Chapter 4: Favor

70 4 0
                                    

1894 words

"Dren..."

Mula sa pagkatulala ay bumalik ako mula sa pagkatuliro nang tawagin ako ni Trish. Inabutan niya ako ng 1 whole sheet. "May Activity, wala si ma'am."

Tumango ako at tinanggap ang piraso ng papel. Isang linggo na din simula noong nangyari yung traumatic attack ako. Yumuko ako para itago ang maiinit na likidong namumuo sa aking mga mata. Tatlong taon na ang nakalilipas pero sariwang-sariwa pa ang buong eksena sa aking isipan. Sugat ng nakaraan na kailanma'y di na maghihilom.

Kumuyom ang mga kamay kong parehong nanginginig ulit. Dren, calm down. Wag mo nang isipin iyon masyado.

Marahang may humigit ng braso ko at hinila ako palabas ng room, patungo sa tapat ng lockers na nakahilera sa corridors. Medyo napalakas ang pakakabitiw niya sa akin kaya nauntog ako sa locker na nasa likod ko. "Problema mo?" I gave him a deadpan look habang minamasahe ng bahagya ang batok ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko, inabot niya sa akin ang phone kong naiwan ko sa kotse niya last week. Simula nung nangyari last week sa labas ng classroom nila, hindi na muli ako dumaan doon. I chose to take the long path basta hindi ko lang madaanan ang classroom nila. And if possible, iniiwasan ko lahat ng kabilang sa batalyong "kaibigan" niya— yung Wanted. I wouldn't want to get myself into harm.

"Salamat." Mahina kong sabi at tinalikuran ko na siya. Pati siya, iiwasan ko na. Lahat sila. I'm sure Josh would understand if he would knew that I'll start ignoring one of his closest friends— Ace.

~*~

Dismissal na namin ngayong hapon, dumiretso ako sa Auditorium para sa practice na magaganap sa Choir contest, since ako ang naatasang maging leader ay kailangan akong naroon para i-facilitate ang mga kasama ko.

Iniabot ko sa mga kasama ko ang mga pyesang kakantahin namin, hinayaan ko muna silang ifamiliarize ang mga kanta. Pinatugtog naman ni Cammy ang speaker para mamemorize nila ang tono.

Siguro after 30 minutes, ipapractice ko na sila. I just need to proofread the 1st Chapter in our research, ayaw kasi ni Bea na natatambak ang mga gawain.

"Hoy Josh! Pagsabihan mo yang mga kaibigan mo, baka mag-ingay na naman yan dito!" Reklamo ng isa kong kagrupo. Kasama sa Choir Contest itong si Josh, sa malayo ay naaninag ko ang anim na lalaking kadarating lang.

"'WAG DAW KAYO MAG-INGAY!" sigaw ni Josh at kita kong nag-thumbs up si Matt. Di ko sure kung siya iyon, nanliliit na ang mata ko sa labo.

"Uy si Cammy, tinitignan ni Ace." Pang-aasar ni Phoebe habang sinusundot ang braso ni Cammy. Imbes na kiligin ay napataray nang wala sa oras si Cammy. Oo nga pala, siya yung niligawan ni Ace dati. Kaso ayaw naman ni Cammy kasi studies first.

Itinuon ko na ulit ang tingin ko sa laptop. Hindi nagtagal ay nakarinig na naman ako ng bulungon. Sa irita ko, nasaway ko sila ng wala sa oras.

Muli, nabaling ang tingin ko sa entrance na tumunog. Pumasok doon si Carlo na may magulong buhok, mukhang kagigising lang. Wala kasing teacher sa last class namin.

Shet! Sari-saring mura na ang naririnig ko sa aking isipan. Ang gwapo talaga ng nilalang na to!! Kaya madami ang nagkakagusto sa kupal na to eh! He's not the badboy type, but he's the bubbly one. Para sa akin, balanced ang personality niya. He's got the looks, the brains, and the personality.

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon