Chapter 8: Gun

56 2 0
                                    

2095 words

Pinaulanan ko ng bala ang target na nasa harapan ko. Ilang oras na din ako dito sa shooting range. I skipped all my classes today para lang makapag-cool down, and I had the need to use a gun right now.

Inabot ko ang panibagong baril at iyon naman ang ginamit ko sa target na nasa harapan ko. Unintentionally, I imagined either Carlo or Trish standing in front of me. I know that was bad, pero magku-kumpisal na lang ako sa weekend para naman mabawasan ang kasalanan ko.

Wala akong makausap sa school, kaya wala akong mapaglalabasan ng sama ng loob. Bea's having a hard time handling Grey, Aaliyah's having personal and some family problems, Angel—uhhh— I haven't seen her for a while, and don't get me started to Trish and C.

Kina Arve, Johann, Mike, Anton, at Marcus naman, never akong nag-open up sa kanila. Syempre dahil matalik nilang kaibigan si C at alam ko naman na kakampihan at kakampihan nila yon. And besides, it's very awkward and weird. Mas mabuti na nga na kaunti lang ang nakakaalam ng feelings ko sa gagong yun.

Nang nangalay ako, umupo muna ako and I grabbed my phone only to see a couple of unread messages and missed calls.

Bea:

Where are you? You missed 2 quizzes.

———

Alliyah:

'Di ka pumasok may problema ba?

———

Carlo:

Where the fuck are you?! You're not answering my calls.

I snorted. Yeah, right. The audacity to care and be concerned as if he didn't do anything wrong to me.

I deleted C's text at nagscroll muli. Sa pagbabasa ko ng ibang mesaages, dalawa messages lamang ang nakakuha ng atensyon ko.

Unknown:

Haven't seen you this morning, di ka pumasok?

———

Mama:

Nak, may pumunta dito. Hinahanap ka. Ace daw pangalan. Boyfriend mo ba yun? Sumbong kita sa Papa mo, umayos ka.

Napalunok ako pagka-basa ko ng message ni mama. Tignan mo to, napaka pa-issue. At bakit ba kasi pumunta sa bahay si Ace?! Ilang beses ko na siyang tinatakasan these past three days. Simula nung araw na hinila niya ako palabas ng classroom, hindi ako nagpapahuli sa kanya tuwing palabas ako ng bahay at kapag uuwi na.

To: Mama

Wala akong boyfriend. Walang magtatangka sa mukhang 'to.

"Andrianne."

Natanggal ang tingin ko sa phone nang marinig si Tito Franxis. "Pinapasabi pala ni Josh na ginawan ka na niya ng excuse letter para sa araw na 'to." Nakangiting sabi niya. Josh looks exactly like Tito Franxis, like father like son, ika nga. No wonder magaan din ang loob ko dito kay Tito. He and Josh share the same amount of energy and easeful aura.

"Ok po, I'll text him later." Ginantihan ko din siya ng ngiti. Umupo siya sa upuang nasa tabi ko at pinagmasdan niya ang ibang tao na nasa shooting range.

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon