Chapter 10: Malice

57 5 0
                                    

3885 words

Nitong mga nakaraang araw, laging wala sa sarili si Ace, may pagkaaligaga din. Parang may bumabagabag sa kanya, ayaw ko naman kulitin at tanungin. Sabihin pa niya ang ususera ko.

Malakas ko siyang binigyan ng isang alog sa balikat na ikinagulat niya. "Green na yung traffic light!"

"Ay sorry! Sorry!" Nagdrive na ulit siya nang mabalik siya sa huwisyo. Katatapos lang ng exams namin kahapon kaya wala naman na kami masyadong gagawin ngayon except sa magche-check kami ng test papers. Na-pass ko na din naman lahat ng requirements ko last week pa kaya wala na akong aalalahanin. Napag-isipan kong umabsent since I'm freeeeee! Balak ko mag-mall para maglibot-libot, mailabas man lang ang stress sa katawan ko, kaso si mama nalaman na hindi ako papasok kaya pina-grocery ako ngayon. Isa pa 'to si Ace, nung nalaman balak ko eh hindi na din pumasok. You jump, I jump ang drama ng kupal. Laging bumubuntot sa akin!

Siya ang nagtulak ng cart habang nasa grocery kami. Pumunta muna kami sa meat section at sunod naman sa frozen foods section. May advantage din pala kahit papaano ang pagsama niya sa akin ngayon. Hindi ako mahihirapan magbitbit nitong mga ipapamili ko mamaya pauwi at libre pa ang sakay ko. Mahaba-haba pa naman ang listahan na binigay sa akin ni mama.

Hindi ko man tignan, ramdam ko naman ang mga titig ng mga tao sa amin-kay Ace lang pala. Pati ako ay napalingon na din kay Ace, para siyang walking fortune-sa opinyon ko lang ah. Alam kong mayaman ang family nila, kami naman may kaya. Kumbaga nasa middle lower kami, sakto lang. Branded ba naman suot niya, gusto ko din nung Regatta niyang t-shirt kaso namamahalan ako sa presyo. Wala sa sariling dumiretso ang tingin ko sa sapatos niya. Parang kuminang ang mata ko nang nakita ko ang sapatos niya.

Kung tao lang itong sapatos niya malamang kinilig ako. I pursed my lips to refrain myself from shrieking. Limited edition na Vans yung suot niya! Yung Van Gogh inspired na gusto ko!

Self, arborin mo na! HAHAHAHA!

"Sarap tapakan ng sapatos mo." Sabi ko habang hindi pa din inaalis ang tingin sa sapatos niya.

"Huh? Bakit?"

"Sana all my Vans na Van Gogh inspired." Naiirita ako na kinikilig, gusto ko din ng ganyan kaso kung saan-saan nang store ng Vans ako tumingin at naghanap pero wala silang stocks. Paniguradong mahal ang design nilang yan, hindi ko nga lang alam ang exact price. Kahit sa online, wala akong mahanap. Imbyerna!

Para akong tangang inirapan ang sapatos niya, dumiretso na lang ako sa sections ng napkins. Ubos na ni mama at Keira ang napkins sa bahay pero ako hindi pa din inaabutan. Ilang buwan na, myghad!

"Hey babe."

"What?" Inis kong sabi. Napatingin ako sa hawak niyang Sisters na day use, yung pink. Using his other free hand, kumuha din siya ng isa pang pack ng napkin.

"Anong pinagkaiba ng may wings sa wala?" I snorted, I wrinkled my nose to refrain from laughing. His question wasn't anything funny, but I found it amusing.

"Try mo na lang gumamit para malaman mo." I coolly said, still trying to stifle a smile.

"Tinatanong ng maayos." Sarkastiko niyang sabi. Akala ko titigil na siya pero kinulit niya ulit ako. "Seryoso nga kasi, ano pinagkaiba?"

Kumuha ako ng apat na packs. Isang day use, dalawang night use, at isang overnight use. Nilagay ko iyon sa basket na nasa ibaba ng cart. "Yung may wings, mas maganda gamitin para sure na hindi gagalaw yung napkin kapag nilagay sa undies. Yung wala, madaling malukot kasi walang pangkapit sa ilalim ng undies, best use para sa mga madaling ma-irritate ang-alam mo na, basta yun!" Susmaryosep! Bakit ko ba ine-explain sa kanya?!

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon