Chapter 19 ( Hello Seoul Korea )

9 0 0
                                    

Stacey's POV

"Manang bilisan mo!" Tawag ni Kuya sakin mula sa baba.

Excited na ako! 5:00 AM pa lang oh! Today is the day! After namin mag paint, pwede kaming gumala sa Seoul! Omg such a dream come true! And ang saya kasi kasama sila Zach.

"Oo na! Malapit na!" Sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko at nag ayos na din ng onti. Bumaba na ako after and sumunod kay Kuya sa labas. Kukunin na lang daw kami nila Joshua para di na kami maabala sa mga kotse namin.

"Hey bro!" Sigaw ni Kuya sa kanila sabay bigay ng bro hug. Lakas maka porma ng mga to. Gu-gwapo naman ng mga kasama ko. While ako, mukhang chaka. LOL maganda kaya ako! Gandang ganda sa sarili.

"Ganda mo ngayon Stace ah. Ganda ata gising ni best best friend." Bungad sakin ni Vernon nung nakapasok ako sa Van then beso-beso.

"Aba oo naman noh! Eto na kaya yung pinakahihintay ko! Excited na ako V!"

"Same Stace! Kung hindi kita nakilala, boring siguro ata buong trip ko sa Seoul. Yieee excited na talaga ako!"

Nagtatalon na kami sa tuwa ni Vernon. Wala na talaga akong ibang masabi kundi 'excited' at 'excited' na lang.

"Maiiba daw tayong mga lalaki sa mga babae ng eroplano sabi ni Daddy. May mga iba kasing naglalandian eh. Baka daw pag baba natin sa Seoul, may buntis na." Sabi ni Joshua na nasa tabi ng driver. Aba matinde!

"Ay, paano ba yan best best friend, di tayo magkakatabi sa plane?" Sabi ni V sabay pout.

"Hoy kanina mo pa tinatawag na best best friend yung bestfriend ko ah! Itigil mo na nga yan." Sabat naman ni Zach na nasa likod namin. Awe kawawa naman ahaha.

"Oh tumahimik na kayo, aalis na tayo. Stacey nadala mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong naman ni Kuya sakin.

Tumango lang ako at ngumiti. Eto naaa! Today is the day na talaga! Here we come Seoul!

---

"Gising na baboy! Andito na tayo!" Sabi ni Alex na ginigising si Gino na mahimbing na natutulog. Mga ilang oras din bago kami nakarating dito sa NAIA.

"Hmm ano ba bangkay! Natutulog pa yung tao eh!" Reklamo ni Gino.

"Okay, dito ka na lang sa van? Pag gising mo nasa Seoul na kami. Ano hindi ka ba gigising?"

"Eto na! Baba na! Tong bangkay na to talaga." Padabog namang bumaba si Gino sa van. Kulit talaga nitong dalawang to.

"Tara na Stacey! Baka mahuli pa tayo!"

Excited na talaga si Vernon. Bumaba na kaming lahat sa van at pumila sa labas. Nung nakapasok na kami, di talaga mawala sa mukha namin nina Zach at Vernon yung ngiting abot tenga na. Nung matapos na kaming mag check-in, dumiretso kami sa dalawang private na nasa labas na gagamitin namin. Ang laki eh konti lang naman kami na nasa Arts Club, mga 20 lang naman.

"Uhm Josh? Bakit malaking plane yung gagamitin?" Alam kong medyo tanga yung tanong ko, pero I don't care.

"Syempre sama lahat ng Arts and Dance club eh. Kawawa naman yung nasa Club ko kung kami lang ni Gino ang kasama." Sagot niya then nilagpasan ako then umakyat na sa plane. Now I know.

"Best best friend! Mamimiss kita! Di tayo makakapag chika! Sayang naman. See you on Seoul na lang best best friend!"

Sabi ni Vernon sabay hug sakin. Hinug ko na lang din siya pabalik. But then biglang sumingit si Zach sa amin.

"Very best friend! See you on Seoul! Pag dating natin doon libre kita ng sushi!" Then hinug niya din ako.

"Oy Zach best friend ka lang! Walang 'very'. Ako yung best bestfriend! Shut up ka na lang."

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon