Chapter 2: Good Night

92 4 0
                                    

3021 words


Inaayos ko ang gamit ko dahil sa uwian na at naglakad palabas ng room para tumungo sa garden. Naudlot iyon nang may nag-announce.

*Paging Ms. Andrianne Samonte. Please proceed to the faculty room.*

Dineretso ko ang daan patungo sa faculty room na hindi naman kalayuan. As I expected, yung teacher na nagpa-page sa akin ay ang coordinator ng upcoming event dito sa school.

I was assigned to be the leader para sa Choir contest. Since madami naman akong kilalang magaling kumanta at mga disiplinado naman, I said yes. Hindi pa nangangalahati ang taon pero stressed na ako agad which is not really good for me.

My phone beeped, inilabas ko iyon at nakita ang bagong message galing kay Angel. These past few days, mas umingay siya. I mean natural na sa kanyang maingay, pero yung ingay niya nakaka-irita na. Sa ilang taon ko nang gusto si Carlo, di ako nasasawang marinig ang pangalan niya. Pero pag si Angel na ang nagsalita, naiirita ako. Puro Carlo laman ng bibig.

She kept asking me for stuffs and infos about him na obviously gagamitin niya para mapalapit ang loob ni Carlo sa kanya.
Naging magkaibigan din naman sila ng mahigit limang na taon pero ewan ba kung bakit mas  gusto niya pang mapalapit, eh close naman silang dalawa. Mabuti na lang hindi ako ganon mapagsamantala.

Hindi ko na lang pinansin ang text niya, nagtungo na ako sa garden dahil doon ko lagi hinihintay si Carlo since sabay kami lagi umuwi. Pareho lang ang aming dadaanan pauwi.

Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno. Wala naman masyadong tumatambay dito sa mga ganitong oras. Sa di kalayuan, nakita ko ang mga CAT, DLC, majorettes, at color guards na nagpapractice para sa kanilang upcoming competition. Paniguradong naroon si Carlo at nagtuturo sa ibang drummers. Lahat sa grupo namin ay dumaan din sa iba't-ibang platoon, pwera kay Angel at Alliyah na nag-medics lang. Iniwas ko na lang ang tingin ko, balak magbasa sa paborito kong libro.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa, lumipad na naman ang kaisipan ko. Ano kayang feeling ng magka-boyfriend? Hindi pa kasi ako pwede, dalawang taon pa bago ako payagan. Strict parents. Mage-eighteen pa lang ako sa darating na October.

Ano kayang feeling na may mag-aalaga sakin? Ano kayang feeling na may magpaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya at hindi niya kayang ipagpalit sa iba? Yun bang tipo na may natatakot na mawala ako sa kanya. Friends can feel like that, too. But I want to feel it with someone who has romantic feelings towards me. Iba kasi iyon eh.

Napahilamos ako sa mukha dahil sa pinag-iiisip ko. Kaka-wattpad mo yan self. Jusq!

Inilabas ko na lang ang na sketchbook na lagi-lagi kong dala at nagsimulang magscribble hanggang sa makabuo ako ng images. Puro mukha ang nasa sketchbook na kinuha ko, portraits ng mga nag-oorder sakin. Sa murang edad, napagkakitaan ko na ang skill na meron which is a good thing.

I've been always fascinated with arts since time immemorial. May it be visual, musical, or performing arts, grabeng pagka-overwhelm ang nararamdaman ko pag na-hook ako ng isang work of art. For now, more on visuals ako; I want to pursue going to Art school kung papalarin, sa ngayon self-taught na muna. Kaya ko naman to ma-improve sa sarili kong pamamaraan. Gamay ko na ang sketching but I won't consider myself as a pro. Medyo musically inclined din naman ako since compose songs and sing but I'm not really confident with what I do in the musical field. Sometimes, I'm kinda thinking to practice performing arts especially dancing. Though it'll take me years bago ma-undo ang pagiging kaliwete ng parehong paa ko.

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon