Chapter 3: Trauma

71 3 0
                                    

3051 words


It's been days and as usual, wala naman masyadong nangyari except na si Angel ay lumayo layo na kay Carlo and si Alliyah naman ay biglang tumahimik unlike dati na sobrang ingay. Something's bothering her, I'll talk to her later. Hirap din minsan pag sobrang daming kaibigan.

Mag-iisang buwan pa lang simula noong nagpasukan pero gosh! I'm stressedt naaaa! Lumalaki na naman ang eyebags ko at magsisilabasan na naman ang mga tigyawat ko nito sa mukha. Probably, tatalakan na naman ako ni Carlo sa pagiging maalaga sa sarili. Dinaig pa naman ako nun sa skin care routine.

When it comes to friends, halos walang sikreto sa kanya. Halos lahat yata ng bagay na nangyayari sa araw-araw niya ay nak-kwento niya yata sa amin.

Well except on his deepest secrets, pili lang kaming pinagkakatiwalaan niya. I'm glad I'm one of those persons who he entrusted with his secrets.

Maraming bagay ang nagpapaalala sa akin kay Carlo. Kahit nga yata mga simpleng bagay ay naaalala ko siya. Siguro dahil na din sa dami ng napagsamahan namin sa loob ng anim na taon kaya ganon.

Gusto ko sampalin ang sarili ko dahil sa kaalamang patay na patay pa din ako sa kanya sa loob ng six years. Oh my gosh!

He is my dream guy! Gusto ko kung anong meron kami ngayon. Gusto ko din na humigit pa ang pagtingin niya sa akin pero may parte na ayaw. Para bang masisira ang pinagsamahan namin if ever lumagpas sa pagiging magkaibigan ang relasyon naming dalawa.

Gusto ko pero ayaw ko din. Nakakatakot.

"Tanga! Mag-push ka!"

"Tangina naman Josh! Sabi nang def lang! Huwag pumalag!"

"Bwisit! Wipeout tuloy!"

Napatingin ako sa labas ng classroom namin. Nakatambay ang apat na kalalakihan sa may corridors.

Napatingin silang apat sa akin at ngumiti. Awww! My favorite annoying ex-classmates.

"ML na naman?!" Pabiro kong sabi.

"Ang ingay mo." Supladong sabi ni Pete. Sinamaan ko ng tingin si Paa—Mukhang paa na nakatapak ng tae.

"Resurrecting in 3... 2... 1..." Pakasabi noon ni Wesley, sabay-sabay silang tumutok ulit sa phone nila. Adik.

"Bal," Itinuon ko ang atensyon ko kay Josh. "Anong balak mo sa debut mo?" Dugtong niya nang hindi tinatanggal ang titig sa cellphone.

"Ewan. Matutulog." I shrugged. I don't have plans for that. Ilang buwan na lang pala, pwede na ako makulong.

"Swimming na lang tayo. Hati tayo sa bayarin." Suhestiyon ni Josh. Magka-birthday kasi kami, siya ang kinakapatid kong lalaki kaya ganon na lang ang gaan ng loob ko sa kanya. Sa ngayon wala muna yan sa isipan ko, nakakatamad na din magcelebrate.

One thing I realized habang tumatanda ako, mas gusto ko na lang ng me time sa birthday ko. Madalas kasi pag nag-iinvite ako sa birthday ko, kakaunti lang ang dumadating. Though ok lang naman kahit kaunti kasi atleast may dumating diba? Pero kasi, laging may kulang. Baka may something sa akin na kulang.

"Who's the escort then?" Tanong ni Renz matapos kong marinig ang You have been slain sa phone niya. "Kung may debut ka talaga?"

"I dunno." Again, I shrugged. Si Carlo? Charot! Medyo ma-issue ang angkan ko.

Sumapit ang lunch, lumabas kami ng campus para doon mananghalian. Doon ako sumabay kina Arve, nasa shotgun seat si Johann at katabi ko naman sina Bea, Mike, at Marcus.

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon