Chapter 6: Babe

62 4 0
                                    

Two weeks.

Almost 2 weeks.

I've been avoiding them for almost 2 weeks, especially kapag uwian na. Nung una, kinukulit ako ni C na sumabay sa kanila dahil ihahatid niya lang naman si Trish pero humindi ako. And Trish being Trish, she just smiles at me nonchalantly every damn time and it's annoying the shit out of me.

Halos 2 weeks na din akong nagc-commute, medyo hassle lang dahil laging punuan at hindi na ako gaano sanay mag-commute. I somewhat need to keep my distance for the love of God and for my peace of mind.

"Ok guys! Dismissal! Good luck sainyo bukas." I said habang pumapalakpak. General rehearsals na kasi ngayon and all my efforts in teaching them paid off.

Nagpaalam na sila sa akin habang ako naman ay inasikaso muli ang Audi, isinara ang mga kailangan isara bago ako umalis.

"Bal, kami na diyan." Dali-daling tumakbo si Josh papunta sa stage at iniligpit yung mga monoblocks na hindi ko pa na-stack. Habang sina Emman at Wesley naman ay nagwalis.

"Halos araw-araw kayong tumatambay dito after classes, wala ba kayong ginagawa?" Puna ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Ask Ace," sabi ni Josh sabay turo sa lalaking nakaupo sa madilim na dulo ng Audi. Nakayuko siya at parang busy sa pagtitipa sa kanyang phone. "the only reason why we're here is because he wanted to see his girl." Nakangising sabi ni Emman. His girl? Akala ko ba tinigilan na niya.

"Sino? Si Cammy?"

"Uy chismosa!" Pangaalaska ni Emman. Kung anong ikinabait nila ilang segundo lang ang nakalilipas, iyon naman ang ikinabwisit nila ngayon.

"Andrianne, himala wala na naman si Carlo. Akala ko ba sabay kayo umuuwi." Singit ni Wesley, ibinalik na nila sa broombox ang walis at dustpan nang matapos sila.

"Ahh... Yon ba. Last, last week pa ako nagsimulang huwag sumabay. Alam niyo naman siguro na nagkabalikan na sila ni Trish." I said trying not to sound sarcastic.

"Sabay ka na samin." Inakbayan ako ni Josh sabay kuha nung iba kong dala. Nagpatianod na lang ako dahil medyo pagod na din naman ako.

"Wala ba kayong ibang pupuntahan?"

"Kakain lang kami doon sa gotohan." Sagot ni Josh. Napansin kong bumuntot naman si Ace sa likod namin. Kinuha ni Wesley ang susi ng Audi at isinara iyon.

"Mauna na ako, ibalik ko lang tong susi sa guardhouse. I'll be waiting outside!" Paalam ni Wes at tumakbo palayo.

"Ihatid niyo na lang ako sa terminal ng jeep, magc-commute na lang ako."

Umaktong parang nasaktan si Josh sa sinabi ko. "Bal naman, nagtatampo na ako sayo. Akala mo hindi ko napapansin na umiiwas ka na sa amin. C'mon! Libre kita!"

I gritted my teeth, what the hell? Obvious pala na medyo iniiwasan ko sila. I sighed in defeat. "Fine! Fine! Basta huwag ako masyado magabihan."

"Bal, gabi na din. Sulitin mo na." Humalakhak ng parang baliw si Josh. I checked my phone only to see that it's already 6:30 in the evening. Geez! I'll be damned if I won't be home by 7:30.

Ang hirap 'pag lumaking masunuring bata.

Nang makarating kami sa parking lot, pumasok na si Emman sa kotse niya. "Bal, sabay ka na lang kay Ace ah?"

"Ha?!" Hakdog.

Nakangising tumango lang si Josh sa akin at pumasok na sa kotse ni Emman. Ganon din si Wesley. Omayghad! Feeling ko nananadya si Bal!

Lucky (On Edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon