Chapter 24 ( Goodbye Seoul )

10 1 0
                                    

Stacey's POV

Bye, bye Seoul Koreaa! Mamimiss kita! Huhuhuhu.
Nasa airport na kami at sumakay na ng airplane. Katabi ko pa din si Janine. Naka tingin lang ako sa labas magdamag. Di ako maka paniwala na liligawan pala talaga ako ni Joshua tulad nung sinabi sakin ni Vernon.

Ilang oras din ang lumipas at nakarating na kami sa Manila. Nasa NAIA airport na kami, hinihintay na lang namin yung mga bagahe namin.

"Uhm, Stacey?"

Napa lingon naman ako, si V pala. Buti naman at nagsalita na rin siya sa wakas.

"Oh bwii! Namiss kita! Ang tahimik mo kasi simula nung nakaraang araw eh."

"Sorry nga pala. May iniisip lang talaga ako."

"Ano naman yun? Share mo naman sakin since bestfriend mo naman ako diba?"

Natigilan siya ng ilang segundo bago nakapag salitang muli.

"Uhm, wala lang yun. Sige na best bestfriend, hintayin na lang natin yung bagahe natin."

Tumango na lang ako at hinintay yung bagahe namin.

---

"Bye bestfriend! See you on Monday!" Sabi ni Zach.

"Bye best bestfriend! See you on Monday!" Sabi naman ni Vernon.

"Ginaya mo lang sinabi ko eh, dinagdagan mo lang ng best sayo! Pfft." Sabi naman ni Zach.

Ngumiti lang ako sa kanila at nag wave na. Nakita ko namang mahimbing na natutulog si Joshua sa front seat. Napagod talaga siya sa biyahe.
Kinuha namin ni Kuya yung mga gamit namin sa likod at hinintay sila na maka alis bago pumasok sa loob ng bahay. Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si Kuya.

"Payag na ako na ligawan ka ni Joshua, kahit ako na mismo ang nagsabi na bawal mong idate ang isa sa mga tropa ko."

"Whaat?! Sure kana ba diyan Kuya?"

"Bakit, ayaw mo?"

"Uhm, di-" Magsasalita pa sana ako kaso nagsalita namang muli si Kuya.

"Pag sinaktan ka ng ugok na yun, sabihin mo lang sakin. Malilibing ko yun ng buhay. Pero Manang, as your Kuya dapat alam ko lahat ng gagawin at pupuntahan niyo ni Joshua ara (understand)?"

"Jinjja (really)?! As in lahat ng gagawin namin? Alam mo ba ang salitang privacy? Loko tong manong na to."

"Bakit, may gagawin ba kayong kababalaghan?"

Like seriously? Lahat talaga ng gagawin namin ni Joshua? Napaka over protective talaga ng Kuya ko, nasobrahan na eh!

"Wala! Bahala kana sa mga bagahe. Mabigat, di ko kaya!"

Sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay. Sarap sana kung may aso akong sasalubong sakin, eto kasing si Kuya eh. Ayaw sa mga aso, pfft. Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis. Inopen ko naman laptop ko para maka Skype si Mommy. 3 months na since nung umalis siya papuntang Italy. Two more months na lang at uuwi na si Mommy.

"Baby! Miss ko na kayo ng Kuya mo. Nagtitino ba yang Kuya mo diyan?"

"Opo mommy. Bumait nga si Kuya eh." Totoo naman eh, bumait talaga si Kuya.

"Wait, gumanda ata baby girl ko. Rebonded na, mana ka talaga sa Daddy mo. Sana makita ka niyang ganyan ngayon." Sabi ni Mommy na naluluha na.

"I know he's watching us right now Mommy. And I know he's happy na makita akong gumanda." Then nag chuckle ako.

"Ano pala pinag gagawa niyo ng Kuya mo diyan sa bahay?" Pangiiba ng topic ni Mommy.

"Ay, actually kakauwi lang namin galing Seoul Korea para sa project namin! A dream come true talaga yun Mommy! Ang saya namin doon, kumain kami ng korean foods, pumunta sa mga famous sites ng Korea." Napangiti naman si Mommy.

"Glad that you're having fun right there honey. Your dad must be very happy right now na natupad mo na ang pangarap niyong dalawa. Take care of yourself ara? Wag magpalipas ng kain. Uuwi na din si Mommy diyan. Don't forget to visit your Daddy okay?"

"Arasseo Eomma ( I understand mother )"

"Talk to you soon baby girl, busy ngayon si Mommy eh. Ingat kayo diyan ng Kuya mo ah! Saranghae (i love you) baby girl!"

"I love you too Mommy, ingat po kayo diyan!" Then nawala na. Inoff ko yung laptop ko and kinuha yung book ko. Then bigla namang bumukas yung pinto ko.

"Ano sabi ni Mommy?" Si Kuya lang pala.

"Nandyan ka pala kanina pa, di ka man lang pumasok para kamustahin si Mommy. Eojettuen (anyways), kinakamusta lang naman tayo ni Mommy. Bibisitahin ko nga pala si Daddy bukas. Gusto mo ba sumama?"

"Di ata ako makakasama sayo bukas. Mag ba basketball kasi kami nila Gino. Ikaw na lang muna siguro. Anyways, kakain na tayo maya-maya."

"Wala akong gana kumain, and busog pa naman ako. Kain kaya kami ng kain ni Zach."

"Sure ka? Bumaba ka lang sa kusina pag nagutom kana. Good night Manang."

"Ne oppa (yes brother). Good night din Manong!"

Ngumiti lang si Kuya then lumabas na ng kwarto ko. Seriously bumait talaga si Kuya after nung nabugbog ako nila Johanna. Edi pala sana matagal na akong nagpabugbog para bumait na siya noon pa! Then bigla namang nag ring phone ko, tawag galing kay Pink Mario.

"Oh? Napatawag ka ata Super Mario?"

||Bakit di mo ako ginising kanina nung bumaba ka ng van? Di tuloy ako nakapag paalam.

Lols, yun lang ang reason kaya siya napatawag?

"Mahimbing tulog mo eh, kaya naisipan kong wag ka nang istorbohin."

||Ganun? Well, pumayag Kuya mo. Paano ba yan?

Ay oo nga pala. About sa ligaw thingy. Seriously di pa ako ready magpa ligaw. First ko kaya to, at medyo nervous ako.

"Oo nga eh, pumayag siya. Hoy ikaw! Ayusin mo pangliligaw sakin!"

||Chill babe, I know how to handle this. Sanay na akong mangligaw.

"Ewww, don't call me babe! Hindi ako baboy! Di pa naman tayo, feeling ka din eh noh."

||Edi baby na lang tawag ko sayo. Good night baby! Sleep tight!

"Whatever."

Narinig ko siyang nag chuckle bago binaba yung phone. Nahiga naman ako sa kama ko at napa tingin sa kisame. Di ko aakalain na liligawan talaga ako ni Joshua. Medyo mas mataas ang standards niya kaysa sakin. Famous siya, ako isa lang nobody.

Sa tingin ko mapapafall din ako ni Joshua soon. Pero di ko alam kung ready na ba talaga akong magpaligaw, eh di ko nga alam yung mga ganyan eh. Pero maybe I should trust Joshua about it. Malandi kaya yun and I know napagdaan niya nang mangligaw. Hayst, paano na ba to.

Itutuloy......
________________________________

Miss  A

Sorry if flood. Ahaha. Bumabawi lang si Miss A.

Please vote, comment and recommend.

Saranghae kamsahamnida!

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon