Verse 1: Ako si Eulyssis

28 3 0
                                    

Isa na namang boring na araw ang gugugulin ko para magpractice ng mga kantang tutugtugin namin mamaya sa gig namin. Ilang salabat na naman kaya ang iinumin ko para lang makundisyon ang boses ko, namimiss ko na kumain ng ice cream. Kung bakit kasi umalis pa si Marvin sa banda eh, ako tuloy yung ipinuntong papalit sa kanya bilang vocalist. "Hoy Eulyssis! Gising na dyan, may practice pa tayo" si Robert, drummer namin, maagang nambubulahaw. "Oo, eto na, babangon na pre!" nayayamot na sagot ko sa kanya habang patungo ako sa pintuan para pagbuksan siya. "Pasok ka muna pre, maliligo lang ako, di pa ko nag-almusal, mahihintay mo ba ko?" tanong ko sa kanya. "Wag ka na mag-almusal pre, manlilibre si Leonard!" si Leonard nga pala yung bahista namin, gwapo parang ako. "Anak ng! Ano ililibre satin nun? Emong's pandesal? Eh saksakan ng kuripot yun eh!" maktol ko kay Robert. "Eh malay mo naman may pera yun ngayon? Kahit may pagkakuripot yun nilibre nya naman ako dati ng Angel's Burger eh..." katwiran ni Robert, "Ano!? Angel's Burger!? Yung buy 1 take 1 na burger na unang kagat pa lang, puro tinapay na!?" angal ko. "Hahaha! Loko-loko ka talaga pre, pwede ka palang magsolo artist eh, stand-up comedian nga lang" pang-asar ni Robert. "Basta bahala kayo, kakain muna ako ng almusal bago pumunta, oh siya, maliligo na talaga ako!" paalam ko.

Sa studio, kung saan kami magprapractice, nakita namin ni Robert ang mga kabanda namin na kumakain sa lamesa, kumakain ng mga pagkaing inilibre ni Leonard, tama nga ang hinala ko, mumurahin na nakakabusog ang bibilhin niya, kuripot talaga, bumili siya ng mga tinapay sa bakery at isang malaking softdrinks na RC ang pinagkasya niya sa banda. "Oh mga chong! Tara chibog tayo!" yaya ni Mike, lead guitarist namin. "Sige lang pre, nag-almusal na ko eh.." katwiran ko. "Bahala ka dyan, basta ako kakain ako.." si Robert. Pangalan ng banda namin? Kami ang 'Music Knights'. "Painom nga ko..." dinampot ko yung baso para kumuha ng softdrink, "Ooops! Di ka pwede sa malamig pre, alalahanin mo, may gig tayo mamayang gabi" si Mike. Wala akong nagawa sa pagpigil sakin ni Mike, oo nga pala, may gig mamaya, nakakahiya pag pumiyok ako sa harap ng maraming tao nang dahil sa hindi kundisyon ang boses ko, kaya kinuha ko na lang yung baon kong mineral water sa bag ko at sinuot yung headphone ko para pakinggan ulit yung mga irerevive naming mga kanta mamaya. Nagdadala na rin ako ng mineral water kasi yun yung laging ginagawa ni Marvin nung siya pa yung vocalist namin. Nakinig lang ako ng mga music habang hinihintay silang matapos kumain, hanggang ayun, tumayo na sila sa lamesa.

1, 2, 3, Go! "I'm only one, call away... I'll be here to save the day... Superman got nothing on me, I'm only one call away", ayun na nga, kinanta ko na yung mga kanta namin sa first set, para akong diyos, inulan nila ako ng papuri. "Di kami nagkamali sayo Eulyssis! Alam kong pagdating ng araw mahihigitan mo si Marvin!" puri sakin ni Leonard. "Salamat mga pre! Kinikilig ako! Hahahaha!" biro ko "Hahahaha!" nagtawanan naman sila. Lalo tuloy ako ginanahan, kaya ginasulinahan ko ulit yung lalamunan ko ng mineral water at kumanta ulit ng pang 2nd set namin. Tugudugs! Tugs! Tugs! Tugs Tugs! "Kumupas na, lambing sa'yong mga mata, nagtataka kung bakit yakap mo'y di na nadarama? May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo't salita? Bakit kaya? Parang hindi ka na masaya?" originally alternative rock talaga yung genre namin, pero tumutugtog din kami ng jazz at ibang old songs, depende kung ano yung madalas na irequest ng mga costumer sa amin. Sana nga magustuhan din nila ako, tulad ng pagtangkilik nila kay Marvin nung siya pa ang vocalist, siguro naman mahahasa na lang din ako niyan. Di ako dumaan ng voice lesson, talagang hilig ko lang talaga kumanta, tinuruan ako ni papa nung bata pa ko, yung pag-gigitara ko naman tinuro sakin ng dati kong bayaw nung highschool pa ko. Maraming nabago sa buhay ko mula nakapasok ako sa bandang ito.

Nasa bar na kami, wala pang masyadong tao, sineset pa namin yung instruments sa stage, "Sandali lang mga pre, tawag ng kalikasan" paalam ko. Pumunta ako ng banyo para jumingle, naghugas ako ng kamay pagkatapos at nagulat na lang ako na may pumasok na babae, "Miss! Sa kabila yung banyo ng mga babae..." pagsita ko. "Hu~wag moh ngaha kong pinaglololoko? Tihig~nan mo nga yung picture oh! May palda yung lalaki!" tinuro niya yung sign sa pinto ng C.R., wala na, lasing na to, ihahatid ko na lang sa banyo ng mga babae, "Tara miss, ihahatid na lang kita sa banyo ng mga babae" alok ko sa kanya. "Jane? Sabi ko na nga ba lasing ka na eh!" sabi nung babaeng palapit sa amin, "Pasensiya ka na kuya hah, lasing na tong kasama ko eh..." dispensa niya. "Oo nga eh, papasok siya sa banyo ng mga lalake, ihahatid ko sana sa kabila" paliwanag ko. "Hoy Cris, hindi ako lashing, nakainom lang" sabi nung Jane, "Naku naman, tara na nga Jane, pasensiya na talaga kuya hah..." muli niyang pagdispensa, "Ok lang, sige na hatid mo na siya" sabi ko.

Strum of my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon