko ang protektahan ka. I know sometimes i'm such a jerk and a stupid brother to you. Pero Stacey, di ako papayag na masaktan ka ng ganyan lang. Nag aalala din ako."

"Kuya naman kasi eh. Ayoko din silang masaktan kasi nag sumbong ako sayo. Baka nga mas masaktan pa ako pag inupakan mo sila eh. Ayoko ng masaktan kuya."

"Sino nga ba kasi ang gumawa sayo nito. Pag di mo sinabi, tatanungin ko sa Lexie."

"Actually, sila Lexie ang gumawa sakin nito ku-"

"What?!"

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Kuya. Kinuha ko na lang yung yelong hawak niya kasi baka ma durog pa to eh. Naka fist na yung kamay ni kuya na parang gusto na niyang sumuntok ng isang tao.

"Bakit nila ginawa sayo to? Sinong kasama niya? Akala ko ba kaibigan mo siya?"

"Sila Johanna yung kasama niya. Ginawa nila sakin to kasi lumaban ako sa kanila. Sinagot sagot ko sila. Tinawag nila akong b¡tch, at slut. Kasi daw lumapit lapit ako kay Joshua at Zach. Akala kasi nila yung sa lab, iba na yung nangyari kaya kami na stuck. At di ko alam kung bakit bigla na lang nagalit sakin si Lexie at na kaya niya akong saktan. Kuya, promise me na hindi mo sila aawayin."

"Pero-"

"Kuya please. Ayokong masaktan ulit. Ayoko na."

Inilagay ni Kuya yung ulo ko sa balikat niya at doon na ako umiyak. First time kong umiyak sa harap ni Kuya. Pero I don't care. At least kino-comfort ako ni Kuya.

"Sige. Wag ka lang masaktan ulit. Pero pag inulit pa nila to, sabihin mo sakin. Di na ako makaka pigil na patulan yang mga malalanding yan. Sa susunod kasi, wag mo silang hahayaang saktan ka. Di lang ikaw yung nasasaktan. Nasasaktan din ako na makita kang ganito."

"Alam ko naman yun Kuya eh. Di naman kasi ako kasing tapang mo Kuya. Wala akong lakas maka ilag sa kanila. Promise me Kuya na hindi mo sila aawayin ah?"

"Oo na. I promise."

"Thank you Kuya."

"Matulog ka na lang para hindi na sumakit yang ulo mo. Tatawagan ko na lang si Mommy para kamustahin siya. Wag ka munang haharap sa cellphone mo. Matulog ka lang. May cottons nga pala diyan sa first aid kit. Gamutin mo yang sugat mo sa gilid ng labi mo. Good night."

Hinalikan ni Kuya yung ulo ko bago siya tumayo sa kama ko.

"Thank you Kuya. Good night."

Ngumiti si Kuya at lumabas na ng tuluyan sa kwarto ko. Ginamot ko muna yung sugat sa gilid ng labi ko at nag palit na din ng damit. Buti na lang hindi nag marka yung kamay ni Lexie sa mukha ko. Tigas kaya ng mukha ko. XD
Then bigla lang nag ring yung phone ko. Tawag galing kay Zach.

"Oh Zach? Napa tawag ka ata?"

"Best friend okay ka lang ba? G@gO talaga yung si Johanna. May masakit ba sayo?"

Napa tawa lang ako sa reaction niya. At saan naman niya nalaman yun?

"Okay na ako Zach. Teka, saan mo nga pala yan nalaman?"

"Nakita ko kasi kayo kanina ni Shawn na papunta sa car niyo habang inaalalayan ka niya. Kaya nag text agad ako sa Kuya mo at nagtanong kung anong nangyari sayo at sinabi niya din. Kahit hindi niya sinabi kung sino yung salarin, alam ko na naman na sila Johanna ang may pakana nito eh. Sila lang naman ang kaaway mo doon sa campus."

"Alam mo, ang daldal mo. Bukas na lang tayo mag usap. Pinapatulog ako ng maaga ni Kuya eh."

"Ay wait lang. Kaya pala ako napatawag kasi susunduin ka namin ni Josh diyan sa bahay niyo sa Monday. Mga 6 Am kaya gumising ka ng maaga. Since sa 8 pm pa naman mag sisimula yung Acquiantance Party diba? Byee BFF! Pagaling ka! Mwuah!"

Bago pa ako maka pag salita, binabaan na ako ng telepono. Napa ngiti lang ako. Wait, susunduin daw ako sa Monday ng umaga? Para saan naman? Di bale na nga.

Inalis ko na yung makapal kong glasses at natulog na lang ako at binalewala yung sakit ng ulo at katawan ko. Mga amazona pala sila. Ang lalakas eh! Ang sakit pa din ng ulo ko eh. Huhuhuhu. :'(

Itutuloy.........

________________________________

Author's Note:

Hello babes! Ang sweet ng Kuya ni Stacey! Inggit ako! Wala kasi akong kuya eh. Panganay na babae kasi. Huhuhu! Gusto kong magka kuya! :'(

THANK YOU ULIT SA INYONG LAHAT! YOU ALL ARE SO AMAZING AND INCREDIBLE! THE BEST OF ALL THE BEST! MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT! MWUAH! :*

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon