Chapter 7: Coward

74 5 2
                                    

3054 words

I woke up earlier than the usual, kaya maaga din akong nakarating sa QYU. Pagdating ko doon, kakaunti pa lang ang mga estudyante at ako pa lang ang tao sa classroom.

Wala naman ako masyadong gagawin mamaya so I roamed around the campus habang hindi pa time. Mamaya na din gaganapin yung Choir Contest. Sa paglalakad ko sa covered pathway nakasalubong ko ang ibang CAT officers ng batch ngayon, di ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita ko ang iba sa kanilang tumitingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

"Ate." Napatingala ako sa lalaking nagsalita. Ang tangkad naman kasi ng mga lalaki sa batch nila ngayon. Nakakapanliit. "Hanap kayo ni Commander."

My brows furrowed. "Sinong Conmander?"

"Si Sir Buena po, punta ka daw po doon sa Field."

"Ah, ok." Tinalikuran ko na yung kumausap sa akin at nagsimulang umalis. Pero imbes na pumunta sa Field gaya ng sabi sa akin, pumunta ako sa canteen. Baka masira na naman araw ko dahil sa pang-iinis niya.

Bumili ako ng turon at Chuckie, at umupo sa pinakamalapit na upuan. Naudlot ang pagkagat ko sa turon nang nahagilap ko ang pamilyar na sasakyan. Lumabas doon si Carlo, at pinagbuksan niya ng pinto si Trish.

I rolled my eyes heavenwards, unknowingly. Teka nga! Bakit ba parang ang bitter ko?! Kinain ko na lang yung turon habang nakatingin sa kanilang naglakad paalis ng parking lot.

"Kawawa naman yung turon, parang minumurder mo na." Unti-unti akong napalingon sa nagsalita. "Kaaga-aga init agad ng ulo."

"Sinong hindi iinit ang ulo sa nakikita ko?" Tinignan ko naman yung turon na nakalahati ko na. Oo nga, parang namurder na yung turon dahil sa kagat kong halatang nanggigigil.

"Hay nako Dren! Makakausad ka din diyan." Inabutan ako ng tissue ni Bea. Tinanggap ko iyon at ipinampunas sa labi ko. Narinig ko ang mahinang pagkalam ng sikmura ni Bea kaya tinusok ko yung straw sa chuckie at inabot kay Bea.

"Sa'yo na."

"You're really thoughtful, aren't you?" Kinuha niya iyon at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Syempre naman, you're the sister that I never had. Well, I have 4 sisters from different families."

"Parang may naalala ako doon sa you're the sister that I never had." She looked at me while wiggling her brows.

"Minsan naiisip ko din na itakwil ka na. Akin na yang chuckie!" Akmang kukunin ko na sana pero inilayo niya sa akin.

"Ayoko nga!" Natatawa niyang sabi. "Six years. You wasted six fucking years para lang sa aroganteng yun?" Turo niya kay C sa malayo na hindi ko na masyado mamukhaan.

"Ang cute mo magmura."

She whined, "Don't change the subject! So ayun na nga, matagal na din yung four years. Stop na."

"Ano kaya kung aminin ko na?" I suggested. Sabi kasi ng iba, kapag pinatatagal daw ang paglilihim sa feelings, mas lalo lang daw lumalalim. So kung sasabihin ko na, matitigil na ba?

Pinagmasdan niya muna ako ng ilang segundo at unti-unti siyang tumango. "Mabuti pa nga." then, she tapped my shoulder. "Paulit-ulit mo na din naman sinasabi sa sarili mong wala ka naman talagang pag-asa, sagarin mo na. Might as well aminin mo na para tapos na. You need to discard those remains; therefore you wouldn't have to carry any baggage when you move on." Tanging kibit-balikat lang ang naisagot ko sa kanya.

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon