Chapter 17 ( Trophy )

8 0 0
                                    

Stacey's POV

"Go Kuya! Galingan niyo mamaya ah!"

Pag che-cheer ko kay Kuya habang nasa loob kami ng kotse. Ngayon na yung laban nila. First time kong makita si Kuya na maglalaro ng basketball. And nakaka proud naman na ngayon makikita ko na siyang mag laro.

"Ako pa ba? Magaling ata tong Kuya mo noh. Hindi lang kagwapuhan ang meron ako."

Inirapan ko si Kuya dahil sa kahanginan na taglay na meron siya. Hangin talaga eh!
Nung naka park na kami, kinuha ko yung cartolina sa likod ng kotse at yung blue shirt na isusuot ko mamaya sa laro na may print na Blue Dragons.

Dumiretso ako sa locker ko at nilagay yung cartolina at shirt. Medyo ang gulo na ng locker ko. Lilinisin ko na lang to mamayang uwian.

"Hi Stacey!" Bati sakin ni Vernon.

"Oh V! Nandiyan ka pala. Good luck mamaya ah! Galingan niyo. I che-cheer ko talaga kayo ng bonggang bongga!"

"Talaga? Ahaha kamsahamnida (thank you) Stacey. Oo naman. Gagalingan talaga namin. Pero medyo matinde yung kalaban na taga ibang planeta eh."

"Kaya yan! Fighting!"

Nag smile lang siya sakin. Sinarado ko na yung locker ko at nag simula nang maglakad, sinabayan na din ako ni Vernon.

"Ano ba first subject mo ngayon?" Tanong ko.

"Math ata. Ililipat na daw kasi ako nang section. Tumaas kasi grades ko sa Math eh."

"Whaa? Good to hear that then. Saang section ka ba ililipat?"

"Secret na yun. Ahahaha."

Nag pout lang ako habang ginulo naman niya buhok ko. Nasa tapat na ako ng room ko. And nasa loob na sila Joshua, Zach, Gino at Alex. Si Kuya lang talaga kulang eh.

"Uhm Stacey? Alis muna ako ah, maglalakad lakad lang."

"Ah ganun ba, sige. Ingat ka V! Good luck ulit!"

Ngumiti siya at naglakad papalayo. Pumasok na ako sa room ko at umupo sa seat ko. Inaasar ata nila Zach si Joshua. Mukhang naiirita siya eh.

"Oh Stace! Guess what? Nakakatawa si Josh!" Sabi ni Gino.

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Kasi nga kanina, nag uusap kami nila Zach about sa BTS. Then sabi niya gwapo daw si Jungkook. Nung tinanong namin kung saan ba dito si Jungkook, tinuro si Taehyung! Nakakatawa nga lang eh ahahahaha!"

Napapatawa na sana ako kaso buti na lang napigilan ko. Naawa na ako kay Joshua. Ahahaha mukhang asar na asar na talaga siya. Ahahahaha. XD

"Aish tumahimik na nga kayo! Naiirita na ako sa inyo! Di ko pa nga sila masyadong kilala diba? Kaya tumigil na kayo diyan!"

Nagtawanan ulit sila Zach at iritang irita naman si Joshua. Kawawa naman. Nung nag ring na yung bell, tumigil naman yung mga ugok at nagsibalikan sa mga seats nila. Ilang minuto din dumating na yung adviser.

"Good morning class. Today, we have a new student joining our class. Lumaki kasi grades niya sa Math kaya nilipat na siya dito. May I introduce Mr. Vernon Lee."

Si Vernon Lee daw? Pumasok naman si Vernon sa room and lahat ng babae naka tingin sa kanya. Sa gwapo ba namang taglay ni Vernon?

"Hi, good morning." Bati ni Vernon sa amin. Sumagot naman yung mga babae ng 'good morning too' then yung iba kinikilig pa. Lakas ng charm ni Vernon ah.

Because Of The Stupid Bet [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon