Chapter 9: Concerned

61 3 0
                                    

3903 words

Thanks to Josh's excuse letter, I was able to take the two quizzes I missed the other day. Also, thanks to Bea, I was able to caught up with the lessons from all the subjects I missed. Geez! I feel loved.

Habang nagtitipa ako sa laptop, may naglapag ng paper bag. Hindi na ako nag-abalang lingunin kung sino ang naglapag nun, I knew it was Ace. Araw-araw ba naman ako bigyan ng snacks.

From my peripheral vision, umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. While I was proof reading the draft I made, I opened the Oreo. I waved it in front of him habang nginunguya ko ang pirasong kinuha ko doon. Kumuha naman siya. Naaninag ko si Bea na tumabi sa akin, may hawak na turon at chuckie, halatang galing siya sa canteen.

"Hey, babe." I rolled my eyes after hearing the word babe. Napansin ko din ang paglingon sa akin ni Bea, nakataas ang kanyang isang kilay.

"What?"

"Balik na ako sa room." Pagpapaalam niya. I raised my eyebrows at him. Edi umalis siya.

"Buti pa nga, shoo! Alis na!" Pagtataboy ko sa kanya, I gestured my hands shooing him away.

He opened his arms in front of me. "Wala man lang yakap?" Nanunudyo niyang sabi. Aamba na akong batuhin siya ng water bottle ko nang bigla siyang sumigaw, "Oo na! Aalis na!" Napailing na lang ako.

Simula nung gabing nakausap ko siya sa park, paunti-unti nang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Although, I still find him annoying pero hindi na gaano nang dati. Siguro nasanay na lang ako sa panti-trip niya, halos araw-araw ba naman dumidikit sa akin.

Nabaling ang atensyon ko sa katabi ko nang sikuhin niya ako. "Kayo ba?" I grimaced at her.

"Ewww, kadiri. Nah-uh!" Sunod-sunod ang mabilis kong pag-iling. I grimaced at the thought. I can't imagine the two of us being together in a relationship. Sa ngayon, si C pa din ang nasa puso't isipan ko kahit na may galit ako sa kanya.

"Eh ano yung babe?"

"Ewan ko, tanungin mo yun." Binigyan lamang ako ni Bea ng makahulugang tingin at ngiti sa sinabi ko. Ewan ko naman talaga kasi, bigla na lang niya akong tinawag na babe hanggang sa kinareer na niya.

Mabilis natapos ang recess, di ko namalayan na pumasok na pala yung teacher namin sa Practical Research 2. Habang nagdidiscuss si Ma'am Claveria sa unahan, biglang kumirot ang ulo ko. Minasahe ko ang magkabila kong sentido dahil mabilis na lumalala ang pagkirot nito. Siguro dahil sa stress, minsan kasi hindi ko naman feel na stress na ako pero yung katawan ko pala stress na. Yung feeling na mentally stable ka, pero physically unstable ka naman.

Marahan akong napalingon sa gawi ni Bea nang sikuhin niya ako. Inabutan niya ako ng one-half, di ko napansin na may activity pala. Kahit kumikirot ang ulo, pinilit ko pa din sagutan ang activity. I answered with my eyes squinted. Masakit sa mata at ulo ang liwanag na naaabsorb ng mata ko.

Inabot ko na lang kay Bea ang papel ko nang matapos ako at yumuko sa armchair ko. Ito ang hirap kapag may migraine...

~*~

Naalimpungatan ako dahil sa may kumakalabit sa braso ko.

"Dren. Lunch na."

Dahan-dahan akong umayos ng upo, nakapikit pa din ang aking mga mata. Masakit pa din ang ulo ko. Geez! I need pain reliever. Ilang minuto akong nanatiling nakapikit dahil hindi talaga kaya ng mata at utak ko ang liwanag. Naramdaman ko na lang na may lumapat na palad sa noo at leeg ko.

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon